Chapter 21

1.4K 61 1
                                    

Chapter 21 : Easton

Sammie POV

Nilagyan ni Louie ng benda yung paa ko. Nalaman ko nalang na kaya pala ako nagkasugat gawa nung bubog nung glass ng gatas. Nahiwa ako.

Sa ngayon, nag iinuman sila. Napapangiwi nalang ako dahil ang Isang Louie Isaac Scott, nag aalak? Di pa rin ako makapaniwala.

Sinabi kasi sa akin ni third kanina na highschool palang nag aalak na talaga siya. Lalo naman akong napangiwi dun. Bata palang nag aalak na agad.

Pinapanood ko lang sila na nagkekwentuhan habang nagtatagayan. Napahikab naman ako dahil sa madaling araw na talaga. Baka nag aalala na doon sina George. Kailan kaya kami babalik? Baka malagot kami nito.

"Uy si princess, inaantok na" sabi ni lyle. Anu daw? Princess?

Tumayo si Easton at lumapit sa akin. Ayaw ko siyang tawagin na east kasi you know, ngayon ko pa lang siya nakilala at hindi ko pa siya masyadong close.

"Tara, samahan kita sa kwarto. Dito ka na muna makitulog nila Isaac" sabi niya at ngumiti. Sinamahan niya ako papuntang kwarto.

Nang makarating na kami, may kung ano pa siyang pinindot sa may pinto. Hindi ko alam kung ano. Nang makita ko kung ano yun, password pala yun. Napakamoderno naman ng bahay dito.

Binuksan na niya yun at namangha naman ako sa nakita ko.

Puro pink. Ang cute ng itsura grabe!

"Sa ngayon, dito ka muna. Sa kapatid ko talaga yan eh" sabi niya. Pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin ko.

"Ang ganda naman dito! Mas malaki pa ata to sa bahay ko ah!" Sabi ko.

"Why? Hindi ka ba mayaman?" Tumango nalang ako.

"Weird. Paano ka nakapag aral sa Blue East?"

"Scholar ako" napatango nalang siya.

"Sige maiwan na kita dyan. Good night!" Nginitianko nalang siya at sinara na yung pinto.

Maganda tulog ko dito!

Louie POV

Nakita kong bumaba na si Easton. Bumalik na siya sa inuupuan niya which is katabi ko lang. Kumuha siya ng alak at deretsong ininom ito.

"Woah! Easy lang! Baka masamid ka" sabi ni Ethan. Pero nainom naman niya yun lahat. Binaba na niya yung bote.

"Problemado ka ata" sabi ko.

"Oo nga eh. May problema talaga siya kaso ayaw niyang iopen up sa amin" sagot ni lyle.

"Its just family matters. Dont bother. Ayokong mapasali pa kayo sa problema ko" sabi niya at ngumiti. Kaibigan talaga namin to.

"Sooo, hows life in Blue East?" Sabi ni third.

Nagkwento lang ako tungkol sa mga nangyari sa Blue East at sa naging kilala ko si Sammie.

"That girl, is really something" biglang sabi ni Easton. Napalingon naman kami kay Easton.

"Dont tell me, nalove at first sight ka sa kanya" sabi ni ethan nang ikinalaki ng mata namin.

"Seriously Ethan? Hindi ako pumapatol sa mga ka age niyo okay? Its just, nang titigan ko mata niya, parang pamilyar" sabi niya. Sabagay, mas matanda kasi sa amin ng isang taon si Easton. Ayaw lang niyang magpatawag ng kuya.

"Baka kilala mo" sabi ni third. Napakibit balikat nalang siya.

"Ako naman magtatanong, hows life being gangsters?" Sabi ko. Bigla akong binatukan ni  Easton.

"Daya mo Isaac! Hindi ka na sumasama sa mga laban namin. Alam mo ba, nakalaban namin yung pinakamalakas kuno na gangster dito sa pilipinas. Sayang wala ka. Natalo namin yun" sabi ni lyle.

"Sorry naman! Kasi napagalitan ako ni papa na aral muna bago laban" sabi ko.

"Ha? Alam nila na lumalaban ka?" Tumango ako.

"Its okay lang naman daw. Basta daw palagi akong mag iingat. Tsaka mag aral daw akong mabuti" sabi ko.

"Mabuti ka pa ganyan magulang mo" sabi ni easton.

"Ako nga, kapag nalaman yun ng magulang ko, baka hampasin na ako ng sinturon niyan hahaha" natawa nalang ako sa sinabi ni lyle.

"Wait lang, CR lang muna ako" tumayo ako para mag CR.

Nang matapos na akong makapag CR, nilibot ko muna yung bahay namin. Oo, bahay namin, may sarili kaming bahay ng mga Elites. Nakakamiss kasi yung bahay na to. Wala pa ring pinagbago.

Hanggang sa makita ko yung isang kabinet. Nandito kasi nakalagay yung mga pictures naming lima. Binuksan ko yung kabinet at kinuha ang isang album.

"Pink? Kailan pa kami nagkaroon ng pink na album?" Sabi ko. Binuklat ko pero puro bata ang nakita ko sa album. Isang lalaki at isang babae.

"Teka, si Easton ata to ah! Hahaha" sabi ko habang tintignan pictures niya. Ang puti puti niya nung bata pa siya. Sino kaya tong babaeng to?

"Huy!" Napatalon ako sa gulat nang may humablot ng album. Si easton pala.

"Hahaha ang cute mo pala nung bata ka" sabi ko.

"Tagal na. Ngayon mo lang nalaman?" Tss hangin. Pagbigyan na.

"Pero sino yung babaeng kasama mo? Kapatid mo?" Tumango siya.

"Siya si Sapphire. My little sister" sabi niya.

"May kapatid ka pala? Bat hindi ko nakikita?" Sabi ko.

"Ah nasa ibang bansa siya eh. Namimiss ko na yung babaeng yun. Matagal na kasi siyang hindi umuuwi dito. Sabi niya sakin uuwi daw siya pero hindi na siya nagparamdam manlang. Siya kalaro ko lagi nung bata ako. Kahit basketball laro namin, lagi siyang nakikipaglaro" sabi niya.

"Kailan kayo huling nagkita?"

"Nung 5 years old ako"

"Matagal na pala" sabi ko.

"Kasi isinama siya ng papa ko sa ibang bansa. Tapos nakalipas na ang maraming taon, hindi ko manlang nakausap papa ko. Wala tuloy kaming nakukuhang balita sa kanila. Ang ginawa ng mama ko, sinundan niya. Naiwan ako dito kasama yaya ko. Tapos lumipas ang maraming taon, tumawag mama ko, sabi niya wala na si papa. Hindi niya sinasabi sa akin kung bakit o kung ano ikinamatay niya. Tapos pinakausap niya sa akin si Sapphire sa akin. Sabi niya okay lang daw siya doon. Kaso sabi niya gusto daw niyang magstay doon basta babalik siya dito. Kasama niya si mama kaya mag isa nalang ako dito sa pilipinas" kwento niya. Ganun pala ang buhay niya.

"Sayo ko palang sinabi to Isaac. Huwag mong ipagsabi sa iba" tumango nalang ako.

Bumalik na kami doon.

Sammie POV

Nagising ako nang may suminag sa aking mata. Umaga na pala. Bumangon na ako sa kama. Oo nga pala, wala nga pala ako sa camping. Tatayo na sana ako nang makita ko si Louie na nakahiga sa sahig.

"Hala! Bat dyan ka natulog?" Tanong ko. Ginising ko siya kaso waepek. Naaamoy ko pa yung alak.

Binuhat ko siya at ibinagsak sa kama. Anong oras kaya sila natapos sa inuman nila? Madaling araw din akong nakatulog eh.

Bumaba ako. Nakita ko si Lyle na tulog sa sofa. Mga lasing na ata sila. Kung saan saan na sila natulog.

Bigla namang nagising si lyle.

"Aww, sakit ng ulo ko" sabi niya habang hinihilot ang sentido niya.

"Uy princess gising ka na pala! Teka gagawa ako ng pagkai-" pinigilan ko siya.

"Ako nalang magluluto. Marunong naman ako" sabi ko. Umupo nalang siya sa sofa. Kumuha ako ng tubig at binigay sa kanya. Nagsimula akong maghanapng pagkain sa ref.

Let the cooking begin!

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon