Chapter 10 : He's in Blue East
Louie POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Lauren.
Sa lahat nga naman ng tao, bakit yun pa? Bakit niya naging kuya yung bryan na yun?
"P-pwede ko bang malaman kung saan siya pumapasok?" Tanong ni sammie.
"Sa-" biglang nagring yung cellphone niya kaya sinagot niya agad.
"Hel-" bigla namang nanlaki mata niya.
"S-sige uuwi na a-ako" at inend na niya yung call.
"Sorry guys pero kailangan ko nang umuwi. Papagalitan na ako ng kuya ko eh. Sana magkita ulit tayo sammie" ngumiti siya sa akin at nilingon naman kaming dalawa ni lilie.
"Salamat sa pagpunta niyo" sabi niya. Umalis na siya.
"Huy sammie! Hello!" Sabi ni lilie habang inaalog si sammie.
"B-bakit? Bakit ganun?" Sabi niya. Bigla siyang tumingala.
"Sammie-"
"A-ay! Nakalimutan ko na si G-george! Kailangan ko nang umalis. Bye!" Sabi niya at dali daling umalis.
Sammie POV
Pagkalabas ko ng SM, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Lutang ako sa mga nangyari kanina.
Kapatid niya si Louie. Siya nalang pag asa ko. Pero hindi pa niya natuloyyung sinabi niya.
Bigla nalang umulan. Wala na basa na ako. Lagot talaga ako neto kay george.
Sumilong ako sa may bubong at binuksan ang cellphone ko.
"Bwisit! Bat ngayon ka pa nawalan ng load?" Sabi ko sabay lagay ng cellphone sa bag.
Naghintay ako dito ng masasakyan pero wala. Lalo pang lumakas ang ulan.
Sa susunod nga palagi akong magdadala ng payong!
Tumakbo ako sa may sakayan ng jeep sa kabila. Basang basa na ako putek!
May nakita akong jeep kaso paalis na at puno na din.
Umupo na ako sa bench at naghintay ng masasakyan.
Tinignan ko kung anong oras na.
11:38PM
Grabe! Isang oras mahigit na siyang naghihintay sa bahay! Baka nakatulog na yun kakahintay sa akin.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako
***
"SAMMIEE!!!" Napabangon ako ng di oras nang marinig ko ang malakas na boses ni george.
Paano ako nakapunta dito sa bahay? Sa pagkakaalam ko, naghihintay ako ng masasakyan ng jeep.
"Anong nangyari? Paano ako nakapunta dito?" Tanong ko. Ang sakit ng ulo ko.
"Ah eh kasi ano...ako ang nagdala sayo pabalik dito. Nakita kitang tulog sa may hintayan ng jeep. Ano bang ginawa mo? Basa ka pa nga nun eh" sabi niya.
"Sorry naman, may nanlibre sa akin sa starbucks eh. Tapos wala pa akong load" sabi ko.
Nang makita ko ang oras,
"Waaaahhhh!!! Bat ngayon mo lang ako ginising? 15 minutes nalang magbebell na!" Agad akong tumayo at naligo.
Hindi na ako kumain. Malalate na ako!
Nang makarating ako sa school, marami pang nasa labas. Haaay mabuti naman.
Habang papunta sa classroom, narinig ko ang mga bulungan ng mga tao.

BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎