Chapter Fifteen

1.4K 46 1
                                    

Tumayo ang babaeng gwardya at tumingin sa akin ng masama. Ngumiti ako ng malapad. She deserve it. Humanda siya para makipaglaban sa akin. Mano-mano? Sige lang huwag kang magkamaling hawakan ako dahil magsisisi ka. Mabilis itong lumapit sa akin at sinubukan akong sipain sa aking mukha pero nakailag ako. Good thing tinuruan ako ni Kharlo kung paano ang dumipensa kahit hindi ko gamitin ang kapangyarihan ko..

Lumapit ulit siya, akala ko ay susuntukin niya ako sa mukha pero nagkamali ako dahil sinuntok niya ako sa aking tiyan hindi agad ako nakailag kaya nasuntok niya ako, agad kong hinawakan ang kanyang braso. Finally nahawakan na din kita, tsk. Pagkatapos ko siyang hawakan sa braso ay tumalon ako palayo sa kanya. Humanda ka.

"My turn. Being a Princess of the Water Kingdom you have to face the punishment of hurting me"saka ako ngumiti. By what i've said mukhang natakot siya pero ngumisi din siya pagkatapos saka niya ulit hinanda ang sarili niya. Mukhang hindi niya talaga alam ang nangyayari. Mabilis nitong pinulot ang espada niya mula sa upuan niya at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Itinaas niya ang espada niya at itinutok sa akin, ng ilang hakbang na lang ang agwat namin ay pinasok ko na siya sa aking Illusion. I gave her the sensation of being rape while being burned by acid.

Nabitawan nito ang kanyang hawak na espada at napahiga sa sahig. Nagpagulong gulong ito ng ilang beses saka tumayo at tumakbo na parang may humahabol sa kanya. Nagkaroon na din ito ng sugat sa ibat ibang parte ng kanyang katawan. Ilang beses din itong nauntog sa pader bago nawalan ng malay. Lumapit ako sa sugatan na elf saka ito ginamot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nawala na ang mga hiwa nito sa kanyang katawan. Nagkamalay na din ito. Tumingin ito sa akin saka nagpasalamat. Mayroong nakakabit na silver na pusas sa kanyang kamay at may kulay pulang ilaw mula doon. Yan siguro ang dahilan kung bakit hindi nila magamit ang kanilang kapangyarihan. Tinanggal ko ito.

Kinuha ko ang susi mula sa gwardya at binuksan ang mga selda. Nagpasalamat sa akin ang mga elf na pinalaya ko

Jane

Pagpasok ko sa gitnang selda ay hindi agad ako nakagalaw dahil ramdam kong may mali. Walang nagbabatay at masyadong malaki ang kulungang ito. Nagtapon ako ng isang dagger papunta sa gitna. Nagsimulang lumabas ang mga nakatagong palaso at mga dagger at tinitira ang pwesto kong saan ko nahulog ang dagger. Tama ang hinala ko mayroong mga patibong dito. Nang humupa ang pagtira ng mga patibong ay pinili ko na lumipad. Tingin ko ay mas magiging ligtas ako kapag lumipad ako. Mabuti na lang at invisible ako dahil hindi ako makikita ng kung sino man na nandito. Lumipad ako papunta sa gitna ngunit hindi ko dinikit ang paa ko sa sahig.

Tinignan ko ang paligid. Pero wala talaga akong makitang kalaban. Nasa dulo ang mga nakakulong. Tatlong selda lamang iyon. At napakalawak ng kulungang ito dahil magkasing lawak na sila halos ng hall namin sa Academy. Lumipad ako papunta sa mga bilanggo na elf saka isa isang binuksan ang mga selda. Tinanggal ko na din ang Cloak ko.

Naglakad ako papunta sa ikatlong selda para buksan ito. Ng tumingin ako sa elf na nakakulong. Isang batang babae. Nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa aking likuran. Agad naman akong lumingon sa aking likuran at nakita ang isang lalaki na may hawak na espada na mabilis na tumatakbo papunta sa aking direksyon.

Naglabas ako ng ng isang Ancient Sword, ang espada ni Haring Zeus at ang Legendary Armor ni Queen Athene. Natigilan ang lalaki marahil ay dahil sa aking espada. Ngunit hindi ito nagpatinag naging kulay pula ang kanyang mata.
Nagsimula kaming mag-espadahan walang nagpatinag. Halata sa mukha ng lalaki na gigil na gigil ito na patayin ako. Pero sorry siya dahil hindi ko ibibigay ang buhay ko sa kanya. Ng nakakita ako ng pagkakataon para sipain siya ay agad ko itong sinipa sa kanyang tiyan sa sobrang lakas ng aking pagkasipa sa kanya ay tumilapon ito sa pintuan kung saan siya nagmula.

Napamura ito saka agad na bumangon para umatake ulit pero habang palapit ito ay biglang siyang dumami. Ngumisi ang sampung mukha ng aking kalaban at may lumabas na kulay pulang ilaw sa kanyang mata. Laser. I immediately casted a spell at agad na akong tinakpan ng isang malaking golden box kaya hindi ako natamaan ng laser nong lalaking may sore eyes. Hinawakan ko ang magkabilang pader ng box ng makakuha ako ng bwelo ay pinaglaho ko ito kasabay ng paglabas ng hindi ko mabilang na mga sibat at espada papunta sa direksyon ng aking mga kalaban. Kasabay non ay lumipad ako pataas. Wala halos nakatakas sa aking atake maliban doon sa iisang lalaking nakatingin ngayon sa akin.

Me against him.

Lumipad ako ng mabilis papunta sa lalaking sore eyes at inihanda ang espada ko ng ilang metro na lang ang aming agwat ay nagpalabas ako ng maraming mga palaso. Hindi niya ito inaasahan kaya wala siyang nagawa ng tamaan siya nito. Natumba ito sa sahig at umagos mula sa kanyang katawan ang dugo.

Kinuha ko ang susi sa kanyang leeg at naglakad papunta sa mga nakakulong na mga elf. Well apat lang sila. Isang batang babae, isang siguro nanay niya at dalawang matanda.

"Salamat hija"niyakap ako ng nanay nung bata na umiiyak na. Nagpasalamat din ang mga kasama niya. Tinulungan ko silang tanggalin ang mga pusas nila.

"Kuya!!!!!"sigaw ng batang babae at mabilis na tumakbo. Lumigon ako sa aking likuran at nakita si Bliss na kayakap ang batang babae. Marahil siya si Felicity. Pareho silang umiiyak. Narinig ko din ang mahinang paghikbi ng kanyang ina ang nanay ni Bliss. Mabuti naman at nakita na nila ang isat isa. Lumapit si Bliss at Felicity papunta sa kanilang ina at nagyakapan sila sumama din ang dalawang matanda, marahil ito ang lolo at lola nila.

Lumapit si Irylle papunta sa akin na nakangiti. Mabuti at ligtas siya.

"Bliss kailangan na nating umalis dito hanggat wala pang nakaka-alam na itinakas natin sila" itinigil nila ang pagyayakapan at tumingin si Bliss sa akin at tumango. Bago kami lumabas sa malaking Dugeon na ito ay pinakiramdaman ko ang paligid. The perimeter is safe.

Habang naglalakad kami ay nagin alerto kami. Dahil maaaring marami ang mapahamak kapag hindi kami nag-ingat. Kahit gustuhin ko man silang lahat na gamitan ng invisible cloak ay hindi maaari. Ng makalayo kami sa palasyo ay nakahinga ako ng maluwag. Kita mo sa kanilang mukha na masaya silang lahat dahil nakalaya na sila. Lalong lalo na si bliss na nakayakap sa kanyang Ina at kapatid habang naglalakad. Tahimik kaming lahat na naglalakad. Siguro ay naitakas na namin sila pero hindi dito nagtatapos ang lahat. Dahil hanggang ngayon ay buhay pa ang mga may pakana sa nangyayari ngayon. At kung sino man sila ay wala akong alam at wala akong ideya kung ano ang kanilang mga kapangyarihan. Sana lang ay makayanan namin sila kahit na si Irylle lang ang kasama ko.

Napaisip ako sandali. Ganito ba kahirap lahat ang nabunot naming mga misyon. Lahat ba kami ay may kailangan tulungan?

Malapit na kami sa villages ng mga Elf ng may naramdaman akong mga tao na palapit sa aming direksyon. The weird thing is i dont feel any danger from them. Tumigil kami sa paglalakad at naging alerto. Palapit ng palapit ang mga nilalang na ito sa aming direksyon. Inihanda ko ang aking sarili at agad na inilabas ang aking espada maging si Irylle ay nagpalutang na din ng tubig sa kanyang paligid. Pati ang mga elf ay ngahanda at nakatutok sa malalagong halaman sa aming harapan. Mula sa isang malagong halaman ay iniluwa nito ang walong pagmumukha na ilang araw ko na ding hindi nakikita.

"Jane!!!!"

"Irylle!!!!"

"Namiss namin kayo!!!"

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon