Chapter Ten: Mortal World

1.6K 53 1
                                    

  Marx

Bigla tuloy akong nahiya dahil sa biglaan kong paghila sa kamay ni Jane. Nakita ko rin na namula siya.
Bakit ba ako bigla biglaang nagkakaganito?

" Uhm ano kasi Jevon na-nandito na tayo"  sabi niya sa akin, bigla naman akong napabitaw sa kamay saka iniwas ang aking tingin. Saka agad na naglakad.

" Leader san ka pupunta?" Sabi ni Allysa na nakahabol na sa tabi ko. Bigla naman akong napatigil dahil hindi ko nga pala akam kong saan kami pupunta.

" Hoy Jevon!! Doon. Ang bahay namin" sigaw ni Jane na baboy sa akin sabay turo doon sa bahay na kung saan nakita namin sila noon na nakikipaglaban.

"Ok lang yan Leader" sabi sa akin ni allysa saka ngumiti that i find very irritating

" tskk" i said then walk to the direction where Jane said. Narinig ko pa ang nakakainis na tawa ni Allysa bago ako tuluyang pumasok sa gate ng bahay nila.

Bago ako pumasok sa bahay ni baboy nilagay ko muna yung binigay ni Lucas na Shield. Apat na kulay pulang mga sticks ito. Nilagay ko sa apat na sulok ng kanilang bahay incase na may umatake na mga taga dark world eh safe kami dito dahil hindi sila makakapasok.

Naalala ko yung sinabi ni ama na palatandaan, may birthmark daw yung anak ni Reyna Stella sa hita na makulay basta ang sabi ni ama ang mga kulay ay sumisimbolo sa apat na elemento niya at may isang kulay itim na espada na nakaukit doon,pero paano ko iyon malalaman, alangan naman na  ano. Tsk.

" Bukas na lang tayo magsimulang maghanap Leader kailangan pa nating ayusin ang mga gamit natin ngayon dito at wala pa tayong mga pagkain kung ok lang sayo kayo na lang kaya ang mag-ayos dito at kami na lang ni besty ang bibili ng pagkain" sabi ni Irylle sa akin siguro nga mas mabuti kong bukas na kami maghanap. Sana nga lang ay huwag yung babaeng yun ang mahanap namin.

"Uhm pwede bang ako na lang ang sasama kay Jane" sagot ko kay Irylle pero bigla tuloy akong nahiya at napakamot pa ako sa ulo ko

" ok?" Sagot niya sa akin na naguguluhan pa ata sa inasal ko.tsk

" gusto ko lang mag-ikot ikot dito at saka ano ayaw ko kasing maglinis dito ok" pangdepensa ko sa sarili ko. At mas lalo na namang kumunot ang noo niya. arrghh.

"Irylle tayo na!!" Sigaw ni Jane na pababa na ng hagdanan

"Jane si Marx na ang sasama sayo"sigaw ni Irylle saka pumasok sa isang kwarto.

" tara na" sabi ko saka siya hinila palabas ng bahay

" bakit ikaw ang sasama?"

Tumingin lang ako sa kanya saka ulit naglakad

Jane

Nakakainis naman itong lalaking toh! Tatanungin mo pero hindi sumasagot. Bastos talaga toh.

Habang naglalakad kami papunta sa pinakamalapit sa Supermarket para lang akong shunga dito na nagsasalita ng  mag-isa. Pagpasok namin sa Mall na hindi ko na nakita kung anong pangalan. Agad akong dumeretso sa supermarket eto namang kasama ko mukha ng aso na sunod ng sunod if i know kanina pa na iinis yan dahil kanina pa kami naglalakad.

"Ano ba ang bibilhin mo?!" Sigaw niya sa akin. Napatingin pa yung mga bumibili dito dahil sa ginawa niya.

" Hindi ko naman sinabi na sumama ka kasi tapos ngayon magrereklamo ka! Kung gusto mo mauna ka na sa bahay!" Sagot ko naman

" paano ako uuwi eh hindi ko alam kong nasaan tayo tsk"

Hindi na ako sumagot dahil alam ko na naman na hindi ako mananalo sa kanya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbili ko ng mga pagkain. Pagkatapos kung bumili at magbayad eh umuwi na rin kami. Pero siya na yung nagbuhat siguro ay nahihiya na rin siguro.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon