Chapter 5 : Basketball
Sammie POV
"Teka teka, si Sammie ba yun?"
"Sino si Sammie?"
"Wala naman akong kilalang sammie eh"
"OMG! Whats with her outfit?"
Yan ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko pagkadating ko. Hindi daw nila ako kilala? Ilang taon ko na silang naging kaklase tapos hindi pa rin nila ako kilala? May saltik ata tong mga to. Kilala nila ako kapag makikikopya ng assignments.
Umupo na ako sa upuan kong lonely at nilabas ang cellphone ko. Pwede pa naman dahil ang aga ko pa naman at walang pang prof.
Nagtype lang ako ng message.
To : Louie
Good morning! Gising ka na ba? Sana mabasa mo to hehehehe K3U!!!
Nang masend ko na ay tinago ko na cellphone ko. Nilabas ko yung libro ko para magreview. Malay natin magkaroon ng surprize quiz.
***
"Class Dismissed" yan ang paborito kong line galing sa prof namin. Ako nanaman ang huling lumabas kaya ako ang naglolock nung pinto.
Nang malock ko na ay naglakad na ako palabas ng gate. Bat ba naman kasi ang laki ng school dito.
Maya maya ay nakaramdam ako ng parang may sumusunod. Nilingon ko yung likod ko pero wala naman. Naglakad nalang ulit ako.
Para talagang may sumusunod ehh. Kapag lumilingon naman ako wala naman. Hindi naman yun multo.
Binilisan ko nalang yung lakad ko.
Nabigla ako nang may humawak sa braso ko kaya nahampas ko siya nung backpack ko.
"Aray!" Nakita ko si Kian na napahawak sa mukha niya.
"Bat ka ba nanggugulat?" Nang tinanggal niya yung kamay niya sa mukha niya, nakita kong may hiwa yung parteng pisngi niya. Buti nga.
"May sasabihin lang naman ako sayo. Ang sakit!" Sabi niya habang pinupunasan yung dugo sa pisngi niya.
Binagsak ko sa sahig yung bag ko at kumuha ng alcohol at band aid.
"O-oy, anong g-gagawin mo?" Sabi niya.
Binuhos ko sa may pisngi niya yung alcohol.
"ARAAAAY!! ANG HAPDI!!! BAT MO BINUHOS SA AKIN?" Sabi niya. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunasan ang pisngi niya. Nilagay ko yung band aid sa pisngi niya.
For your information, kaya ako merong ganyan dahil minsan ay palagi akong nabubully ng mga kaklase ko kaya may ganito ako in case of emergency.
"Yan! Malinis na konsensya ko. Alis na ko" sabi ko at nilagay na ang lahat ng ginamit ko sa bag.
"S-sandali!!!"
"Bahala ka dyan. Bukas mo nalang sabihin yung sasabihin mo ngayon. May kailangan pa akong panoorin ngayon" sabi ko at dali daling tumakbo para manood.
***
"WAAAAH!!! ANG GWAPO NIYA" sabi ko habang nanonood ng Kuroko no Basket.
Idol ko talaga si Kise!!! Ang galing niyang kumopya ng skills!
Sana maging katulad ko din siya. Mahilig kasi akong maglaro ng basketball. Pero syempre hindi ko naman magagawa yung mga dunk nila.
"Ate!! Pabili" nakarinig ako ng boses sa labas kaya tumayo ako para puntahan.
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Любовные романы𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎