Chapter 35

1.4K 56 8
                                    

Chapter 35 : Revelations

Sammie POV

Nang magsapit ang Weekends, nakababad ako sa kama ko. Gusto ko nangmagpahingaaa!

Maya maya ay may kumatok. Binuksan ko yung pinto at si Easton pala.

"Hoy babae, huwag kang magbabad diyan. Kain kain din pag may time" sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na kami ni Easton. Pagkababa ko, ang daming pagkain.

Nakita ko dun si mama na naghahanda ng pinggan.

"Kumain na tayo" sabi niya at umupo na kami dun.

Habang kumakain, nagkekwentuhan lang kami. Haayst! Ang saya naman kapag may kasama sa bahay lalo na't kapag pamilya ang kasama mo. Kaso wala si papa eh.

Fast forwaaaaaarddd!!!

Nag aya ang mga ELITE na maggala. Sinama ako ni Easton.

Ngayon, nasa park kami. Nakain ng Ice cream. Mainit kasi ang panahon ngayon. Malapit nang magbakasyon. Ang saya lang.

Maya maya, nagsalita si Lyle.

"Easton, basahin mo to" sabi niya sabay bigay nung cp kay Easton. Nang mabasa ni Easton to, agad nangunot ang noo niya.

"Sino to?" Tanong niya. Nagkibit balikat siya.

"Try kong itrack" sabi naman ni Ethan. Binigay ni Easton kay Ethan yung cp ni Lyle. Tas nagpaalam na muna siya samin. Natira nalang kaming lima dun.

"Ano yun?" Curious kong tanong.

"Wala lang. May nagprank eh" sabi ni Lyle. Weh di nga? Bat parang mga seryoso kayo? Aish, bahala na nga lang.

"Tara sa mall" sabi ni Third.

***

Nang makarating kami sa mall, naglaro kami sa Quantum at Wof. Tas nang mapagod, kumain na kami ng tanghalian.

"CR lang ako" sabi ko. Tumango naman sila at tumayo na ako. Ang dami kong nakain.

Pagkapasok ko sa CR, naghugas ako ng kamay. Maya maya, nakita ko si Xia. Nginitian ko siya at nginitian din niya ako.

"Hi Xia! Long time no see" sabi ko sa kanya. Tumango nalang siya. Pagkatapos nun, lumabas na siya.

Pagkatapos kong mag ayos, lumabas na ako.

Pagkalabas na pagkalabas ko, may tumamang kung ano sa ulo ko kaya nandilim ang paningin ko.

***

"Ugh..." pagkamulat ko ng mata ko, napatingin ako sa paligid ko. Huh? Nasan ako?!

Nakatali ang kamay at paa ko. Tinry kong galawin yun kaso ang higpit ng pagkakatali nito kaya minabuti ko nalang sumigaw.

"HOOOOOOOOYYY!!! TULOOOOOOONNGGG!!!"

Huhuhu! Tulungan niyo ko! Nakidnap ako!

Louie POV

"Antagal naman ni Sammie" sabi ni Lyle. Siya nalang ang hinihintay namin. Nakapag CR na nga kami pero di pa siya lumalabas ng CR.

Maya maya, nagvibrate yung cp ko. Binuksan ko yung cp ko at nanlaki ang mata ko nang makitang number ni Zeus to.

Binuksan ko yung message niya.

From : Zeus

Hey pres! Guess what? Kasama namin yung mahal mo.

Damn.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon