Chapter 38

1.5K 48 12
                                    

Chapter 38 : Happy

Lilie POV

"Sakit sa feelings? Pfft" gusto ko nang batukan tong lalaking to. Kanina pa niya ako binabadtrip.

"Shut up. Kumain ka nalang ng ice cream" sabi ko. Nakain kami ng ice cream ngayon sa 711. Treat daw niya eh.

"Ikaw kasi, kung makapagselos, parang crush lang" sabi niya. Kumukulo na dugo ko sa kanya.

"Excuse me, hindi ako nagseselos. Oo, crush ko nga siya. Pero hanggang dun lang yun!" Hanggang dun nga lang ba yun Lilie?

Nagkibit balikat lang siya at kinain na niya yung ice cream. Tas maya maya, nagring yung cp niya.

"Hello? Sino to? Kuya Lyle! Musta? Ahh...Ha? Bakit? Kailan? Ngayon?!! Biglaan ata. Grabe ka, nagpapatulong ka sa mas bata sayo. Hahaha! Nambola ka pa kuya! Oo na nga! Ge bye" at nag end na ang call niya. Habang ako ay napanganga nalang.

Anudaw? Kuya Lyle?

"Hahaha! Insan ko si Kuya Lyle. Galing noh? Parehas kami ng pangalan hahaha. Alam mo ba yung Infinity X?" Nang marinig ko yung word na yun, agad nagliwanag ang mata ko.

Dont tell me, insan niya yung Lyle sa Infinity X! Omo, fangirling mode on nanaman ako. Hindi na nga ako masyadong updated sa kanila kasi nasa ibang bansa ako nun eh.

"Kilala mo nga. Tara samahan mo ko. Punta tayo sa hide out nila insan Lyle!" Nanlaki naman ako sa sinabi niya. Nananaginip ba ako?! Waaahh! Makikita ko na ang Infinity X!

"Huy!" Hinawakan ko na siya sa braso at hinatak.

"Tara na! Excited na ako" sabi ko. Nayawa naman sakin si Lyle.

Weeeee! Infinity X! Pero bago ang lahat, sa mga hindi nakakaalam nito, Sila ay mga banda. Limang members din sila. Ang names nila ay Brooke, Max, Lyle, Ace at Cooper. Syempre ang boas ko ay si Brooke hehehe.

***

Nakarating na kami sa sinasabi niyang 'hide out' nila. Shems, kinakabahan ako. Inayos ko naman yung sarili ko at sumunod kay Lyle.

Shems! Makikita ko na ang bias ko na si Brooke! *0*

Nakarinig kami ng ingay sa loob. Shems, boses palang nila, alam ko na agad.

"Hi Kuyas!" Biglang sigaw ni Lyle kaya napatinginang lahat sa amin. Habang ako naman ay nakanganga lang.

Nananaginip ba ako? Nakita ko na ang buong member ng Infinity X! Omo omo omo!

"Andyan pala si Lyle Jr. Hahaha-aray" napahawak naman si Brooke sa batok niya. Nabatukan siya eh. Ang cute niya grabe!

"Sino yang kasama mo Lyle? Girlfriend mo?" Tanong ni Lyle kay Lyle-err. Tatawagin ko nalang na Lyle jr. si Lyle pfft hahaha para iwas lito.

"Hindi. Kaibigan ko lang yan. Actually, fan ka pa nga ata nito" sabi ni Lyle jr. Nahiya naman ako bigla sa pinagsasabi niya.

"Hi! Ako si Lilie!" Sabi ko at nagbow. Nagpakilala sila sa pamamagitan ng handshake at shems! Nahawakan ko silang lahat pati din si Brooke! Hihihi.

"Sooooo, ano bang problema niyo at tinawag niyo ko dito?" Tanong ni Lyle jr. Tinuro ni Cooper si Max.

"Ito kasing si kuya max mo, antagal na niyang nililigawan si Hailee. Kilala mo ba siya?" Tumango tango si Lyle jr.

Omo, si Hailee Frost ba kamo? Shems, nililigawan pala ni Max yun? Waah! Hashtag Kilig.

"Wala daw siyang maisip na magandang paraan para mapa oo na daw niya si Hailee. Ano bang maganda? Alam mo naman kami, wala pang experience sa ganyan. Panigurado meron ka nang experience hahahaha-joke lang. Di ka mabiro" sinamaan ni Lyle jr. ng tingin si Lyle.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon