Chapter Eighteen

1.3K 44 3
                                    

Book cover by Miako_Minamino . Thank you. Try niyo din yung mga story niya.

-----------------------------

Pagkatapos ng nangyaring labanan sa templo hindi parin mawala sa aking isipan ang sinabi ng nakalaban kong taga dark guild. Legendary Princess? Ano ba ang sinasabi ng taong yun? Porke ba sa nagagawa kong palabasin ang mga legendary warriors? Isa na din akong legendary princess. Bigla ko na naman nalala ang mga katanungan patungkol sa akin, sino ba talaga ako? Saan nga ba ako nagmula at sino ba talaga ang mga magulang ko?

"Jane tara na"mahinahon at nakangiting salubong sa akin ni Irylle na nagpabalik sa diwa ko. Tumango ako bilang pagsagot  at agad na tumayo sabay na kaming naglakad palabas ng templo. Mabuti pa itong si Irylle at nahanap na niya ang kanyang mga magulang.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng biglang nagsalita si Sir Lucas sa amin. Kaya agad kaming napatingin sa kanya.

"Dahil nangyaring laban siguradong hindi pa ito ang susunod. Kinaharap ni Jane ang isa sa mga malakas na kawal ng Dark Guild. Pinahanga mo ako Jane and nevertheless i still want to congratulate everyone dahil naging successful itong mission na ito ng dahil sa inyo. Nagawa ninyong palayain ang mga naninirahan sa islang ito lalo na kayo Jane at Irylle"dahil sa sinabing iyon ni Sir Lucas ay napangiti kaming lahat. Paniguradong matutuwa ang lahat ng taga isla lalo na si Bliss. Naglakad kami patungo sa Village ni Bliss at hindi rin nagtagal ay narating namin iyon.

Lahat ng nakatira sa naturang village ay nasa kani-kanilang mga bahay at bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan. Sa aming paglalakad papunta sa bahay nila Bliss ay hindi namin maiwasang mapangiti at mahiya at the same time dahil dahil binabato nila kami ng mga bulaklak at pinapalakpakan. Nakakagaan ng pakiramdam na makitang makakatulong ka sa ibang tao.

"Lubos na  nagpapasalamat ang buong Island of smile sa Inyong lahat na taga Enchantra, lalo na kayo Jane at Irylle. Dahil kung hindi siguro kayo dumating ay hanggang ngayon nandoon parin kami sa mga kulungan at hawak parin kami ng mga demonyong mga taga Dark Guild"mangiyak iyak na pagpapasalamat sa amin ng Nanay ni Bliss. Halos lahat sila ay umiiyak na din. Masyado sigurong malala ang sinapit nila noon sa kamay ng mga taga Dark Guild. Huwag lang silang magkakamali dahil hindi kami magdadalawang isip na bumalik ulit dito para gulpihin sila.

Bago kami umuwi Ay panakain muna nila kami. Nagkaroon ng malaking handaan sa islang iyon. Nagmistula itong isang pyesta sa bario. Napakadaming mga pagkain na ngayon ko lang nakita at natikman. Pero masasarap ang mga iyon. Nagkaroon din ng sayawan. Nakaupo lang kami doon at pinapanood sila ng bigla akong hilahin ni Irylle at pinilit akong sumayaw kasama siya sa pinaka gitna. Nakaukol ang mata nilang lahat sa aming dalawa kaya wala na din akong nagawa kundi ang sumayak. Sa una ay inisip ko pa kung ano ang aking step na sasayawin na pwedeng bumagay sa tugtug nila pero nagbago yung pinapatugtug nila at naging Desert. Nagkatinginan kamin ni Irylle saka sinayaw ang step na alam namin habang nagtatawana. Nakipagsayawan na din ang mga kasama namin at ginaya ang aming step.tumatawa pa ang mga ito na parang ngayon lang nila itong nasayaw. Uso kasi ito doon sa mortal world noon.

Nagkaroon pa ng ibat ibang pakulo ang mgakapatid na Felecity at Bliss hanggang sa ang huli ay ang pagpapakita nila ng kanilang kapangyarihan. Halos lahat sila ay mga Light Fairy or Techno fairy maliban kay Bliss. Ang gaganda ng kanilang mga giwalang palabas.

Pagkatapos ng handaan ay naisipan na din naming bumalik sa Enchantra. Dahil tapos na din naman ang nakakapagod but worth it na misyong ito at maggagabi na din. Hinatid nila kami hanggang sa pantalan kung saan may naghihintay sa aming isang mas malaki sa nauna namin sinakyang bangka noong pumunta kami dito.

Nang nakasakay kami ay napansin ko si Mamang Bangkero na naghatid sa amin malapit sa bangka namin. Agad ko itong tinawag at tumingin din ito sa amin at ngumiti.napatingin din ang mga taga isla lalo na ang panilya ni Bliss na agad na tumakbo kay mamang bangkero at ng makababa ito ay agad nila itong niyakap. Mula sa bangkang sinasakyan namin ay kita ko ag pag-iyak nilang lahat.

"Kung ganoon ay si mamang bangkero pala ang Tatay ni Bliss at Felecity. Finally magkakasama na silang lahat at tayo makakauwi na rin tayo. Namiss ko na ang kwarto ko at ang mga tao sa Academy. At alam kong pati ikaw ay miss mo na lahat ng naiwan mo sa academy. Tama ba ako Jane my Bestfriend"agad naman akong napatingin dito at tama nga siya namiss ko na din ang kwarto ko. At ang academy lalo na si Leo at ...Marx.

Bago umalis itong bangkang sinasakyan namin ay kumaway kami lahat sa mga taga isla at ganoon din sila. Mamimiss ko panigurado silang lahat. Yung matulis na tenga at mamula mulang mga pisngi ni Bliss at silang lahat. Ang cute nilang lahat.

Pagkatapos sabihin ni Irylle iyon ay bumalik ito sa inuupuan niya katabi si Kharlo na palagay ko eh. Nagkaintindihan na silang dalawa. May lovelife na si Besty at ako? Nga nga!!!



____________



Pagkatapos ng ilang oras ng byahe namin ay nakarating na din kami sa aming pinakamamahal na Academy. Pagpasok namin sa Academy ay agad naming nadaanan ang main gate kung saan nakasulat ang Enchantra Academy. Just like noong first day. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nakatulog na din marahil ang mga estudyante since its already nine in the evening. Nang nadaanan na namin ang boys dormitory ay nabawasan na kami but before that ay naggodbye muna si Kharla at si Irylle at si Allysa at si Rockyl sa mga boys in short ako lang ang wala may pa goodnight kiss pa si Kharla kay Davinci.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa dorm namin ay agad akong umakyat papunta sa aking kwarto at agad na naligo. P gkalipas ng ilang oras ay naisipan ko na din ang matulog, pero nakailang pikit na din ako pero i just can get my self to sleep. Marahil ay naiinggit lang ako sa mga kasama ko na may lovelife na. Napabangon ako sa aking higaan at naglakad papunta sa malaking salamin sa aking kwarto.

"Maganda na man ako hah, diba?"para akong sira habang tinitignan at hinahawakan ko ang aking mukha at kinakausap ang sarili. Nakailang tanong din ako hanggang sa maisipan kong mahiga na at piliting matulog.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon