Nagising ako dail sa sobrang lakas na pagkanta ni Irylle marahil ay nasa kanyang sariling cr na naliligo. Napilitan akong bumangon pero agadko itong pinagsisihan dahil para akong nawalan ng lakas at biglang natumba at napahiga sa malamig na sahig ng aking kwarto. Para ako nawalan ng lakas sa hindi ko malamang dahilan. Sinubukan kong tumayo pero halos maligo na ako sa sarili kong pawis ay wala paring nangyari. Pinilit kong kumapit sa gilid ng aking kama and with all my strength kahit na mahirap ay nagawa ko parin ang bumalik sa aking kama . Halos habulin ko ang aking hininga. What was happening? On me? Naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot sa aking sarili sinubukan kong magcast ng spell na magpapalabas ng isang punyal sa aking harap pero walang nangyari.
'Jane huwag mo munang pilitin na gamitin ang kapangyarihan mo. Dahil baka hindi mo na magamit ito habang buhay. Take a rest your body need it' kung hindi ako nagkakamali ay boses ni Ella ito pero naguguluhan parin ako ano ba ang ginawa ko para manghina ako?
" kahapon ay masyado mong nagamit ang kapangyarihan mo. Iwasan mo kung maaari ang pagtawag ng mga malalakas na mga spirit dahil hindi mi pa gamay ang energy mo. Alalahanin mong hindi 100% palagi ang lakas mo kaya huwag mong masyadong abusuhin ito. Magpahinga ka kahit ngayong araw na ito lang paniguradong babalik ang lakas mo"pagkatapos sabihin ni Ella iyon ay naglaho na din ang kanyang boses sa aking utak. Pinilit kong mahiga ulit sa aking kama. Gusto ko sanang tawagan si Irylle kaso hinang hina ako.
Irylle POV
Gusto niyo bang malaman kong bakit masaya ako? Kung ayaw niyo wala kayong magagawa dahil sasabihin ko pa rin. Kanina kasing umaga ay may kumatok sa aking pintuan. Kahit gulo gulo ang buhok ko ay binuksan ko ito at tumambad sa harapan ko ang mabangong amoy ng lalaking pinaginipan ko ang napakagwapong mukha ni Kharlo na nakangiti sa akin. Bigla akong nataranta dahil sa itsura ko.
"Goodmorning Irylle"mahinahon at nakangiting bati ni Kharlo sa akin na dahilan para uminit ang mukha ko. Shet umagang umaga. Bakit ba siya nandito?
"Goodmorning din Kharlo. Bakit ka nga pala nandito" tanong ko saka ko nilagay ang ilang strand ng buhok sa likod ng aking tenga. pabebe? Bigla namang namula ang lalaking nasa harapan ko at hindi mapakali.
"Gust-gusto ko sanang gisingin ka para sabay na taŷong kamain sa cafeteria at sabay na ding na pumasok. Ok lang ba?"nagkamot pa ito ng ulo habang tinatanong ako and in someways i find it so much cute.
"Hintayin mo na lang ako sa baba maliligo lang ako"pagtapos nun ay agad akong tumungo sa aking banyo para maligo. Halos madapa pa ako dahil sa pagmamadali. Habang ako ay naliligo ay hindi ko mapigilang mapasayaw at mapakanta dahil mukhang magiging maganda ang araw na ito para sa akin.
Pagkatapos kong maligo ay agad din akong nagbihis at bababa na sana kaso naalala ko si Jane. Hindi pa siguro ito gising hanggang ngayon. Though okay lang naman dahil maiintindihan naman ng academy its just that gusto kong makasama si Kharlo.
Naglakad ako palapit sa kanyang kwarto at kumatok ng ilang beses pero walang sumagot. Marahil ay tulog pa ito.
Bumaba na ako at naabutan ko si Kharlo na nakaprenteng nakaupo sa sofa. Nang nakita niya ang pababa ay agad itong tumayo ng may ngiti sa kanyang labi. Sabay kaming naglakad palabas ng aming dorm and take note HOLDING HANDS kami while walking.Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay hindi ko maiwasan ang hindi mainis sa mga babaeng nadadaanan namin na malanding binabati si Kharlo. Gosh isn't obvious na nasa tabi niya ako like hello im the princess of the water kingdom. Isa pa itong si Kharlo na ngumingiti din pabalik sa kanila. Nakakainit ng dugo itong mga ito. Tsk.
Nang nakarating kami sa Cafeteria ay umupo kami sa upuan ng mga Power Class Student. Well kami pa lamang naman ni Kharlo ang nandito. Inusuod niya ang upuan para makaupo ako then tumabi siya sa akin. After na maibigay ang -inorder ni Kharlo ay nagsimula na din kaming kumain, pero habang ngumunguya yata ako ay sobrang pula na ng aking mukha dahil sinusubuan niya ako gamit ang spoon niya.
"Kain ka din oh"saka ko siya sinubuan pero medyo marami rami din iyon. Tumawa pa ako habang ginagawa iyon Kaya halos mabilaukan siya, good thing na uminom ito agad. Nagpatuloy lang kaming ganoon. At pansin kong madaming kinikilig na babae sa paligid habang ginagawa niya iyon sa akin. Well hanggang tingin na lang kayo!!
Napukaw ang atensyon namin ng biglang may umupo sa harapan namin na ilang araw ko din na hindi nakita. Si Marx pero nawalan yata ako ng gana ng nakita kong may umupo sa kanyang tabi na babae na ngayon ko lang nakita sa tana ng pamamalagi ko dito. Maputi siya gaya ni Besty Jane. Kulay itim ang buhok nito while may pagkabrown na blonde kay Jane and teka why am i comparing them eh mas hamak namak na maganda si Besty Jane except for the boobs part dahil pati ako ay talo. Tsk i hate this girl na.
"Hi Kharlo!! Whose this girl beside you"malambing niyang tanong sa aking katabi ramdam ko ang mabilis na pagkulo ng aking dugo. Mabuti na lang at wala dito si Jane baka kung anong mangyari dun. Huwag lang siyang magkakamaling lumandi kay Kharlo baka makalbo ko siya.
"Im Princess Irylle or the Water Kingdom and you?"ako na mismo ang nagpakilala sa sarili ko since nababagalan ako kay Kharlo.
"Im Princess Scarlet of London"napanganga pa ako dahil sa gulat akala ko kasi she's just some random girl na makikita mo sa academy. Siya ba ang pinagkakaabalahan ni Marx kaya hindi siya sumama sa mission? Nagsimula na silang kumain nagsusubuan pa nga sila. Bakit kaya di na lang sila magpalit ng plates kung ang gusto naman pala nilang kainin ay yung nasa magkabila nilang plato. Medyo naaawkward pa ako kasi ngayon ko lang nalaman na caring pala si Leader Marx.
"Lets go"bulong sa akin ni Kharlo. I don't know pero makikiliti ako dahil don. I can also feel his warm breath that is touching my ear. emegyd. Hinawakan niya ang kamay ko and we both exited ourselves in the cafeteria.
Naglakad lakad muna kami sa kung saan kami dalhin ng aming mga paa. Hanggang sa dinala ako ni Kharlo sa isang Man made na waterfalls dito sa loob ng academy. The place is very refreshing in the eyes. My iba't ibang makukulay na mga isa sa ilalim ng tubig. Umupo kami malapi sa isang puno.
"Yung babae na kasama ni Marx. Do you want to her"tumingin ito sa akin. Marahil ay alam niyang hindi ko bet yung babaeng London na iyon. Tumango ako bilang pagsagot."That girl, si Scarlet at ang babaeng matagal ng nakafixed marriage kay Marx. She is Marx's Fiancé. Matagal na din silang pinagkasundo. Kung tama ako mga six or seven pa lang kami noon when their parent make a deal. Ang problema lang ngayon is your BestFriend Jane dahil sa palagay ko ay inlove na siya kay Marx. Baka kung anong gawin non." Alam kaya iyo ni Jane or hindi? Pagnasaktan yung humanda sila sa akin. Pepektusan ko talaga yung Marx at London na iyon.
----------
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantasyGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...