Biglang bumukas ang ilaw at nakita namin ang loob nitong palasyo kung saan nagtatago ang mga kalaban. Halos lahat ng mga gamit ay kulay itim at pula. Para itong Grand Hall ng academy pero doblemito sa laki. At ibang iba ang aura sa loob hindi kagaya ng Hall sa Enchantra. At mula sa pinanggalingan naming pintuan ay mayroon pang anim na naka palibot sa buong Grand hall.
Walang tao? Baka trap ito!?kanina ko pa nararamdaman na parang may mali. Kailangan naming makaalis agad dito. Tsk. Kung sana sumama sina Leo at Marx hindi sana kami gaanong mahihirapan lalo na at pansamantalang hindi ko magagamit ang mga elemntal powers ko. Dahil na over use ko ito noong nasa mortal world ako kung sana nakinig lang ako kay Ella. Pero ok lang dahil kung hindi ko ginamit ang elemental power ko ay hindi ko maililigtas ang mga kasama ko lalong lalo na si Marx.
Sana nga lang ay magamit ko ang mga napag-aralan ko para magamit ko ang mga ancient weapons at spells ko. May whole body become alert at parang lahat ng mga kapangyarihan na pwede kong gamitin ay parang gustong gustong lumabas.
"Lumabas na tayo this is a trap!!"kinausap ko sila trough my mind at parang nagulat sila but they immediately follow me towards the door where we came from. Ng halos ilang hakbang na lamang kami sa pintuan ay nakaramdam ako ng mga hindi pamilyar na mga hakbang mula sa likod ng pintuan na nasa harap namin. Shit!!
Napatigil ako sa paglalakad at itinaas ko din ang aking kanang kamay para patigilin sila. Marahil ay naguguluhan sila sa nangyayari. Humakbang ako palayo at ganun din sila.
Now, there's a huge amount of dark energy coming from someone. No, hindi siya iisa marami silang nasa likod ng pintuan. They were armed. Madami sila at kulang na kulang kami. Muli kong pinagapang ang mga linya na parang ugat na ako lang nakakakita. Pinalibot ko ito sa buong hall. Tama nga ang hinala ko kanina pa this shit is a trap!!. My whole body is now sensing a one hundred possibility of double danger. Pero bakit hindi sila sumusugod?
"Ready yourself. Madami silang nasa likod ng mga pintuang iyan. Alam nilang darating tayo"tila nagsilbing isang warning ang binitawan kong salita at agad silang umayos patalikod sa akin at hinarap ang ilang mga pintuan.
Nakarinig kami ng mga nagkikiskisang mga espada mula sa likod nitong pintuan kasunod ng isang malakas at sunod sunod na sigaw.
"1"
"2"
Ang pagbibilang nila ng mga Numero ay isang hudyat na susugod na sila.
"Ill ledendiri figthoua qu thauma!!"I immediately casted a spell at nagliwanag ang loob nitong hall at lumitaw ang magkahalong kulay dilaw, asul at pulang kulay na pentagon. Sa bawat sulok nito ay may nakasulat na mga magic ruins.
"3!!!"pagkatapos ng huling bilang ay sabay sabay na sumabog at nawasak ang anim na pintuan ay naging mausok ang paligid.
Irylle
Habang naglalakad kami papunta sa pintuan sa gilid nitong palasyo ay hindi ko maiwasan ang mapatingin at kiligin dahil si Kharlo ang kasama ko sa laban na ito. "Irylle mag-iingat ka and if possible just stay beside me, ok?"bakas ang sinseridad sa kaniyang boses. Ramdam kong uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Gosh Irylle act like a princess. M U na ba kami or what nagiging vocal na kasi siya masyado sa akin baka bumigay agad ako. Tsk.
Bago kami pumasok ay tumango ako at ngumiti pero umiwas siya ng tingin saka pumasok sa pintuan,alangan sa pader. Habang kami ay naglalakad ay kapansin pansin ay napakatahimik na corridor. Wala ni isa sa mga tauhan ang nakakasalubong namin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hangngang sa nakarating kami sa isang malawak na kwarto na walang ni isa ang gamit. Dahil wala naman kaming nakikitang mga kalaban ay napagpasyahan naming sundan ang iba naming kasama. Nang akmang lalapit na kami sa pintuan ay biglang may lumitaw na limang malalaking kulay itim na Ogre na may hawak na espada. Napaatras kami ni Kharlo at agad na nagpalabas ng tubig mula sa aming mga palad. Kung minamalas ka nga naman ay lima pa ang nakaharap namin. Tsk, diba pwedeng isa isa?
Mabilis na sumugod ang mga Ogre na halos ikatumba namin. I immediately duplicate my self para mas lalong maguluhan at tatlong Ogre na sumugod sa aking. Pinaghihiwa niya ang mga kamukha ko ng ilang beses pero bumabalik lang sa dati. Ilang beses din itong sumigaw na halatang naiinis na.
I grab the chance to create a water dragon at inutusang atakihin ang mga Halimaw kinalaban ng aking water dragon ang isa sa mga halimaw, ilang beses na nagpakawala ng acid ang aking dragon pero naiiwasan ito ng Halimaw. Pero sa panghuling atake ng Water dragon ay hindi ito nakailag kaya kinain ng Aking Dragon ang halimaw at agad ding nalusaw dahil sa gawa ang water dragon sa acid.
Third Person Pov
Pagkatapos magcast ng isang spell ni Jane na natutunan niya sa mga practice niya kasama si Marx Jevon Ford ay lumabas ay isang makulay na pentagon. At isa isang lumabas ang mga legendary warriors na nakasuot ng armor na gawa sa purong ginto na hindi basta basta tinatablan ng itim na kapangyarihan at nakahawak ng sarili nilang mga espada. Nagulat ang mga kasamahan niya sa loob ng hall dahil sa ipinamalas ng dalaga pero agad din itong nawala ng sumabog at naging pira-piraso ang mga parte ng mga pintuan kasabay ng mabilis na pagpasok ng mga kalaban nilang nagmula sa dark guild.
Napaismid ang kanilang guro mula sa kaniyang posisyon dahil sa naisip niyang kasakiman ng namumuno sa dark guild.
"Fighting Empress!!"napukaw ang atensyon ng lahat dahil sa sigaw ni Jane at kalaunan ay nagbago ang kanyang kasuotan. Nakahawak na ito ng kulay itim na espada at naging kulay pula na ang kanyang buhok. Suot ni ang Kulay puti at gintong kasuotan na ginamit ng Goddess of Heaven. Sa isip isip ni Jesther at ni Lucas ay kung normal na araw lang sana ito ng training ay baka mapasigaw pa sila sa pagkagulat pero hindi dahil napapaligiran na sila ng mga naka itim na armor. Mabuti na lang at mayroon silang mga legendary warriors na kasama sa labang ito.
Naging mas determinado ang mga kalaban nila na agad na sumugod sa kanila ng sabay sabay. Naghanda naman ang grupo ni Jane sa pag-atake. Agad itong lumipad ang nagpalutang ng hindi mabilang na mga dagger. Sa kabilang banda ay nagkaroon na din ng kulay violet na ilaw mula sa kamay ni Jesther at kasabay nito ay lumutang na din siya.
Ibinato ni Jane ang mga dagger sa kalaban kasabay ng mabilis na pag-atake ng mga Legendary Warriors. May ilang natamaan sa kanila at natumba pero parang hindi naubusan ang kanilang bilang. Napansin ni Jane na lahat ng dinadaanan ng mga Legendary Warriors na kalaban ay kanilang natatalo. Sa ilang buwan din na nakasama niya si Jesther ay ngayong lamang niya nakita ang tunay na kapangyarihan ng tinatawag nilang Master of spells and potions. Mabilis na nakikipaglaban si Jesther na nakailang ulit ng nagcast ng spells habang kinokontrol ang mga nakakalaban niya.
Nagulat din siya dahil sa lakas na pinapakita ng kanyang Guro na si Sir Lucas na naging metal ang buong katawan habang nakikipagespadahan sa mga kalaban niya. Nagpapalabas din ito ng mga espada sa ibat ibang parte ng kanyang katawan at pinapatama sa kanyang mga kalaban.
Nawala sa konsentrasyon si Jane dahil sa nakaitim na cloak na naghagis sa kanya ng kulay itim na may halong kuryenteat hugis bilog na marahil ay kapangyarihan niya. Bigla niyang naalala ang lalaking nakaharap nila noon sa mortal world. Nasundan pa ito ng ilang pag-atake mula sa lalaking naka cloak. Dahil sa naiinis na si Jane ay sumugod ito sa lalaki at nagsimula silang magespadahan. Ilang beses na sinusubukang sugatan ng lalaki si Jane pero hindi nito nagagawaang mailapit ang espada niya sa katawan ng dalaga. Napapadaing na lang ang kalaban ni Jane dahil sa sakit dahil ilang beses na itong nasugatan. Nagtataka rin si Jane kung bakit all of the sudden ay gumaling ito sa pakikiaglaban. Ng akmang sasaksakin na ni Jane ang lalaki ay nakatalon ito palayo saka ngumisi.
"Hanggang sa muling pagkikita Legendary Princess"saka ito biglang naglaho. Napalingon siya sa kanyang mga kasama na ngayon ay nakaupo sa gilid habang nakasandal at hinahabol ang kanilang hininga. Naglaho na din ang mga Legendary warriors at ang tanging nakikita na lamang niya ay ang mga katawan ng mga natalong mga Taga Dark guild.
"Tapos na!!" Sigaw ng mga nakangiting ksamahan nila saka patakbong lumapit sa kanila. Nakangiti namang sinalubong ni Jane ang matalik niyang kaibigan na si Irylle saka niyakap. Oo, tapos na ang problema ng islang ito. Malaya na sila. At finally nakakauwi na ako at makikita ko na sila. Si Marx. At ang Academy.
![](https://img.wattpad.com/cover/48717523-288-k4823.jpg)
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantasyGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...