Chapter Twenty One

1.4K 41 3
                                    

Dumiretso kami sa cafeteria para kumain. The usual atmosphere, hindi pa ganoon kadami ang mga estudyante para kumain. Habang kumakain kami ay may naalala akong itanong sa kanya.

"Irylle nakita mo na ba si Leo?"tanong ko dito. Namiss ko na kasi yung makulit na lalaking yun. Gusto ko sanang magtampo dahil hindi siya sumama pero dahil hindi siya dumalaw eh lalo ko siyang namiss.

"Hindi ko pa kasi nakikita si Leo simula noong umuwi tayo. Nakalimutan ko rin na itanong sa mga kasamahan natin kong nasaan siya."pagpapaliwanag niya sa akin. Tumango tango lang ako. Baka may pinuntahan din siya na mahalaga. Sana. Napatingin  ako uoit  kay Irylle, kanina ko pa siya gustong tanungin tungkol kay Marx dahil hindi man lang niya ako dinalaw. Pag nakita ko talaga yun. Hindi lang kurot sa singit ang ibibigay ko sa kanya.

"Uhm Irylle eh si Marx nakita mo na ba siya? Hindi ko pa kasi siya nakikita  simula noong umuwi tayo eh"tanong ko since yun naman talaga ang matagal ko nang gustong tanungin sa kanya. Napatingin ako sa kanya at narinig ko ang bumuntong hininga niya na parang iniisip kong sasagutin ba niya ako or what.

"Uhm Jane about kay Marx  Ano, ano si Marx kasi kaya hindi siya nakakapunta ay dahil----"naputol ang sasabihin niya dahil sa malakas na tunog ng bell na nangangahulugan na magsisimula na ang first period. Nagmadali kaming tumayo at naglakad kasabay ang mga nagmamadaling mga estudyante or more on tumakbo papunta sa aming classroom. Ano kaya ang rason kung bakit hindi siya nakakapunta? On our way ay may mga napapatingin sa akin na mga estudyante. Maybe its because of my new hair color na hindi ko alam kong ano ang nangyari.

Pagpasok namin ay wala pa naman si Maam Mary Grey or si Sir Lucas. Kaya agad akong umupo sa isang bakanteng upuan. Sa upuan na lagi akong umuupo katabi si Marx and si Irylle ay agagd din na umupo sa tabi ni Kharlo. Pinipilit pa nga ako ni Irylle na tabi na lang kami na umupo sa mga bakanteng upuan sa likod pero sinabi ko naman na okay lang sa akin at bumalik na lang siya doon sa tabi ni Kharlo my loves niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang isang babae na may itim na buhok at may mapulang labi dahil sa lipstick. Sino siya?Bago ba siya? I think its a little bit weird pero hindi ko siya feel. Mukhang hindi ko siya makakasundo or what. Umupo ito sa aking tabi. Gusto ko sanang sabihin na may nakaupo jan pero mukhang matagal na din naman na jaan siya umuupo. Kaya hinayaan ko na lang. Pagkaupo nito ay tumingin ito sa akin at ngumiti. Ngumiti din ako sa kanya.

"Pwede bang umupo ka sa bakanteng chairs sa likuran natin jan oh! May kasama kasi ako at dito lagi kami umuupo. And by the way im Princess Scarlet galing sa mortal world. Im the grand daughter of Queen Elizabeth. Hindi kita nakita noong unang araw ko week ko dito and anyway I like your hair. Whyats your name"mahaba nitong paliwanag sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bago nagsalita.

"Im on a mission kaya wala ako noong mga nakaraang mga araw and I'm Jane, Jane Ryan Lee nice to meet you"nakangiti kong pagpapakilala sa aking sarili bago tumayo at umupo sa bakanteng upuan sa likuran ko. Siguro dito na lang ako uupo since baka magkatabi din naman kami ni Marx dahil nga sabi naman ni Scarlet na mayroon siyang kasama. Napalingon akon kay Irylle at nakita ko siyang nakatingin sa amin ni Scarlet habang umiiling iling. May mali ba?

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Marx. This past few weeks kapag naiisip ko siya ang biglang bumibilis ang tibok ng puso ko just like ngayon habang nakatingin sa kanyang mukha. That face that holds his messy brown hair and those red tempting lips that everygirl would wish to taste. Even me. Agad akong napangiti. Babatiin ko ba siya or what? Agad akong tumayo and with all the smile  I could gather.

"Goodmor----"hindi natuloy ang aking sasabihin ng biglang tumayo si Scarlet at agad na lumapit at niyakap si Marx. She even gave him a smack kiss on his cheeks. "Goodmorning Babe your late ulit"napatingin ako kay Scarlet na kunyari ay nagtatampo kay Marx. Ngumiti lang sa kanya si Marx saka kinurot ang pisngi nito. Ok what did i miss? Napalingon sa akin si Marx at doon ko lang naalala na nakatayo pa pala ko. Agad akong umupo at napahawak sa aking dibdib. Para akong nahihirapan na huminga. If im not mistaken tinawag ni Scarlet na Babe si Marx. Sila na ba?

Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanila habang sila ay masaya na naghaharutan. Kaya ba iniiwasan ni Irylle na sagutin ang tanong ko minsan dahil dito. Eto ba ang inaasikaso ni Marx kaya hindi siya nakapunta noon. Hindi ko maiwasan ang mainggit dahil sa mabilis na paghalik ni Scarlet sa pisngi ni Marx. Again, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa kanila. This should not be happening wala naman kami. I don't have to feel this way. At saka sino ba naman ako para magustuhan niya. Tsk, masyado yata akong nagexpect na magkakagusto sa akin ang isang coldhearted na lalaki. Ano naman laban ko sa babaeng Prinsesa pala ng London. Isa lang naman akong hamak na estudyante ng Enchantra.

Agad kong inubub ang ulo ko sa mesa para itago ang aking mukhang puno ng luha. Baka sakaling isipin nilang natutulog ako. Patuloy pa din ang tahimik kong paghikbi. Ayaw ko naman na marinig pa ng dalawa ang katangahan ko. Hindi ko alam kong ilang oras akong ganoon. Basta naramdaman ko na lang ang kamay ni Besty na hinihimas ang aking likuran. Napaangat ang aking tingin sa kanya. At nakita ang nag-aalala niyang mga mata na nakatingin sa akin. Wala na din ang mga kaklase namin. Agad akong tumayo at niyakap siya. Nagsimula na naman na bumuhos ang aking mga luha. I should not cry. Im better than this.

"Hush now Jane its ok. He don't deserve you actually. He is a jerk for not choosing you. Ano nga ba ang nagustuhan niya doon? Baka yung malaking boobs ni Princess London hahaha. Tara na kain muna tayo"bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Pero tama siya mas malaki ang boobs ng babaeng iyon kaysa sa akin. Lumabas na kami ng aming room at nadatnan namin ang mga kasama ko. Si Allysa at Jake. Rockyl at Jesther. Da Vinci at Kharla. Si Irylle at Kharlo. Mukhang lahat sila ay may nahanap na. Unlike me.

"Irylle mauna na kayo sa Cafeteria punta lang ako sa comfort room"hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Agad akong tumakbo papunta sa cr at agad na pumasok. Hindi ko maiwasan ang pagmasdan ang sarili ko sa salamin. Nakailang hilamos pa ako bago napagdesisyunan na dumaan muna sa akin locker. Para iwan ang ilan sa aking aklat.

Pagpasok ko ay walang tao. Napangiti ako ng mapait. Mag-isa pa rin ako. Agad kong kinuha ang mga aklat na iiwan ko para ilagay sa aking locker. Nang narinig kong bumukas ang pintuan. Hindi na ako lumingon dahil pinagpatuloy ko lang ang paglalagay ng libro. Matatapos na sana ako ng bigla kong nahulog ang aking bag at nahulog lahat ng aking mga gamit. Agad ko itong pinulot and after sometime ay tinulungan ako ng taong pumasok and by the loom of his hands i assume na lalaki siya.  Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko and again nabitawan ko na naman ang aking mga gamit dahil sa gulat. Its Marx who is looking at me.

"You can go now. Kaya ko ng pulutin itong aking mga gamit"seryuso kong sabi. Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya. Kahit wala naman akong karapatan para mainis.

"Mabuti naman at ok ka na"nakangiti nitong tugon. Naiinis akong tumingin sa kanya. Gusto ko siyang hampasin ng notebook. Nagmadali kong pinulot ang aking gamit pero nakikipagagawan parin ito ng gamit.

"Ano ba!!! Bitawan mo nga yan aalis na ako!!"buong lakas kong hinablot ang aking hawak namin na notebook dahil doon ay nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. Agad akong tumayo at inayos ang gamit ko. Binilisan ko ang paglalakad para makalabas na ng room na ito pero mabilis niyang hinila ang kamay ko at pinaharap sa kanya

"Ano ba!! Bitawan mo nga ako"naiinis kong sigaw sa kanya. Pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak ni sa aking kamay. Ano ba ang husto niyang mangyari?

"Ayoko. Ayokong bitawan ka and please don't ask me to go awy dahil hindi ko kaya"mahinahon niyang pakiusap sa akin. If this is a normal day siguro kikiligin pa ako pero hindi eh. May Scarlet na siya. Ayaw kong masira sila dahil sa akin. Agad kong hinila ang kamay ko at tumalikod para lumabas ng locker room, ngunit nabigla ako ng pumasok si Scarlet at nilagpasan lang ako. Nagpatiloy lang ako sa paglakad hanggang sa nakarating ako sa pintuan. Lumingon ako sa kanila.

Sinalubong ni Scarlet si Mar ng isang halik."Babe tara na  gutom na ako" pagkatapos non ay agad akong lumabas at nagmadaling makalayo sa lugar na iyon. Halos tumakbo ako papunta sa aking dorm. Nakakainis sila. Pumayag siyang halikan ni Scarlet pero para saan ang sinabi niya sa akin? Paasa ba siya? Hanggag dito ba naman sa Enchantra may paasa. I should know na The Lesser you expect the lesser you get hurt.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon