Chapter Seven: Power Assesment Day Part Two

1.6K 59 0
                                    

Jane's Pov

Nandito ako ngayon sa harap ng isang mataas na pader na gawa sa semento. Kasama ang ibang nakapasa sa unang level ng power assesment. Katabi ko ngayon sina Besty,Marx,Selene at Leo na kanina pa akbay ng akbay sa akin.weird.

Tumingin ako kay jevon saka ngumiti ng sobrang lapad pero inirapan lang niya ako. Bastos talaga to.

"Ok congratulation enchanters this is the face two  The Duel and im Justin your level two adviser and you need to group yourselves since lima kayo sa group niyo ang isang group ay dalawa at ang isa ay tatlo and again may mga transportation machine sa harap ninyo kaya pumunta na kayo para simulan ang Level two"sigaw ni justin sa amin na nasa taas ng pader na sumisigaw.

"Magkagro--" may sasabihin sana si Jevon sa akin kaso hinila ako ni Leo.

"Tayo na jane magkagroup na lang tayo nila Selene" sabi ni Leo sa akin saka ako linapit sa transportation machine. Nakatingin ako sa direksyon ni Jevon na nakatingin din sa akin. Sinubukan kong basahin ang kanyang iniisip kaso biglang nagbago ang lugar na kinatatayuan namin. Nasa battle ground kami ngayong tatlo kaharap din namin ang tatlong estudyante. Kung ganon ay kalaban namin sa level two ang mga studyante din dito sa Academy.

"Ako ang kakalaban sa lalaking iyon" sabi ni leo sabay turo sa lalaking naka damit ng kulay dilaw.

"Ok kung ganon akin na lang yung babaeng naka pink" sabi ni selene sabay turo sa babaeng naka pink na may hawak na dagger.

"Jane ikaw ng bahala doon sa babaeng naka pony tail" sabi ni selene sa akin. Tsk. Wala ba silang tiwala sa akin at ako pa kakalaban sa babaeng naka eye glass.

"Ok wait enchanters bago kayo magsimula pumunta muna kayo sa  harap ng napili ninyong kalaban at again may lilitaw na naman na teleportation machine para dalhin kayo sa lugar kung saan kayo maglalaban" naglakad na ako papunta sa gitna ng battle ground at sumunod naman ang makakalaban ko. Pagkalipas ng ilang segundo ay may lumitaw na teleportation machine.

Nandito kami sa isang lumang gymnasium na halos sira sira na ang mga bleachers. Tumingin ako sa aking kalaban, iiwas na  sana ako pero napansin kong paang mayparang hangin or force field na pumapalibot sa kanya kasabay ng pagdami niya naging pito siya saka sabay sabay na tumingin sa akin nag nakangisi.

Hinahamon ba ako ng kalaban ko? Tsk.

"Humanda ka na. Sa tingin mo ba porket ikaw ang nagtataglay ng kapangyarihan ng Ancient Magic eh basta basta mo nalang ako matatalo?!" Sigaw niya saka sabay sabay sumugod ang mga kamukha niya.

"Ang dami mong sinasabi sugod na!!" Nagpalabas ako ng maraming mga daggers saka pinatama sa direksyon ng mga kamukha ng kalaban ko, pero gumawa ng isang force field ang kalaban ko na nagsilbi niyang panangga sa aking atake.

Narinig ko ang malakas na tawa ng mga kamukha niya na malapit na sa akin kasabay ng paglabas ng kulay puting mga hugis bilog sa kanyang kamay. Pwede din palang gawing pang-atake ang shield.

Nang halos nasa harapan ko na sila ay tinira nila sa akin ang mga bolang iyon, mabuti at agad akong nakapagpalabas ng ancient shield. Saka tumalong ng malakas palayo sa shield. Nang naglaho ang shield ay nagulat ako dahil hindi ko makita ang aking mga kalaban. Tsk kainis na babae yun. Pero sa tingin ba niya hindi ko siya mararamdaman?

"Matatalo kita"sabay sabay na sigaw ng mga kalaban ko na hindi ko alam kung masaan basta ang alam ko nararamdaman ko sila. Agad akong lumipad pataas saka nagpalabas ng maraming mga espada. Mashado yatang kampante ang babaeng ito at minaliit niya ang kakayahan ko. Sigurado akong wala na siya takas dahil sa dami ng espada ngayon na lumulutang.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon