This is the destined day. The worst day. I don't know what will happen. But war is war. Unexpected thing happen. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa sinasabing lugar ni Allysa ang Land of Finex isang lugar na hindi masyadong malayo sa Academy. Baon baon namin ang pag-asa na magtatagumpay ang kabutihan. Ramdam ko mula sa mga kasama ko ang kanilang kaba at takot. Napakaraminng bilang namin. Ito na siguro ang pinakamalaking lanpban na haharapin ng Enchantra. We are divided. At isa ako sa mga namumuno dahil mula ako sa Power Class. They expected a lot from me.
Habang naglalakad kami ay sumabay sa akin si Irylle. Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin pero hindi gaya dati na labas pati gilagid. May problema siya. Nakita kong lumapit si Kharlo sa amin at sinabing kakausapin siya ni Kharlo. Naglakad sila palayo sa akin. Lumapit sa akin si Allysa.
"Alam ko ang mangyayari. Nakita ko na ang hinaharap pero hindi ko pa nakita kong sino ang nanalo. Jane please gawin mo ang lahat para mabago ito hindi ko kaya. Hindi ko kayang tanggapin. Madami ang mamamatay. Madami ang magsasakripisyo madami ang mawawalan"pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon ay lumandas ang luha mula sa kanyang mata. Niyakap ko siya.
"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Hindi ko hahayaan na mawala ang mga taong mahalaga sa atin. Pangako"niyakap ko siya. Pagkatapos ng nangyari ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa sinasabing lugar. It was a open wide field that is filled with snow. It was not snowing but i wonder why the place still maintain the snow. Napakalawak ng lupain na ito. Sobra akong kinakabahan ngayon. Wala pa ang mga grupo ng mga Dark Guild. Nakatayo ang mga Hari at Reyna ang tumatayong Magic Council ng Enchantra sa aming harapan kasama ang mga Teachers namin sa Academy pati ang Headmaster at sa aming likuran nakatayo ang mga estudyante at mga kawal ng ibat ibang kaharian. Nasa gitna kami katabi namin sina Maam at Sir Lucas. This is do or die battle. Mas gugustuhin kong mamatay kaysa mabuhay ng walang nagawa.
Hindi din nagtagal ay unti unti naming natanaw ang mga kawal ng mga rebelde ang Dark Guild. Napakarami nila. Kasunod ng mga kawal ang mga estudyante nila. At nasa panghuli ang mga high rank students nila at Dark Ministry kasama ang Hari nila na tinatawag nilang Victor Binay kasama ang isang maputing dalaga . Marahil siya ang kapatid ko si Persephone. Tumigil sila sa paglalakad.
Tanaw namin ang isa't isa. Maging alerto kami ng biglang gumalaw ang mga kawal para bigyan daan ang Dark Ministry kasama ang Hari at Reyna nila. Ang Dark ministry nila ay may limang bilang. Apat na lalaki at isang blonde hair na dalaga. By the mere fact na tinititigan mo lang sila ay alam mong malalakas sila.
Inutusan kami nina Sir Lucas na pumunta sa tabi ng mga Magic Counsil. Nagkatinginan ang mga kasama ko. Lumingon sila sa kanilang mga magulang at ramdam ko ang takot na nararamdaman nila para sa isa't isa. Ang Magic Counsil ay binubuo ng mga makapangyarihan na mga Hari at Reyna ng mga Elemental Kingdoms. Ayon sa kwento ni Irylle ay hindi lang basta elemental power ang kaya nilang gawin. Malalakas sila.
Pagkapwesto namin sa harap ay napatingin agad ako sa aming mga kalaban. Nakatingin sa akin ang aking kapatid na may ngisi sa kanyang labi. I smiled back. Kahit man lang dito ay hindi ako magpapatalo.
"So long my dear friends. Namiss niyo ba ako?"pagbati sa amin ni Victor. Sa kanyang pagngiti lang ay kikilabutan ka na. Nakatingin ito sa mga Hari at Reyna ng Enchantra. Napansin ko ang pagkuyom ng palad ng Ama ni. Marx pati ang mga kasama niya.
"Oppsss huwag kayong magalit sa akin. Hindi ko naman papatayin ang mga kaibigan ninyo kong hindi sila nakialam. Yeah honestly i did not regret doing it to them dahil kung nagkataon at naawa ako eh di walang saysay ang aking reincarnation. Mawawalan na sana ako ng tyansa para sakupin ang buong Enchantra at hindi ko sana makikilala si Persephone"pagkatapos niya itong sabihin ay tumawa ito ng malakas.
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantasyGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...