>* Chapter 33 *<
Jannine's Pov
- Maaga akong ginising ni kuya... Malapit na kami sa ospital mag pa check up sa OB. He really wanna know hows my baby.. I mean our baby kung lumalaki ba ito ng tama o healthy. He is just too excited at tinanong pa ang doctor kung pwede ba malaman agad ang gender ni baby. Kahit alam niyang hindi pa pwede pinipilit niya si doctora. Good think Filipino Ang doctor ko Kaya Hindi kami mahihirapang makipag sundo sa kanya.
" Sorry ka na doctora... Mukha lang kasi siyang excited " Sabi ko kay Doc.
" Sus, ayos lang, nakakatuwa naman; sya lang ang lalakeng nag pumilit kung pwede ko bang malaman agad ang gender ng baby niya hahaha " I chuckled.
- Ang cute naman talaga tingnan ng lalakeng excited mag karoon ng baby. Sa panahon ngayon marami ang hindi umaangkin ng responsibilidad nila at kawawa naman yung mga babaeng nabuntis at iniwan. Pinahiga ako ni Doc para sa ultrasound. Nandito naman si Albert sa room para malaman kung ano ang shape ni baby sa tiyan ko. Habang nilalagyan ni Doc ng cream ay sinimulan niya agad at nakita ko ang loob ng tiyan ko.
" Yan! ang puting tuldok na yan ay ang baby niyo. " Lumapit naman si Albert sa screen para makita ng maayos si baby. Hindi pa kasi masyadong clear tingnan pero makikita ko naman ng maayos yung spot.
" Si baby ba talaga yan Doc? " Tanong ni Albert kay Doctora.
" Syempre naman. Dont worry after a few months kapag around 5 months na ang tiyan ng misis mo makikita na natin kung ano talaga ang gender ng baby niyo. "
- Misis? Ti-Tinawag akong misis.... Tiningnan ako ni Albert at naka smirk siya sa akin. Alam ko ang ibig sabihin ng mukhang yan! Pagkatapos kong magpa ultrasound ay nagbigay si Doc ng vitamins at advices kay Albert.
" So bawal sa kanya ang sobrang kain, dapat control sa cravings kapag around 6 months kasi pag masyadong lumaki si baby mahihirapan mo siyang ilabas. Second dapat laging masaya si misis bawal sa kanya ang depresyon o stress at bawal siyang mapagod. Third, lagi dapat tubig ang iinomin.. No alcoholic drinks or softdrinks you need to keep your baby healthy and so much more bibigyan ko nalang kayo ng listahan but Sir, dot forget that dapat laging masaya si misis.. A happy wife a happy life and a healthy baby.
- Attentive naman si Albert sa mga sinabi ni Doc. Pagkatapos namin bumisita sa ospital ay namasyal muna kami sa mall. Namili lang naman siya ng groceries at nag babalak na bumili ng mga damit para kay baby.
" te-teka... bakit ang aga mo namang pumili ng mga damit " Sabi ko kay Albert.
" Excited na ako eh.... "
" Masyado pang maaga para mamili... ummm, kapag nalaman natin kung ano talaga ang gender ni baby doon na tayo bibili "
" As you wish mahal ko " I just looked away.
- Nag libot libot lang kami at kumain hanggang sa dumaan kami sa isang stuff toy shop and parang gusto ko bilhin lahat ng stuff toys. Ang cu-cute nilang lahat.
" Mahal? Tara na, napapagod na ako sa kakabitbit ng groceries "
" bi-bi--- bilhan mo ako-- ng stuff toys " Para akong bata as I beg for him to buy me some stuff animals.
" eh? ang tanda mo na para sa ganyan " Hindi ko ma control ang emosyon ko at umiyak nalang ako bigla pero hindi naman gaano kalakas. Hindi ko talaga mapigilan gusto ko ng stuff toys.
" Ma-mahal, please wag ka nang umiyak... Si-sige bibilhan kita ng stuff toys.. saan ba diyan ang gusto mo? " Para akong nabuhayan ulit.
" Lahat!!! " I smiled at him
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Fiance
RomanceAng hirap namang intindihin ang pagibig . . . lalo na't pa bigla-bigla nalang darating. Pero masarap magmahal sa taong mahal ka rin lalo na at yung taong yun ay ang lalakeng nandiyan sa tabi mo matagal na. pero paano kung kapatid mo siya?