Chapter Thirteen

1.6K 49 4
                                    

Jane

Halos isang linggo na din simula noong nakabalik kami mula sa mortal world at hindi ako sigurado pero parang may mali. I felt like my body is or there is something in inside me na kulang pero hindi ko alam kong ano. Pagkatapos ko kasing tulungan si Marx ay binalak ko pang tulungan si Irylle pero natumba ako and thats the last thing i remember. Pagkagising ko kasi ay nandito na kami sa Enchantra. Alam na din ng buong academy ang nangyari kay Selene pero hanggang sa naging kalaban lang siya dahil hanggang doon lang ang pwede nilang malaman. And lately hindi na masyadong sumasabay si Marx sa amin. Ano nga ba ang pakialam ko?

"Choose one of your classmate dahil sila ang makakasama ninyo sa inyong misyon" kasalukuyan kasi kaming kinakusap ni Sir Lucas. May mga hawak kasi siyang mga papel. Pero kulang kaming nandito wala yung mga lalake And the usual Irylle na halos kainin na si Sir Lucas dahil sa sobrang gwapo nito. Ganyan siya sa halos lahat ng lalaki na makita niya.

"Irylle tayo na lang ang magkasama sa misyon" hindi niya ako kinibo. Bahala na. Kung makapaggroup lang kami Ay parang project lang ang pinaghahandaan namin. Naexcite ako bigla dahil ito ang unang misyon namin ni Irylle na dalawa lang kami.

"Just get one and past. Kung ano ang una ninyong makuha yun na iyon. Dont worry every mission has a reward. Pagkatapos ninyong nakita kung saan ang inyong misyon ay bumalik na din kayo sa inyong dorm to prepare your things dahil bukas na kayo pupunta. Kaya na naman siguro ninyo iyan diba? Ok, so i have to go" saka ito lumabas ng room. Doon lang nahimasmasan si Irylle saka ako kinausap tungkol doon. Sinimulan kong iexplain ang lahat simula sa pinakauna.

"So sa Island of Smile tayo pupunta"i said to Irylle. We both smile because of excitement.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa aming dorm. Nauna na din doon sina Allysa at Rockyl. Nakasalubong din namin si Marx.

"May problema ba kayo ni Marx, Jane?" Napansin din ba niya. Pero hindi naman ako sigurado kung meron talaga.

"Wala, bakit?" I feel like i Lied.

"Hindi kasi kayo nagpapansinan" she said. what's wrong with that ba? Kung sa bagay hindi na niya ako inaasar. Baka busy siya.

"Hanggang kilang ba tayo doon para alam ko kung gaano kadaming damit ang dadalhin ko?" Irylle asked.

"Baka hanggang matapos ang Mission" i said with the tone of sarcasm. Kaunti lang kasi ang dinala ko since misyon lang naman iyon.

"Ehhh! Jane kasi. Ikaw ano ba ang dadalhin mo?"

"Kunting damit lang. Hindi ko naman balak magswimming doon"

"Sure ka?"nang-iinis na tanong nito sa akin.

"Hindi nga baka ikaw"

Pagkatapos naming mag-empake ay nagsimula na din kaming maglakad papunta sa sakayan ng mga bangka. Hindi
naman kami nahirapan sa paghahanap ng masasakyan dahil mayroon pang naghihintay na isang bangka.

"Saan po ang punta ninyo Maam?" Tanong ni mamang Bangkero. Sumakay na kami sa kanyang bangka. Tinulungan niya kami sa aming mga gamit.

"Sa Island Of Smile po?" Nakangiting sagot ni Irylle.

"H-ha!? Ibig ko pong sabihin ay ano po ba ang gagawin niyo doon?" Pilit na ikinubli ni Mamang Bangkero ang pagkagulat at pagkatakot sa kanyang narinig pero bakit?

"Mag-iingat kayo doon mga bata. Kung maaari ay huwag na kayong magtatagal doon"seryosong binitawan ng mama ang bawat salitang iyon. Ano nga ba ang naghihintay sa amin doon?

"Matagal po ba ang byahe papunta doon?" Tanong ni Irylle.

"Medyo"

Nagsimulang aliwin ni Irylle ang kanyang sarili gamit ang kaniyang kapangyarihan. Nagpapalutang ito ng mga maliliit na mga bula ng tubig. May mga isda pa itong sinasama. Mukha namang nasiyahan ang Mamang Bangkero sa kanyang nasisilayan.

"Ang ganda naman pala ng iyong kapangyarihan ineng. Kung nagkaroon lang din sana ako ng malakas na kapangyarihan"biglang nagbago ang ekpresyon sa kanyang mukha. May bahid ng kalungkutan at panghihinayang.

"Ano po ba ang iyong kapangyarihan?"tanong ko

"Eto"bigla itong tumingin ng diretso sa harapan namin at biglang pumuti ang kaniyang buong mata."Ang aking mga mata ay kayang tumingin ng kahit gaano kalayo at kahit gaano kaliit, kaya ko din tumakbo ng mabilis pero hindi ito sapat"

"Hindi sapat?"nagkatinginan pa kami ni Irylle dahil sa sabay naming tanong.

"Nandito na tayo, mag-iingat kayo at sana magtagumpay kayo sa inyong misyon"hindi na niya nasagot ang aming tanong. Pagkatapos naming bumaba ay umalis na din agad si Mamang Bangkero.

Isang malawak na isla. Maputing buhangin. Malalago at Matataas na puno at bukod doon ay wala na akong makita pang iba. The usaul atmosphere of a forest. Huni ng mga ibon. Ang ganda ng pwesto ng mga bulaklak na tinatamaan ng sikat na nagmumula sa papalubog ng araw.

"Tama ba itong lugar na pinuntahan natin?" Lumapit si Irylle sa akin na nakakunot ang noo

"Hindi din ako sigurado" nagsimula na din kaming pumasok sa kagubatan. Nakakapagtaka nga kung bakit ni isang tao ay wala kaming nakikita. Island of Smile? Really.

"Baka nasa kabilang part nitong isla yung talagang centro nitong isla"suhestiyon ni Irylle sa akin.

"Ok since pagabi na din bukas na lang natin ito ituloy"hindi pa kami pamilyar sa lugar na ito kaya sa tingin ko mas nakabubuti kong ipagpabukas na namin ito. Nilabas ni Irylle ang kaniyang Pika Pouch at mula doon ay may linabas itong tent na nagsimula ng lumaki. Dahil sa pakiramdam ko ay mapanganib dito kapag gabi ay naglabas ako ng potion saka binuhusan ang aming tent nagsimula itong naging invisible para walang makapansin sa amin tent and we choose to put it sa tabi ng isang puno na madaming mga sanga sanga sa ibaba yung parteng hindi madadaanan.

Pagpasok namin, i was shocked dahil para talaga itong isang kuarto with two bed and mayroon din siyang kitchen. Just imagine how wide is this tent.

Pagkatapos naming kumain ay natulog na kami. I just have to be ready para sa mangyayari bukas. I think hindi lang ito isang simpleng misyon. Sana ay makayanan namin ito.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon