>* Chapter 38 *<

62 2 4
                                    

>* Chapter 38 *<


Albert's Pov

" Aalis na ako! " Pamamaalam ko kay Jannine. Lumapit siya sa akin at inayos ang neck tie ko. Parang misis lang diba? haha!

" Ingat ka, wag kang magpagabi. Alam kong meetings lang ang schedule mo kaya wag mo akong lokohin! " I faked a laugh. Alam niya kasi lahat ng schedules ko dahil may number siya ng secretary ko.

" I promise, I love you " I slowly kissed her and I know she responded.

" I love you too! ingat ka! " at umalis ako.

- 4 weeks after nang nanganak si Jannine. After that it was oh so stressful para sa mahal ko. She looks like a stressed woman... Feeding our baby.. Umaga, hapon at gabi, changing diapers, tapos gigising ng madaling araw dahil sa gutom or dahil may tunog na nagising si baby Kayzer namin. Hindi ko naman hinahayaan na mas lalong ma stress si Jannine kaya minsan ako na ang nagigising ng madaling araw para patahanin si baby. Hindi ko naman sinisisi na dumating ang anak ko sa buhay namin.. It is such a wonderful blessing and because of my son... My love came back to life an live.

" Good morning sir! good mood as always " Bati ng secretary ko.

" ahaha, Cassey alam kong under ka pa ni Jannine kaysa sa akin but this time I have one favor to ask " yea, she is a filipino. Mas gusto ko kasi na filipino ang workers ko para naman hindi na sila mahirapan sa pag hanap ng trabaho dito sa america at masaya akong tinutulungan ko sila.

" If it is something about not telling your future wife about your schedules then I cant help " She giggled. Alam niya kasing mag mamakaawa nanaman ako sa kanya.

" pleaseeeeeeeee, pleeeeeeaseeee, Gusto ko mag overtime para sa proposal ko sa kanya mamaya!! " Bigla siya ngumiti ng malaki.

" Omg!!! she should know this na mag o-overtime ka!!! " Kinuha niya agad ang cellphone niya at mabuti naman na nakuha ko ito kaagad.

" I will deduct your salary kapag hindi ka sumunod sa akin! " She pouted.

" Fine! " gusto niya kunin ang cellphone sa akin pero nilagay ko agad sa bulsa ko.

" you can get your phone after my proposal haha " She crossed her arms. Pumasok agad ako sa opisina at sinimulan ang pag tawag ko sa sikat na organizer. Florist, chefs, musicians and more.

- I only have 4 meetings today and good thing nagpapalusot si Cassey kay Jannine tungkol sa additional and unexpected investors. Speaking of my future wife.. I missed her. Tinawagan ko siya kaagad pagkatapos ng last meeting ko.

" Hello beautiful!!! "

" Uwaaaaaah!!!!!!!! he-hello? Albert? Uwaaaaahhhh!!!!! Baby tahan na "

" Umiiyak nanaman si baby? " I hear her sobs. Teka, umiyak rin siya?

" Ka-kanina pa kasi to... Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! Hindi naman siya gutom, Hindi naman basa yung diaper niya, hindi naman rin masakit tiyan niya.... " kawawa naman ang mahal ko. She works more than I do. That is why I appreciate women they work and experience more physical and mental pain more than men do.

" Mahal.... Ilapit mo ang cellphone sa tenga ni baby "

" Okay...... nasa tenga niya na mahal..... UWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!! " Ang lakas ng iyak ni baby.

" Anak, si daddy to.. wag mo masyadong pahirapan ang mommy mo okay? Gusto mo kantahan ka ni daddy? Baby love to hear daddy sing right? " Kinantahan ko ang baby ko ng lullaby. I always sing this song to him kapag hindi siya tumatahan and no wonder effective naman pala! Baka nagandahan si baby sa boses ko! HAHA!

My Brother Is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon