Marx's Pov
"Oh may sakit ka ba leader?"tanong ni allysa sa akin pagkapasok ko sa kanilang dorm
"Ha? Wala naman bakit?"sa pagkaka-alam ko ok lang naman ang pakiramdam ko
"Ah eh ngayon lang kita nakitang ganyan eh yung nakangiti , nakakapanibago lang naman, inlove ka ba leader"i was caught offguard with that question, am i inlove?
"Huwag kang mag deny kung ayaw mong basahin ko ang iniisip mo ngayon" sabi niya saka inaabot ang kamay ko pero umiwas ako dahil baka basahin niya ang nasa utak ko.
"Im not yet inlove with her ok, ilang araw pa lang naman kaming nagkasama at saka diba nga konektado na ako sa prinsesa so hindi pwedeng mainlove ako"sagot ko dahil pati ako ay naguguluhan na rin sa nararamdaman ko.
"Are you referring to Jane?"sasagot pa sana ako pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at for sure binabasa na niya ang iniisip ko
Tumingin ako sa kanya napansin kung para siyang kinikilig na hindi ko maintindihan.
"Huwag mong pigilan ang inyong nararamdaman ok"sabi niya sa akin
"But what will i do?" I asked. Allysa is one of those few people i can trust with at afterall were childhood friends.
"Let it be kung maiinlove ka sa kanya hayaan mo lang ok, jane is a good girl medyo pasaway nga lang pero compare sa babaeng nakatakda para sayo eh mas boto na man ako ky jane" sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso narinig ko ang boses ni jane.
"Hey goodmorning"sabi ni Jane Ryan while waving her hand. Tsk. Hindi man lang ba siya nag-ayos bago lumabas, gulo-gulo ang kaniyang buhok. At may bakas pa ng ilang laway sa kanyang mukha
"Morning jane i've already cook some food there kain ka na gigisingin ko na lang sina irylle at rockyl, and uhm leader sabay ka na sa breakfast namin"sabi ni allysa saka tumingin sa akin at kinindatan ako.
"Leader sabayan muna si Jane" sigaw ni allysa na nasa second floor na ng dorm nila.
"Tara na jevon" sabi ni jane. Hindi talaga natuto sabi kong marx ang itawag sa akin. She's really pasaway.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasan ang tumingin kay Ryan na parang ilang libong taon ng hindi kumakain.
"Ackkkh tubig" halos sigaw ng sabi ni ryan na nabubulunan dahil sa katakawan. Inabot ko sa kanya ang ang baso ng tubig dahil baka ito pa ang ikamatay niya.
"Hayyyy thank you Jevon" sabay hinga niya ng malakas
"Ang baboy mong kumain" sabi ko. At nag pout naman siya. I admit she's cute. Cute na baboy.
Jane's Pov
Buti na lang at hindi ako nabulunan nakakahiya kaya kung dahil lang doon namatay ako.
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa training room kasama ko sina irylle,selene,leo at jevon. Ang sabi ni jevon si irylle daw ang kakalabanin ko. Nuong una ay tumutol ako pero panaunawa niya sa akin na hindi ko naman masasaktan si Irylle dahil sa machine sa loob ng training room. Once na pumasok kami doon kapag nasugatan o namatay kami paglinabas kami doon ay babalik parin lahat sa dati. Kaya kahit papa-ano ay ok na rin yun.
"Handa ka na ba?" Tanong ni leo sa akin nandito na kasi kami sa traing room.
"Huwag kang magpapadala ok ang isipin mo kapag nasa loob na kayo ay kalaban siya, alam kong mahirap pero dapat matuto kayong lumaban" pagpapa-alala niya sa akin. Tumingin ako sa mga kasama ko at parang nakita ko si selene na masama ang tingin sa akin.
"Pumasok na kayo."sigaw ni jevon sa amin ni besty, sabay naman kaming pumasok na magkahawak pa ang mga kamay.
"Besty ang isipin mo na lang ay parang test itong gagawin natin ok? When periodical test comes friendship ends" saka niya ako yinakap
"Ok basta huwag kang mag-aalangang kalabanin din ako ha hindi naman tayo mamamatay" sabi ko saka humiwalay sa aming yakapan. Lumayo kami sa isat isa saka sinimulan ang aming Training.
Ok jane isipin mo lang kung ano ang gusto mung palabasin concentrate.
Nagpalabas ng maraming mga waterballs si Irylee saka ito pinalutang sa kanyang paligid.
"Sal-ve" sabi ko saka ako binalot ng kulay gintong armor
Naunang sumugod si Irylle tinira niya papunta sa 'kin ang mga waterballs that form into thousands of arrows. Nagpalabas naman ako ng isang ancient shield na naging panangga ko sa kanyang atake.
Nagpalabas ulit siya ng mga water balls saka tinutok sa direksyon ko at itinira. Nagpalabas naman ako ng mga golden arrows saka pinatama sa mga water balls ni Irylle. Nawasak ang mga ito pero nagdikit-dikit ulit saka naging isang water snake at agad na sumugod sa akin.
Gumawa ako ang isang metal hamer na masobrang laki saka sinugod ang water snake. Nahampas ako buntot ng water snake na sa sobrang lakas ay natilapon ako sa pader ng dome. Agad akong tumayo dahil sumusugod na naman ang water snake hinanda ko ang sarili ko saka huminga ng malalim at sumugod din ng nakalapit na ko ay hinampas ko ang katawan ng water snake at naglaho ito.
Nagbigkas naman ako ng spell at may lumabas na isang fire phoenix at sumugod. Ito kay besty.
Irylle's Pov
Nagulat ako dahil sa ki-nast na spell ni besty. Biglang umilaw ang floor sa harapan niya. Saka nagform ng isang pentagon shape na kulay pula at may kung anong nakasulat doon kasabay ng isang malakas na sigaw ng isang ibon. Lumabas ang isang Fire Phoenix saka agad na sumugod papunta sa akin. Gamit ang kanyang pakpak ay binato niya ako ng mga fire blades naalala ko ang tinuro ni Kharlo my loves, humigop ako ng hangin saka binugahan ng kulay puting usok ang mga fire blades at naging yelo ang mga ito.
Ginawa ko ulit na tubig ang mga yelo saka tinira sa direkyon ng phoenix pero lumipad ito kaya napunta sa direksyon ni besty naka-ilag siya pero nadaplisan siya sa kanang braso niya
"Sorry"sigaw ko at nag thumbs up,lang siya saka ngumiti sa akin
Hindi ko namalayan na palapit na pala ang mga tinira ng Phoenix ni besty na mga Fire Arrows agad akong umiwas pero may tumama sa aking left hand. Patay mahihirapan ako nito
Nagpalabas ako ng maraming mga maliliit na water snakes at pinatama kay jane pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
"Time freeze" sigaw niya at biglang huminto ang mga water snakes ko sa paggalaw. Kasunod noon ay ay pagbuga ng apoy ng kanyang phoenix. Ang galing niya
Nagpalabas ako ng isang water dragon at water lion saka inutusang sugudin ang phoenix. Inatake ng phoenix ang water lion, nagbuga ito ng apoy ngunit hindi niya napansin ang water dragon na nagbuga din ng tubig na may kasamang ice. Bigla naglaho ang fire phoenix at naging usok.
Sunod na inatake ng water dragon at water lion ko si Besty pero nagcast ulit siya ng spells at may lumabas ulit na apat na kulay gold na mga phoenix kasabay ng pagpapalabas niya ng napakaraming mga daggers at mga arrows na nakatutok sa akin at sa dragon at lion ko, sa dami nun ay gumawa din ako ng madaming mga illusion na kamukha ko at sabay sabay kaming sumugod kasabay ng malakas na pagsabog dahil sa mga atake na ginawa ng aming mga alaga.
Saka ako nawalan ng malay.__________________________________________________
Sorry kung hindi ko gaano nabigyan ng hustisya ang mga fight scenes nila. Pero dont worry i'll try my best to make this story better. Vote and comment guys and thank you for reading.
BINABASA MO ANG
ENCHANTRA: Kingdom of Five Elements
FantastikGENRE: FANTASY/ ADVENTURE/ ROMANCE/ TRAGEDY STATUS:ONGOING Always been the loser. Less privileged. Unwanted and hated by everyone. Labeled as the weird one. Tinanggap niya ang lahat ng mga pasakit na ito. Until one day everything changes. Everything...