Chapter 3 : Meet His Family
Sammie POV
Nakakabwisit talaga! Bat ba ang malas ko ngayon?
Kanina yung nagka negative records ako tapos nalate pa ako ng next class tapos ngayon naman, umulan. Wala akong payong putek naman oh!
Makisilong kayo ako sa mga may payong?
Wag pala, magmumukha akong FC nun.
Hintayin ko nalang kayang tumila yung ulan?
Wag pala, baka hindi pa tumigil at bumaha.
Sumakay nalang kaya ako sa jeep o kaya sa tricycle?
Wag pala, nagtitipid nga lang pala ako.
Kung tumakbo nalang kaya ako kahit mabasa na ako?
Great Idea sammie!
Bumuntong hininga ako at bumilang ng tatlo.
"1...2...3...TAKBO!" Tumakbo ako nang napakabilis. Hindi naman sa nagmamayabang pero ako ay isa sa mabilis tumakbo sa aking klase nung highschool pa ako. Mahilig kasi ako sa mga sports lalo na ang basketball kaya ganun.
Hindi ko na namalayan na nasa may tawiran na ako at may nakita akong ilaw galing sa kaliwa ko. Mag gagabi na din kaya may ilaw na. Nang makita ko nang maigi, isang kotse ang dadaan palapit sa akin.
Waaaaahhhh! Kaya ata minamalas ako dahil ito na pala ang huli kong araw sa aking buhay! Pero bakit hindi swerte?
Sa sobrang panic ko ay hinimatay ako.
Louie POV
Nang matapos ang klase ay biglang umulan nang malakas. Mag gagabi na din kaya malamig ang simoy ng hangin. Nagsuot ako ng jacket bago lumabas ng classroom.
Pumunta muna ako sa office. Nakita ko si Zeus na may binabasang papel. Mukhang nalaman niya ang presensya ko kaya napalingon siya.
"Huy pres! Tulungan mo naman ako dito! Dapat nga sayo to naka assign eh! Bat ka naman kasi naoffice?" Sabi niya. Si zeus ang vice president kaya siya ang gumagawa kapag wala ang president which is ako hahaha.
"Pasensya ka na zeus, may kailangan din akong asikasuhin ehh. Kasi nga nagkarecord na akong negative kaya kailangan ko muna iprioritize to kundi baka masuspend ako" sabi ko. Tumango nalang siya kaya lumabas ako ng may ngiting successful. Nauto ko nanaman siya haha.
Pumunta na akong parking lot para umalis na ng school. Mabuti nalang talaga pinayagan na ako ng mama kong magdrive kundi kanina pa siguro nag aantay ang driver nito. Pumasok na ako sa loob at pinaandar ang sasakyan.
Maya maya ay may naaninag akong babaeng pamilyar. Teka, ito si sammie ah!
Pero bat siya nagpapakabasa sa ulan? Wala ata tong payong eh. Mukhang nakita na niya ako pero hindi pa rin siya umaalis sa gitna ng kalsada. Nagpapakamatay ba to?
Nang malapit na ako sa kanya ay bigla siyang hinimatay kaya napatigil ako.
Hala! Hindi ko siya binangga ha! Huwag niyo kong papagalitan. Mga kalahating metro yung kotse ko sa kanya kaya hindi talaga. Lumabas ako kahit umuulan. Nakajacket naman ako. Binuhat ko siya at dinala sa loob ng kotse.
Paano to? Hindi ko naman alam bahay nito. Bahala na nga! Sinimulan ko nang paandarin ang kotse ko at dinala sa bahay namin.
Nang makarating kami ay may naaninag akong kotseng puti. Teka, kotse to ni papa ah! Nakabalik na ba sila? Sinama din kaya niya si Lilie?
Dali dali akong lumabas ng kotse at binuhat si sammie papuntang bahay.
"Woah! Ang gandang pambungad ah!" Yan ang unang narinig ko kay Lilie pagkapasok ko.

BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎