"Happy Birthday Jane!!!! Surprise!!!!" Pagbukas ko sa pintuan ng aming dorm ay napatingili ako sa gulat. Ito ang sigaw na bumungad sa akin. Salitang maghapon kong hinintay na marinig mula sa kanila. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso dahil sa saya na na aking nararamdaman. Nakatayo lang ako sa tabi ng pintuan na halos magsimula ng umiyak. Nasa harapan ko silang lahat. Kompleto ang grupo nandito din ang Mama ni Irylle si Reyna Acquasha at sina Headmaster kasama si Maam Mary Grey at Sir Lucas na sobra ang pagngiti sa akin. Pero nakakapagtaka na nandito rin ang hari at reyna ng Fire Kingdom na parent ni Marx at ang mga magulang nila Allysa at Rockyl na namumuno sa kanilang mga kaharian. Umayos akong tumayo dahil nakakahiya sa kanila.
Isa isang lumapit sina Allysa kasama ang kanilang mga boyfriend at niyakap ako sabay abot ng mga regalo nila na halos mahulog ko na. Humingi din sila ng paumanhin dahil nagkunwari silang walang alam tungkol sa aking kaarawan. Medyo nainis din ako at hindi ko napigilan na ikwento sa kanila ang pinagdaanan ko kanina. Niyaya nila akong pumunta sa dinning room dahil madami daw silang inihanda para sa akin.
"Jane, happy Birthday and sorry kanina. Hindi ko ideya na pagawa sa iyo yung mga iyon pero nagpumilit sila kaya wala akong nagawa. Happy birthday ulit"pagpapaliwanag sa akin ni Sir Lucas na parang bata. Ngumiti lang ako bilang tugon saka masayang tinanggap ang ibinigay nilang regalo ni Maam Mary Grey. Habang naglalakad akong mag-isa papunta sa dinning room ay nakita ko ang lalaking namiss ko dahil hindi nagparamdam sa akin simula kahapon. He is smiling like an idiot. Nang nakalapit ito sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit and i did the same. Pagkatapos niya akong yakapin ay kumalas siya at tinitigan ako sa aking mata. Hindi ko mapigilang kiligin ang gwapo niya talaga, ang swerte ko. He kiss me quickly at medyo na disappoint ako.
"Happy Birthday My love and my infinity"bati nito sa akin saka ako muling niyakap. Sabay kaming naglakad papunta sa dinning room. Pagdating ko soon ay tumambad sa akin ang napakaraming pagkain na inihanda nila para sa amin. Masaya akong lumapit sa mga pagkain. Ngunit napatigil ako ng mapansin kong nakatingin sa akin ang Hari ng Fire Kingdom, Ang Ama ni Marx. Baka galit siya sa akin dahil hindi natuloy ang arragement ng kanyang anak kay Scarlet. Nagmukha akong bata na takot kaya agad na lumapit sa kanyang ama. Nagtago ako sa likuran ni Marx at narinig ko ang mahina nitong pagtawa.
"Relax ka lang. My dad won't bite you"saka ito muling tumawa. Inalalayan niya ako sa aking pag-upo. Kaharap ko ang Ina ni Marx but the goodthing is nakangiti siya sa akin. Her mother has a fair face complexion. Napakaamo ng kanyang mukha and she is moving with grace. Ngumiti ako sa kanya ng pabalik saka sinimulan ang pagkain. Habang kami'y kumakain ay nagsimula na silang magkwentuhan. Lahat sila ay nagtatawanan and ngayon ko lang napansin na lahat sila ay kasama ang kanilang kanya kanyang mga pamilya while ako ay hindi. It's my eighteenth birthday without them.sana makita ko sila.
Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan na naming pumunta sa living room para makapagkwentuhan. Nagkanya kanya sila ng pwesto. Uupo na din sana ako ng bigla akong tinawag ni Marx at sinabing pumunta daw muna kami sa labas dahil may pag-uusapan kami. Nagpaalam siya sa aming mga kasama at tumango namin sila. Mukhang medyo weird dahil parang nagkakaintindihan silang lahat.
Habang naglalakad kami sa hallway nitong aming dorm ay napansin kong tulog na ang mga nandito. Paglabas namin ay naglakad kami papunta sa garden nitong girls dormitory, tumambad sa amin ang tahimik na hardin tanging ang mga tunog lamang ng mga nagliliparan na mga kulisap ang maririnig mo. Maliwag ang lugar na ito dahil na rin marahil sa bilog na buwan.
Bigla kong naalala ang narinig kong sinabi ni Ella kahapon. Up until now ay wala parin naman akong nararamdaman na kakaiba sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantasyGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...