Chapter 2 : First Negative Record
Sammie POV
"Hoy sammie! Nasan na ang cookies ko?" Tanong ni George sa akin. Binigay ko na sa kanya ang isang plastic na gawa kong cookies.
"Waaaah! Akala ko nakalimutan mo na. Thank you ha? Sige pasok ka na baka malate ka pa. Magkita tayo mamaya ah!" Sabi niya. Pumasok na ako sa loob ng Blue East University.
Sayang nga dahil hindi ko makakasama si george dito dahil sa hindi siya nakapasa ng exam dito. Kaya wala akong nakakausap dito.
Pero sigurado akong maraming lalapit sa akin para mangopya ng assignments dahil sa wala daw silang gawa. Eh halos araw araw nalang silang nakikikopya eh. Nagbabait baitan pa sila sa akin tapos kapag nakopya na, magsusungit na ulit na parang walang ginawang mabuti sa kanya. Mga tao nga naman oh! Ang plastic! Kaya bumabaha dito sa pilipinas ehh.
"Hey Sam! Can I copy your assignments? Pleaaase?" Sabi na eh. Nandyan na si Julia para makikopya sa akin. Wala na akong nagawa kundi ibigay sa kanila yung ginawa kong assignments. Ngumiti siya at biglang umalis sa harap ko at marami nang nagsipuntahan kay julia para makikopya. Pasensya na kayo kung masyado akong mabait. Ayokong mapag initan ng ulo.
Mga ilang minuto na din ang lumipas at biglang may tumamang kung ano sa ulo ko.
"Aray!" Nang tinignan ko kung ano yung tumama sa akin ay yung mga notebooks na hiniram ni julia sa akin. Tinignan ko kung sino gumawa pero nakita ko silang tumatawa.
***
Nang magbreak time na ay lumabas na silang lahat. Ako ang laging nagsasara ng pinto dahil sa ako ang nagpapahuli dito sa loob ng classroom.Nagulat nalang ako nang may makita akong nagtatakbuhan papunta sa may park ng school. Oo, may park dito. Ang sosyal noh?
Sa sobrang curious, pumunta din ako dun sa may park. Nakita ko ang nagkukumpulan na tao dun. Ano kayang meron?
"Kawawa naman si Louie..." aalis na sana ako nang marinig ko ang pangalan na iyon.
Imposible naman atang si Louie yun. Marami namang louie sa buong mundo. Tsaka dalawang taon na siyang wala dito sa Blue East.
Hindi kaya bumalik na ulit siya dito?
Dali dali akong lumapit dun sa mga nagkukumpulan. Nagulat nalang ako nang may narinig akong nagpito ng whistle. Biglang nag alisan ang mga estudyanteng nakapalibot. Ako nalang ang natira.
Nakita ko na yung nag aaway ata. Halata naman dahil ang daming pasa nung isang lalaki. Tinignan ko nan man yung isang lalaki.
Bumuntong hininga ako dahil hindi naman pala si Louie.
"You two! In the office!" Sabi ng principal sa kanilang dalawa.
Aalis na nga sama ako nang biglang may humigit sa akin at pinalapit sa principal. Nanlaki naman ang mata ko.
"Ma'am! Tignan niyo oh! Tumatakas siya. Siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit kami nag away ni Louie" nanlaki lalo ang mata ko sa sinabi nung lalaki sa akin.
"Naku! Nagkakamali ata kayo ng dampot. Hindi po ako yun!" Sabi ko.
"Nagsisinungaling ka pa ah! Wala na, alam na ni ma'am. Bat ayaw mo pang umamin?" Sabi naman nung isang lalaki. Aba't nagkampihan pa yung dalawa.
"Pero-"
"You three! In the office!" Sabi nung principal at lumakad na palayo. Tinignan ko ng masama yung dalawa.
"BAT NIYO KO DINAMAY?!! NANANAHIMIK LANG AKO SA TABI TAPOS ISINAMA NIYO PA AKO SA GULO NIYO" ngayon lang ako nagalit ng ganito. Baka mawala ang scholarship ko kapag nagkaroon ako ng di mabuting records.

BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romans𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎