Vaughn's POV
Kasalukuyan naming kaharap ang walang hiya naming kaibigan noon na pumatay sa aking kapatid at sa babaeng mahal ko na si Maecha. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya papayagan na makatakas. Kasama ko si Ignius ngayon na galit na galit dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. Pinapalibutan na din namin siya. Nandito ngayon nakapalibot sa kanya ang Magic Council. Wala na siyang kawala pa.
Tumingin ito sa amin isa isa habang tumatawa. Nagulat kami ng bilang sinugod ni Ignius si Victor. Napakabilis ng pangyayari. Sinunod ni Ignius as isang kamay ni Victor. Saka ito sinuntok. Dinig na dinig namin ang pagkabali ng kanyang mga buto. Hindi pa nakuntento si Ignius at sinunod niya ulit ang natitira niyang kamay. Sunog ang dalawa niyang kamay. Ilang beses ito sumigaw dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Bumalik sa magic circle si Ignius. Isa isa nilang binuhos ang kanilang kapangyarihan kay Victor. Ilang beses itong sumigaw. Itinigil nila ito at napahiga si Victor dahil sa labis na panghihina. Sinimulan ko ang ritwal.
"Given the power of Divine Justice. Victor you are punished by your evil-doing. You shall never have any power along your existance you will not die but you will not walk"sigaw ko. Nagsimulang lumiwanag ang magic circle. Lumiwanag ang kalangitan at bumaba ang isang liwanag sa esaktong lugar kong nasaan si Victor. Nakarinig kami ng napakalakas na sigaw mula sa kanya. Biglang lumitaw ang isang malaking krus at dumikit si Voctor doon. Tinangay siya ng liwanag at dinala sa isang lugar na ni sa panaginip ay hindi mo gugustuhin mapuntahan.it was in Hell.
Jane's POV
Kasalukuyan kami ngayong naglalaban ni Persephone sa himpapawid. Ito na siguro ang laban na magdidikta kung sino at kung saang panig mapupunta ang Enchantra. Hindi dapat ako matalo. Hindi ako makakapayag na mapunta lang sa wala ang mga sakripisyo ng aking mga kasamahan at lahat ng lumaban para sa kapayapaan. Masyado ng marami ang namatay para matakot pa ako. Nagsimula na kami sa paglalaban.
Mabilis na sumugod sa akin si Persephone. Hindi nagatubili ito na patayin ako. Halatang gigil na gigil itong tapusin ako. Lumabas ang kulay itim na bola sa kanyang kamay at mabilis na tinapon sa akin ngunit nakailag ako agad. Nagpalabas ako ng kulay ginto at asul na kapangyarihan mula sa aking forbidden power at saka pinatama kay Persehone. Natamaan ito sa kanyang hita ngunit parang hindi niya naramdaman ang ginawa kong pag-atake.
"Bwisit ka talagang babae ka!!"sigaw nito saka ako mabilis na sinugod. May naisip na akong plano. Pilit niya akong pinapatamaan gamit ang iba't ibang mga kapangyarihan niya. Nagpalabas ito ng iba't ibang halimaw para sugurin ako pero gumawa din agad ako ng mga elemental guardians na kinalaban ang mga halimaw niya.
Hindi ito tumigil sa pagsugod sa akin. Sinubukan ko siyang sipain ngunit mabilis niya itong inilagan saka ako sinipa kaya tumilapon ako pabalik sa lupa. Mabilis akong nilapitan ni Marx. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hinalikan ako nito sa noo. Agad akong lumipad pabalik sa kapatid kong bruha saka ito sinugod. Nagpaulan ako ng iba't ibang atake gamit ang anim na elemento. Pinilit niya itong sanggahin gamit ang dark magic niya ngunit hindi niya kinaya. Tumilapon ito palayo ngunit agad din lumipad pabalik.
Tumawa ito habang mabilis na sumugod sa akin. Agad akong nagpalabas ng pinagsama sama kong elemental magic papunta sa kanya ngunit mabilis itongumiwas at mabilis na lumipad patungo kay Marx. Pinatama niya kay Marx ang atake niya. Tumilapon si Marx at halos punit punit na ang kasuotan nito. Kitang kita ko din ang natamo nitong sugat.
Sinigaw ko ang pangalan ni Marx kasabay ng mabilis kong pagsugod kay Persephone. Pagkahawak ko sa kanya ay mabilis kong pinatama sa kanyang dibdib ang aking anim na elements. Mabilis itong sumabog kasabay ng malakas na sigaw ni Persephone.
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantasyGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...