Chapter Sixteen

1.4K 46 3
                                    

KhenMendosa para sayo ito thank you and merry christmas pati na din sa inyong mga nagbabasa nito bye bye.

-----------

Pagkalabas nila sa mga malalagong halaman ay natumba silang lahat. Nagulat pa ang mga kasama namin dahil sa kanila. Napangiti ako dahil mukhang hindi na lamang ako at si Irylle ang makikipaglaban sa mga Demonyo na nasa islang ito.

"Jane!!!"

"Irylle!!!"

"Namiss namin kayo!!!"

Sigaw nila Allysa, Rockyl, Kharlo, Kharla, Da vinci, Jake, Jesther at ni Sir Lucas. Bakit nga pala sila nandito. Dapat masaya ako diba?natapos na ba nila ang mga misyon nila? Madali lang ba sa kanila.

"Bakit kayo nandito??!!" Tanong ni Irylle sa kanila. Marahil ay masaya din siya dahil hindi na kami mamomoblema kung paano tatapusin ang misyon na ito.

Nagturuan muna silang lahat at walang gustong umamin. Nakakatawang tignan ang mga mukha nila na parang ninenerbyos. Pero sa huli ay itinuro nilang lahat si Kharlo na namumula na ang mukha.

"Irylle si Kharlo ang may pakulo ng lahat ng ito. Gusto ka na daw niyang makita kaya pinilit niya kami na pumunta dito"pagpapaliwanag ni Allysa. Kita ko naman na hinawi ni Irylle buhok niya at linagay sa likuran ng tenga niya. Pabebe?

"Totoo ba?"tanong ni Irylle kay Kharlo. May something talaga sa kanila eh. Mabait din naman si Kharlo so I think ok lang kung nagkataon.

"Well half truth, pero may isa pang rason. Nagkaroon kasi ng pagkakamali kaya kayo napadpad dito sa lugar na ito. Maidagdag kasi yung misyon na para sana sa council. Doon sa mga simpleng misyon gaya ng pagkuha ng halamang gamot sa malayong lugar at ibang madadaling mga misyon. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa inyo. And since nandito na din tayo ay tapusin na lang natin ang misyong ito"mas lalo namang kinilig si Irylle. Napagpasyahan naming iwan na muna sila dahil malapit na din naman kami sa Village. Para na din magkaroon sila ng quality time.

Habang naglalakad kami ay lumapit ako kay Sir Lucas na kasalukuyang nakikipag-usap kay Da Vinci. Si Da Vinci kasi ay isa sa mga laging nagplaplano kapag may misyon kami kasama si Kharlo. Agad naman niyang napansin ang presenya ko.

"Uhm Sir paano niyo po pala kami nahanap?" Pagsisimula ko. Ngumiti lang si Da Vinci

"It's Da Vinci's ability. She can tract anything and anyone with the use of their things. Nalaman namin na nandito kayo dahil Usually it only takes a day or a couple of hours bago matapos ang misyon pero mag-iilang araw na din kayong wala kaya pinahanap na namin kayo and dahil din sa mapilit si Kharlo and that's when we find out na nandito kayo. Jane this is a serious mission. Sana lang ay makayanan natin ito."so kaya pala. Pero i didn't regret na nagkamali kami ng nabunot na misyon. Dahil kung hindi namin ito nakuha ay hindi pa makakatakas ang mga Elf dito. At hanggang ngayon sana ay nakakulong parin sila at mag-isa parin sana ngayon si Bliss.

"Bakit wala si Leo?"tanong ko kay Da Vinci pansin ko kasing wala yung asul na apoy na best friendko  dito na nanggugulo na sana sa akin. Umalis na din si Sir Lucas para daw kausapin ang mga namumuno sa Village na ito.

"Siya lang ba ang hinahanap mo?"nang-iinis ba ito o ano? Tinignan ko ito ng masama at ngumiti lang ito. Pero siya lang ba ang hinahanap ko. Si Jevon. Si Marx Jevon bakit wala siya. Honestly this past few days im starting to feel something from him. Pero erase.

"Si Leo hindi ko siya nakita kaya hindi ko nasama dito sa Mission na ito and si Marx ayaw daw niyang sumama"bigla akong nalungkot dahil sa sinabi ni Da Vinci. Ayaw ba akong makita ni Jevon? Sana sumama sila para mas mapadali itong Misyong ito. Tsk. Humanda talaga sa akin yung dalawang iyon kapag naka uwi ako. Sasapakin ko talaga sila.

"Namiss mo na si Marx no?"pang-iinis nito sa akin. Tinignan ko siya nang masama. Napaatras naman ito.

"Joke lang, sige alis na ako baka hinahanap na ako ni Kharla my loves"saka ito tumakbo paalis. Napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko na lolokohin ang sarili ko. Namiss ko na talaga siya. Kaya mas lalo akong naguguluhan sa aking damdamin.

Nandito kami ngayon sa isang secret Hideout sa ilalim ng lupa. Nagulat nga ako kanina dahil hindi ko inaasahan na may ganito pala sila. At napansin ko din na tama yung sinabi noon ni Bliss na ayaw nilang may nasasaktan sa kanila ni isa. Kaya pala habang hinihiwa ang balat ng lalaki kanina ay nagmamakaawa sila na huwag itong saktan. They care for each other.

Napagdisisyunan nila, namin na mamayang alas tres ng umaga ay susugod kami. Dahil paniguradong tulog o inaantok pa sila sa oras na iyon. Minabuti namin na mas agahan pa ang pag-atake para matapos na ito. At nakapagsimula na din sila ng bago nilang buhay.

Gusto din na sumama ng iba sa mga taga dito pero pinagbawalan ko sila. Alam kong pagod sila. Pinangako ko naman na kakayanin namin ito.

Habang naglalakad kami pabalik sa kuta ng aming makakalaban namin ngayon ay hindi ko maiwasan na isipin si Marx. Namiss ko siya and lately kapag siya ang iniisip ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nang malapit na kami ay binigyan kami ni Sir Lucas ng signal upang maging alerto dahil maaaring alamna nila ang ginawa naming pagtakas sa mga bilanggo.

Nandito kami ngayon sa gilid ng palasyo kong saan minamanmanam namin ang mga kalaban. Binigyan ko na din sila ng Invisible cloak. Kulay pula ito pero kapag isnuot mo ay nagiging invisble ito. Pagkatapos naming isuot ito a nagsimula na kami.

We decided to cut the group into two each group except for our group. Irylle and Kharlo. Allyssa , Jake and Rockyl . Kharla and Da Vinci. Jane , Jesther and Sir Lucas.

"Class mag-iingat kayo"napatingin kami kay Sir Lucas at sabay na tumango. Sana ay magtagunpay kami.

All was set we decided to parted our ways. This should be successful. Napagdesisyunan ni Sir na kami daw ang papasok sa harapan ng palasyo. Habang papalapit kami sa pintuan ng palasyo ay may nakasalubong kaming tatlong mga kawal na nagmamadaling lumabas ng palasyo. Agad namin itong sinugod saka namin sila pinatulog. Itinago namin ang mga katawan nila sa mga halaman.

Nakakapagtaka na bukod sa tatlong iyon ay wala na kaming iba pang nakakasalubong o nakikita na kawal sa loob. May mali. Alam ko at nararamdaman ko. May body can sense danger. Parang sinasabi nito na huwag akong papasok sa loob ng palasyong ito. Nakakahalata na din siguro ang mga kasama ko dahil sa nangyayari.

Pagpasok namin ay wala ka masyadong maaninag. Masyadong madilim ang loob ng palasyong ito. Matahik. Hindi ko na nakikita sina Jesther at Si Sir Lucas pero ramdam ko sila kagaya ng iba naming mga kasama na ramdam ko din.

Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano ay ligtas pa kaming lahat.

"Madami silang nandito sa loob" pabulong kong sabi pero alam kong narinig ng mga kasama ko iyon.

ENCHANTRA: Kingdom of Five ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon