Chapter 23

1.3K 65 0
                                    

Chapter 23 : Sapphire

Sammie POV

Sinundan namin yung nagsisitakbuhan hanggang sa makarating kami sa may pool area?

Maraming nakapalibot na tao dun. Nandun ang BSU, MU at pati school namin!

"Anong meron dyan?" Biglang sabi ni Third. Ito ang dahilan para lumingon ang lahat at magtilian nang malakas.

"OMG! Ang wafu wafu!"

"Ang Elites! Kompleto na ulit sila!"

"Oh my gosh! Im gonna faint"

"WE LOVE YOU EASTOOON!!!"

"POGI NYONG LAHAT! WOOOO"

"Sammie! Thank goodness" yan lang naiba at bukod tanging boses na narinig ko. Si George pala yun. Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako.

"San ka ba nagpunta? Bat ngayon ka lang sumulpot?" Sabi niya sabay bitaw.

"Mahabang kwento-"

"E-easton?!!!" Huh? Kilala niya si easton?

"Georgette! Miss me?" Sabi ni easton at tumawa.

"Shocks! Ang gwapo ng tawa niya!"

"Yeah right"

"Anong miss me? Excuse me, hindi ko makakalimutan yung pinaggagawa mo" inis na sabi ni george.

"So what? Ang saya kaya magprank" sabi niya.

"Wait lang guys! Mamaya na yan! Kaya tayo nandito kasi may nagkakaguluhan" biglang singit ni third. Oo nga naman.

Nilingon namin kung sino yung nagkakaguluhan. Si Kian at Bryan pala. Si kian may putok sa labi. Nagsuntukan sila?

"Seriously? May nagsuntukan dito tapos wala pa yung prof ninyo?" Sabi ni ethan.

"May meeting kasi yung mga prof namin kasama yung mother nung may ari nung resort" sabi ni lauren.

"Si mama? Ano naman imemeeting nun?" Sabi ni third.

"Oh my! Kay third tong resort?"

"Bat hindi ko alam yan?"

Nagkibit balikat nalang si Lauren.

"Eh ano ba talaga nangyari dito? Anong pinag awayan nila?" Tanong ni Ethan.

"Personal things..." sabi ni lauren.

"Okay? Bumalik na kayo sa kwarto niyo" nagsialisan na yung mga tao nang sabihin ito ni Third.

"Sammie, san kayo nanggaling ni Louie?" Tanong sa akin ni Lauren.

"Eh kasi-" bigla namang nagsalita si Easton.

"Kinidnap namin yung dalawa" yan. Yan sinabi niya nang ikinalaki ng mata ko. Bat ang straight to the point nito?

"What???!!!!!" Sabay sabay na sabi nung apat.

"Chill guys! Hindi naman talaga kidnap na seryoso na manghihingi kami ng ransom. Pinagtripan lang talaga namin si Isaac kaso nakita ni Princess kaya kinuha din namin siya" sabi ni lyle.

"Princess?"

"Ay! Si sammie yun" sabi ni lyle. Napasapo nalang ako sa noo.

"Sige mag chikahan muna kayo dyan. Maliligo lang ako" sabi ko. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko para maligo.

***
Nang makatapos na ako, kumain ako nang mabilis at bumalik doon sa may pool area. Baka nandun pa kasi sila.

Pero si easton at si george nalang ang nandun.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon