Chapter Fourteen

1.5K 49 1
                                    

Pagkagising ko ay tulog pa si Irylle. I've decided to cook for our  breakfast. Saka ko siya ginising
Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami ulit para simulan ang aming misyon. Lumabas na kami sa aming tent saka nagsimulang maglakad.

Mag-iisang oras na kaming naglalakad pero hanggang ngayon ay wala parin kaming nakikita na maaaring magturo sa amin papunta sa pinaka centro ng islang ito. Ng may nadaanan kaming ilog ay napagpasyahan naming magpahinga muna. Sinubukan ko rin na lumipad pero pinigilan lang ako ni Irylle dahil sa dahilan na hindi pa daw namin sigurado kung ano ang misyon namin dito at kung nagkataon na kalaban pala iyon ay baka makita nila ako.

Gumawa ako ng isang sibat gamit ang aking kapangyarihan saka ko sinubukan na manghuli ng isda, ng nakahuli ako ng dalawa ay linuto na namin ito. Habang linuluto namin ito ay nakaramdam ako ng presenya ng ibang tao sa paligid namin using may hearing sense ay pinakingan ko kung sino siya may narinig akong mabilis na pagtakbo nito palayo. Ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay narinig na naman namin ito. Palapit sa aming direksyon mayroon din mabilis na hangin na dumaan sa harapan namin. Nagkatinginan kami ni Irylle. Nagsimulang maging alerto.

Nagsimula na naman kaming makarinig ng kaluskus at ng mabilis na hangin papunta sa aming direksyon. Bago pa ito dumaan sa aming harapan ay mabilis na gumawa ng isang harang si Irylle gamit ang kaniyang kapangyarihan. Ng halos nasa harapan na namin ang mabilis na hangin ay saktong nagawa na ni Irylle ang harang kaya doon tumama ang isang...... Isang tao?

Napaupo ito sa lupa at sapu ang kaniyang ulo na tumama sa ginawang harang ni Irylle. Isang batang lalake na sa palagay ko ay nasa labing tatlong gulang o labing apat. Mayroon itong malalaking mga tenga at bilog na mga mata. Saka ko lang napagtanto na isa siyang Elf. I cant sense any danger in him.

"Ang cute!!!"masiglang wika ni Irylle at mabilis na lumapit sa bata at pinagpipisil ang mukha nito.

"Bitawan mo ako"maluha-luha nitong pakiusap sa kaibigan kong sadista. Mashado sigurong malakas ang pagkakapisil niya dito. Bumitaw naman ito saka inalalayan ang bata na tumayo.

"Bakit kayo nandito? Mapapahamak lang kayo"bakas ang takot sa mukha ng bata habang binibitawan niya ang bawat salita.

"Mapapahamak? Bakit naman at saka ano nga pala ang pangalan mo?"tanong ko

"Ako si Bliss. Kapag nahuli kayo ng mga kawal ng demonyong namumuno dito ay ikukulong lamang kayo no'n gaya ng mga kasama ko, gaya ng mga mamamayan ng Islang ito"naging malungkot na naman ang ekspresyon nito. Kung ganon ay yun pala ang dahilan kung bakit ni isa ay wala kaming makita na tao dito. Yun ba ang misyon namin ang tulungan ang mga taga dito!

"Kaya kami nandito para tulungan kayo kaya huwag ka ng malungkot, maaari mo bang ituro sa amin kung nasaan ang kanilang kuta?" Tanong ni Irylle agad namang ngumiti ang bata.

"Tutulungan niyo kami?!! Kung ganon ay kailangan muna nating pumunta sa pinagtataguan ko para doon magplano dahil delikado kapag naabutan tayo ng mga kawal na naglilibot sa buong isla, tara na"nagsimula kaming lumakad papunta sa kung saan. Sana ay magawa naming tulungan ang mga nakakulong na nakatira sa islang ito. Hindi naman kami natagalan sa paglalakad. Tumigil kami sa tapat ng mga sanga sangang baging na napapaligiran ng malalaking mga puno. Naglakad patungo sa baging na iyong ang bata saka hinawi ang mga baging, may kweba sa loob. Sa una ay hindi mo talaga aakalain na may nakatagong kweba sa loob ng mga baging na iyon sa una ay mukha lamang itong tinapyas na lupa na tinubuqn ng mga halaman. Magaling ang batang ito.

Sumunod naman kami sa kanya. Ang loob nito ay isang maliit na tunnel. May mga ilaw na lumulutang sa paligid na nagbibigay ng liwanag sa loob. Mayroon din itong dalawang kwarto at isang sala na may lutuan.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon