Chapter Twenty Seven

1.4K 32 0
                                    

Nakatayo kami ngayon ni Marx sa Captain Deck nakahanda na si Marx para sa mission na ito. Nakasuot siya ng isang flame armor ang sabi niyang tawag though mukha lang naman itong isang black and red na leather jacket. Habang ako ay nakasuot lang ng isang kulay asul at ginto na cloak.

Mula sa barkong sinasakyan namin ay tanaw na tanaw na namin ang Island of Stone. Ramdam ko ang namumuong takot sa aking sistema. Hinawakan ni Marx ang kamay ko saka ako binigyan ng mabilis na halik sa labi. I smile kahit papaano ay nabawasan ang takot ko dahil sa ginawa niya.

Nakarating kami sa dalampasigan ng islang ito. Tahimik. Mula sa kinakatayuan namin ay tanaw namin ang nagsisilakihan na mga puno. Mayroon ding mga sira sirang mga barko sa gilid na halos nagkahiwahiwalay na ang mga parte. Naglakad kami ni Marx habang pinagmamasdan ang paligid. May mangilan ilang na mga estatwa dito ng mga tao. Marahil ay ito yun mga hindi nakaligtas mula doon sa Medusa na iyon.  Madaming nakakalat na mga estatwa sa paligid. Pagpasok namin sa gubat ay sumalubong sa amin ang mga iba't ibang mga halimaw na naging bato.

Karamihan sa mga halimaw ay may hawak na mga armas. Iba't ibang halimaw na may kalahating katawan ng hayop at tao. Mayroon ding mga halimaw na may maraming mga ulo. Ito ba ang mga sinasabi ng nabasa kong libro na mga halimaw? Bakit naging bato sila? Imbes na maibsan ang takot na nararamdaman ko ay para itong lumala. Marahil ay masyadong mabagsik ang tatlong halimaw na iyon at naisipan nilang patayin ang lahat ng mga nakatira dito. Sana lang ay hindi ako magaya sa mga ito.

Sinenyasan ako ni Marx na huwag masyadong lumayo sa kanya. Naglakad kami papunta sa gitna nitong isla. Masyado itong masukal. Ngunit nakapagtataka na wala man lang ni isang halimaw o hayop ang nakakaharap namin.

Nang nakarating kami sa gitna ng gubat na ito ay nakita namin ang malaking kweba na may karatulang nakasulat sa itaas na parte nito. ABANDON ALL HOPE YOU WHO ENTER THIS. Bigla akong kinabahan at nag-aalangan kong papasok ba ako sa loob. Sinubukan kong magconcentrate para kausapin si Ella dahil may gusto akong tanungin.

'Ella? Naririnig mo ba ako?'

"Ano ang iyong kailangan Jane?'

"Gusto ko lamang malaman kong maaari ko na bang gamitin ang mga elemetal power ko?'

'Pwede mo ng gamitin ito pero hindi lahat. Isa lamang mula sa apat ang maaari mong gamitin'

Pagkatapos ay nawala na ang boses ni Ella. Kahit kinakabahan ay naglakad na kami papasok sa bunganga ng kwebang ito pero natigil kami ng biglang may narinig kaming yabag ng kung sino may na naglalakad patungo sa direksyon namin. Paglingon namin ay nakita namin ang isang makisig na lalaki na may kulay blonde na buhok at nakasuot ng kumikinang na armor na gawa sa silver. May hawak itong isang curve sword at isang bright shield at may sapatos din itong may pakpak. Naging alerto kami at inihanda ang aming sarili. Dahil baka kalaban siya. Pero i doubt dahil ang gwapo niya.  Naglakad ito palapit sa amin saka nagsalita.

"Relax lang hindi ako kalaban. Ako nga pala si Perseus nandito ako para kalabanin ang halimaw na si. Medusa. Kailangan ko ang kanyang ulo para iligtas ang aming bayan mula sa isang halimaw ng dagat. Kayo sino kayo at bakit kayo nandito sa isang dekikado g lugar na ito?"i was about to answer when Marx held me at inilapit sa kanya. Possesive eh? Siya na ang sumagot.

"Same as you we are here for a mission. We need the Gorgon's blood"tumalikod na si Marx habang hila hila ako at pumasok na kami sa kweba. Naramdaman ko naman na sumunod na si Perseus sa amin. Pagpasok namin sa loob ay hindi maiwasan ang mapatakip sa aking ilong. Ang dilim at ang baho ng paligid. Amoy patay na hayop. Tinignan ko ang paligid, may  nakadikit sa mga pader na mga tourches na nagbibigay ng liwanag sa loob. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. May mga nadadaanan kaming mga estatwa at mga buto ng hayop at tao. Sa sobrang gulat ko ng nakita ko ang kalansay ay bunggo ko ang isa sa mga estatwa at nabasag ito. Gumawa ng malakas na ingay ang pagkabasag ng estatwa.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon