Chapter Thirty Five

1.1K 27 2
                                    

Jane's POV

Napakabilis ng nangyari. Naramdaman ko na lang ang mabilis kong pagsugod sa kung sino man ang nasa harapan ko. Napatingin ako sa paligid. Mga tunog ng nagkikiskisan na espada. Pagsabog dahil sa mga kapangyarihan at pagsigaw ng mga nasusugatan na mga kawal ng magkabilang panig.

Mabilis na sumugod ang lima sa kawal ng Dark Guild sa akin. Ngunit hindi pa sila nakakalapit ay bigla na lang silang masunog. Sumigaw ang mga ito kasabay ng paggulong gulong nila sa nyebe ngunit hindi namamatay ang apoy na nasa kanilang katawan. Lumingon muli ako sa mga kasama ko  at mabilis na napatakbo kay Irylle na inaatake ng limang estudyante mula sa kabilang panig. Nag-init ang ulo ko dahil sa kanilang ginagawa. Tumatawa ang mga ito habang sabay sabay na sinusugod si Irylle. Paglapit ko sa kanila ay pinaulanan ko sila ng maraming mga daggers. Mabilis silang natumba at nagsimulang umagos ang dugo mula sa kanila.

Allysa's POV

Agad akong sumugod kasabay ng hindi mapigilang kasintahan ko. Bakas ang galit sa kanyang mukha habang mabilis itong sumusugod sa mga pumatay sa kanyang Ina at Ama na matagal ng hindi niya nakikita. Ang buong akala niya ay lumayo lang ang mga ito ngunit binihag na pala sila ng mga demonyong mga rebeldeng ito.

Hinayahan kong dumaloy ang malakas na hangin sa buo kong katawan habang mabilis na sumusugod papunta kay Jake. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Nakita ko ang magaganap at gagawin ko ang lahat para mapigilan ang mangyayaring kamatayan ni Jake. Kaharap ko ngayon ang dalagang babae na parte ng Dark Ministry. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Nag-init ang ulo ko dahil siya ang dahilan kong bakit namatay ang mga magulang ng mahal ko.

Nagsimulang umikot ang hangin sa aking kamay. Mabilis akong sinugod ng babae kasabay ng pagbato nito ng kulay pulang kidlat. Mabilis akong tumalon pataas para iwasan ang kanyang atake. Pagbaba ko ay mabilis akong tumira ng air blades at air turnado sa kalaban ko. Mabilis siyang nakailag sa air turnado ngunit hindi niya napansin ang air blades. Tumama ito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Napadaing ito habang hawak hawak niya ang kanyang tyan.

Tumingin ito sa akin. Bakas ang galit sa kanyang mukha. Ngumisi ako kahit papaano ay isang karangalan na masugatan ang isang tulad niya, isang Dark Ministry. Mabilis akong sumugod sa babaeng ito ngunit natigilan ako ng marinig ko ang isang pamilyar na sigaw mula. Lumingon ako sa paligid at halos gumuho ang mundo ko ng nakita ko si Jake habang sinasakal ng lalaking pumatay sa kanyang mga magulang.

Kinakabahan man ay mabilis akong tumakbo para iligtas siya. Iniwan ko ang kalaban ko. Ito, ito ang nakita ko na isa sa mangyayari. Mamamatay si Jake. Ngunit hindi ako papayag. Pipigilan ko ito hanggat kaya ko. Halos ilang metro na lang ako sa kanya. Matutulungan ko na sana siya. Ngunit napatigil ako. Hindi ako makagalaw. Tila nakokontrol ako ng kung sino man. Isang body suspension? Sino ay may kakayahan na gaya nito. You can use this ability to stop any body movement and right now ay nangyayari ito sa akin. Pinilit kong gumalaw pero hindi ko parin magawa. The more i try the more i suffer.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman ko ay paggalaw ng paa ko palapit sa lalaking sumasakal kay Jake. Pero hindi ako ang nagpapagalaw sa katawan ko. It was someone else. Body Control? Sino ba ang gumagawa sa akin nito? Pilitin ko mang alamin kong sino ay hindi ko magawa dahil kontrolado nila ako. At hindi ko gusto ang nangyayari.

Habang unti unting lumalapit ang katawan ko sa aking mahal ay unti unting lumalabas ang isang air dagger mula sa aking palad. Habang ako ay lumalapit ay nagsisimula ng bumuhos ang aking luha. Kung sino man ito sana ay itigil na niya. Narinig ko ang paglalakad palapit sa akin ng kung sino man.

"You underestimated me. My dear, i wouldn't be a part of the Dark Ministry for nothing. Now let me witnessed how you kill the person you love"pagkatapos itong sabihin ng babaeng kalaban ko kanina ay tumawa ito ng napakalakas. Unti unipti akong lumapit sa kanya. Kahit pilit kong pinipigilan ang sarili ko ay hindi ko magawa. Nabago ang mangyayari. Hindi ang lalaking sumasakal kay Jake ang papatay sa kanya kundi ako. Dinig na dinig ko ang pagtawa nila. Napatingin ako sa mata ni Jake. Kitang kita ko ang lungkot at Galit niya. Ramdam ko ang pagpasok ng aking kamay ng matalim na kutsilyo na gawa sa hangin, gawa ko sa dibdib ni Jake. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak. Naramdaman ko ang pagtigil ng kanyang paghinga. This can't be happening to me. Pinatay ko siya. Pinatay ko ang lalaking mahal ko. Bumagsak ang katawan niya sa lupang puno ng nyebe. Umagos ang dugo niya at wala man lang akong nagawa. Mapga hayop sila!!! Tumawa ang dalawa kasabay ng pagkaputol ng chain na kumukunekta sa amin ng babaeng komokuntrol sa akin. Nakita ko si Jane na nakikipaglaban sa pinuno ng Dark Ministry. Hirap na hirap siya pero nagawa niyang alisin ako sa pagkakacontrol ko. Hindi ako nagsayang ng oras. Agad akong gumawa bg madaming air blades at pinatama sa mukha at dibdib ng aking mga kalaban. Wala  silang nagawa. Unti unting bumagsak ang kanilang katawan. Hindi ako nakuntento at gali na galit akong lumapit sa babaeng komontrol sa akin. Ilang beses ko itong sinaksak hanggang sa naputol ang ulo niya.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon