Naglakad na ako para hanapin ang aking mga kasama, hindi naman ako nahirapan dahil kaya ko naman silang itrace. Nauna kong nakita si Marx na katatapos lang na talunin si Euryale. Pagkalapit ko sa kanya ay agad niya akong niyakap saka hinalikan.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad palabas dahil sabi ni Marx ay doon daw tumakbo kanina sina Medusa at Perseus. Nang makarating kami sa bukana ng kweba ay nadatnan namin si Perseus na nakaupo habang hawak hawak niya ang isang sako kung saan nakalagaw ang ulo ni Medusa. Nagsimula na kaming bumalik sa dalampasigan. Sinusubukan namin o mas tamang sabihin na ako lang pala dahil hindi naman nagsasalita si Marx. Niyayaya ko kasi si Perseus na sumama muna sa amin doon sa aming ship para kumain ngunit sinabi niyang kailangan na daw niyang bumalik sa kanilang bayan dahil hinihintay na siya doon at excited na daw siyang makita si Andromeda. Since hindi ko din naman napilit yung Perseus na iyon ay nagpaalam na lang kami. Namangha nga ako dahil lumipad siya gamit ang winged shoes niya.
Sumakay na iami sa aming barko pero hindi pa din nagsasalita si Marx. Nag-Uturn na ang barko at nagsimula ng umandar. Napakunot na lang ako sa noo dahil sa inaakto ni Marx. Iniwan ba naman ako dito at agad na pumasok.
Naglakad ako papasok sa loob para maligo. Sa wakas tapos na din itong mission. Pero parang nalungkot ako dahil baka sa susunod na araw ay balik na naman kami sa dati ni Marx. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala akonsa aking kwarto. I scan my room wala naman siya ah. Saan nagpunta yun? Baka kumain.
Inilock ko yung pintuan ng kwarto ko at nagsimulang tanggalin ang aking kasuotan. Itinabi ko na rin ang mga nakuha kong dugo na kakailanganin ng nagpagawa ng mission na ito. Pagkatapos kong ayusin ang mga ito ay naglakad ako papunta sa banyo. Pagbukas ko ay nagulat ako ng may biglang humila sa akin. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko at nanlaki ang mata ko ng nakita ang hubad niyang katawan. Agad niya akong hinalikan.
"I got jealous with that Demi God"hinalikan niya ulit ako. Kaya ba hindi siya nagsasalita kanina dahil nagseselos na siya. Sabay kaming naligo. Pagkatapos ay itinuloy namin ang aming making love sa aming kama.
*********
-----------
*********Kasalukuyan akong naghahanda dahil may surpresa daw si Marx para sa akin mamayang gawi. Sabi niya sulitin daw namin ang mga huling araw namin sa mission. Nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. I should not ruin this night. Hindi na ako masyadong naglagay ng make up dahil hindi din naman ako sanay. Isinuot ko na ang kulay white at red na dress na pinili niya kanina. Nakailang tingin pa ako sa salamin dahil kinakabahan ako. Napapitlag ako sa gulat ng may kumatok sa pintuan. Agad ko itong binuksan at ngumiti sa lalaking napakagwapo na nasa harapan ko.
He is wearing a red tuxedo paired with white pants. I admit ang gwapo niya talaga kahit kailan. Ngumiti ito sa akin saka inilahad ang kanyang kamay agad ko naman itong tinanggap at nagsimula na kaming lumakad.
"Damn your soo hot with that dress. Pwede bang magdate na lang tayo sa kama? I can't really get enough of you Jane. What do you think?"agad naman akong namula dahil sa sinabi niya. Gusto ba niyang may mangyari na naman sa amin? Araw araw na lang ba? I looked at him and saw him staring at me. Agad niya akong hinalikan pero mabilis lang. May nilagay siyang piring sa aking mata at inalalayan akong maglakad.
"Saan mo ba ako dadalhin? Ano ba itong surprise mo sa akin Marx?" Tanong ko. Hindi ko maikakaila na deep inside ay excited ako at kinikilig dahil sa mga ginagawa niyang mga effort. Muntikan pa akong matapilok dahil may hagdanan pa pala. Wait!? I know this place. Pupunta kami sa captain deck.
"Ready??!!ok open your eyes"pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko ang mukha niya sa aking harapan ilang inch lang ang layo. Hinalikan niya ulit ako ng mabilis, ng lumayo siya ay nakita ko ang paligid. May mga lumulutang na mga maliliit na bula ng apos sa paligid na nagbibugay ng liwanag sa buong ship lalo na dito sa captain deck. Nagulat din ako dahil may inihanda pa pala siyang isang mesa kung saan may nakahandang ilang mga pagkain at inumin. Napangiti ako ngunit naging malungkot din dahil naalala kong huli na itong date na ito. Dahil pagbalik namin ay balik na naman kami sa dati.
"Are you ok?? Hindi ka ba masaya ? I should just date you in bed"nakapout na sabi ni Marx sa akin habang kinakamot niya ang ulo niya. Anong date sa bed? Manyak talaga ang lalaking to pero love ko siya. As a gentleman ay hinila niya ang upuan para makaupo ako saka siya umupo sa aking tabi. Nagsinula na kaming kumain. Sinubuan niya ako. Medyo naiilang pa ako noong una pero kalaunan ay natuwa na din ako kaya sinubuan ko na din siya medyo madami nga lang. Habang kumakain kami ay tawa lang kami ng tawa.
Pagkatapos naming kumain ay inaya niya akong sumayaw. Nagulat nga ako dahil nakapaghanda siya. May dala din pala siyang bag niya kung saan nilagay niya ang mga gagamitin niya. So planado na pala lahat ito. We danced under the million stars and the big bright moon. Kung tama ako ay Can I Have This Dance ang title ng kantang pinapatugtug niya habang sumasayaw kami. Hindi ko mapigilang hindi mamula dahil sa ginagawa niya. Medyo natatawa lang ako dahil pareho pala kaming kaliwa ang paa.
"I love you Jane. So much"bulong nito sa akin hampbang magkayakap kaming nagsasayaw.
"I love you too Marx forever and infinity"sagot ko sa kanya at naramdama ko ang paghigpit ng kanyang yakap. Kung pwede lang na manatili kaming magkayakap habang buhay ay gagawin ko. It is one of the best feeling actually, to be in the arms of the man you love soo much. Kumalas siya sa aming yakapan at tinignan ako sa aking mata. Dahan dahan ay lumapit ang kanyang mukha sa akin. I feel his lips brush against mine. We kiss for i don't know how long ng bigla akong nakarinig ng isang malakas na putok mula sa langit. Napalingon ako at nakita ko ang isang fireworks kung saan bumuo ito ng isang salita na sinundan pa ng isa. Hindi ko napigilan ang mga luha ko na nagsimulang bumuhos dahil sa saya. I never expected him to be like this.
Marx and Jane's Love will last FOREVER
Natawa ako sa ideyang sumagi sa aking isipan. So eto pala yung 50-50 boundary feeling. Yung sobrang saya mo but at the same time ay sobra din ang lungkot mo dahil sa katotohanan na baka ito na ang huli dahil bukas ay babalik na kami sa aming tunay na buhay kung saan mayroon siyang Scarlet. Life is fair because it is unfair to everyone. But im glad na kahit papaano ay naranasan ko ang ganitong pakiramdam. Ang magmahal si Marx ang pinakauna kong minahal at paniguradong huli. May destiny and fate be on our side. Someday.
Napatingin ako kay Marx na kasalukuyang nakatingin din sa akin. Nakangiti ito habang pinapahid ang luha sa aking mukha. He again hugged me. After a few minutes ay naramdaman kong hinila na niya ako papasok sa aming kwarto. Oh no . Not again!!!
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantasyGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...