Before anything else this chapter is highly dedicated to itsrylzieyshh!!! Thankyou
Irylle
Mula sa mga malalaking mga puno ay may bumaba na mga nakaitim na cloak na ewan kung lalake o babae dahil may takip ang kanilang mga mukha. Kung tama ang aking pagkakabilang ay siyam sila at kulang na kulang ang aming bilang dahil apat lang kami.unfair.kung nandito lang sana sila allysa eh di siyam din kame
" Mga taga Enchantra Academy, tsk sa tingin ba ninyo ay mauunahan niyo kami?" Sabi nung lalake na tinatanggal ang kanyang maskara. Bigla akong nandiri dahil sa mukha niya na andaming mga tahi. Pareho lang pala kami ng pakay dito. Pero sorry nalang kayo dahil naunahan na namin kayo
" Pwede mo bang ibalik yung maskara mo?" Sabi ko bigla naman niya akong tinignan ng masama. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Kharlo na i find very cute.tsk may gana pa akong lumandi eh nasa harap na nga kami ng peligro.
" Tsk hanggang ngayon bastos ka pa parin! Anak ni Reyna Acquasha" teka paano niya ako nakilala?
" Hindi mo na ba ako naaalala ako sana ang papatay sayo noon kung hindi lang dumating ang mga kasamahan mo" sabi niya saka ngumisi tsk ang panget talaga. Pero sabi ba niyang siya ang papatay sa akin noon?
Siya ba yung nakacloak noon ng black. Tsk." panget ka pa rin" sigaw ko saka nagbelat sakanya.
Bigla namang may lumabas na kulay itim na usok sa mga kamay niya. Oh no.
" be safe" sabi sa akin ni Kharlo tumango naman ako
" mag-ingat ka din" sabi ko saka niya ako tinago sa likod niya.
Gumawa ng kulay itim na energy ball yung panget saka hinagis sa amin. Pero biglang may lumitaw na kulay puting energy ball mula sa likuran namin at sinangga ang atake ni panget. Lumingon kami sa likuran namin at nakita sina Allysa, Jake, Leo, Da Vinci at si Kharla.
" Need help?" Nakangiting sabi ni Allysa sa amin. Tumango naman ako saka humarap sa mga kalaban. Bigla naman akong nabuhayan ng loob para lumaban at ipamukha sa mga ito kung sino ang kaharap nila.
"Sugod!!!" Sigaw ni panget at agad namang tumakbo palapit sa amin ang mga Dark Guild. Kanya kanya kami ngayon ng kalaban
Kaharap ko ngayon ang isa sa mga taga dark guild. Mula sa cloak niya ay may lumabas na mga vines at pumalibot sa kanya.
" handa ka na bang mamatay?" Tanong nito sa akin at saka ngumisi. Base sa boses niya ay babae ang kalaban ko. Nginitian ko lang siya saka sumagot.
" hindi pa, kaya ikaw na mauna" nagsimula ng magsigalawan palapit sa akin ang mga halaman niya.
Gumawa ako ng isang invisible water shield at saka pinalibot ito sa akin. Ng dumikit ang mga halaman niya sa shield ay tinanggalan ko ito ng tubig kaya namatay ang mga ito.
" tsk walang kwenta" sigaw nito sa akin. Saka ako tinapunan ng masamang tingin.
Nagpalabas ulit siya ng mga halaman niya saka tinira sa direksyon ko. I jump as high as i could para maiwasan ang kanyang atake, pagkababa ko ay agad akong gumawa ng mga water bubles saka binato sa kanya. Hindi niya naiwasan ang mga ito kaya nasugatan siya sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.
Agad ulit akong gumawa ng water tornado saka itinutok sa kanya. Dahil sa hindi pa siya nakakarecover sa ginawa ko sa kanya ay hindi siya agad nakaiwas, dahilan para tumilapon at mauntog siya sa isang puno. Muntikan ng mahulog ang kaniyang maskara pero agad niya itong hinawakan at inayos.
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantasyGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...