Chapter 39 : April
Lilie POV
After 3 years...
"Hoy hoy hoy! Akin yan!" Inagaw ko kay Lyle yung cookie na kakainin na niya sana.
"Damot nito. Andami mo nang nakain!" Sinubo ko na yung cookies para wala na.
"Palibhasa kasi, wala ka ng pag asa kay Easton" rinig kong sabi niya. Piningot ko yung tenga niya.
"Araaaayyy!!!!" Tawa naman ako ng tawa nang makitang namumula ang tenga niya.
"Oy, tama na ang harutan" bigla kong nakita si kuya at si Sammie na papalapit samin.
"Kuya! Nasan si baby Chloe?" Tanong ko.
"Tulog. Wag niyo nang istorbohin" sabi ni kuya at lumapit kay Lyle.
"Oy Lyle, mga hokage mo. Laos na yan" sabi niya at sinuntok sa braso.
"Lilie, ilang years na ba kayo?" Sabi ni Sammie sakin.
"Sammie naman eh! Sinabi nang hindi nga kami ng lalaking yan!" Palagi nalang niya akong inasar sa lalaking yan. Nakakabuset.
"Haaayss ang in denial niyo pareho. Kaya meant to be kayo pareho eh" sabi niya at lumapit na kay kuya.
Maya maya ay nakarinig kami ng iyak ng baby.
"Gising na si Baby Chloeeee" sabi ko at umakyat sa kwarto niya. Nakita kong sumunod sakin si Lyle. Tch.
Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang cute na baby angel. Binuhat ko siya at pinatahan. Si baby chloe ay anak ni Kuya at ni Sammie hihihi.
"Huwag ka nang umiyak baby. Nandito na si tita hehe" sabi ko habang pinipisil ang pisngi. Ang cute talaga niya!
Pero lalo lang siya umiyak. Huhuhu bat ba lagi nalang to umiyak?!
Bigla namang inagaw sakin ni Lyle yung baby at siya na ang nagbuhat. Tas maya maya ay tumahan na siya. Ang daya!
"Tsk tsk tsk. Tumahan na siya kasi ang gwapo ko daw" edi wow.
"Kung yan ang pinaniniwalaan mo" sabi ko at inirapan siya.
"Ang cute niyo talagang tignan" napalingon kami sa likod at nakita namin si Kuya at si Sammie na nakasilip.
"Lyle, alis lang kami ni Sammie. Alagaan niyo muna si Chloe ah" sabi ni kuya. Nagpaalam na sila at naiwan na kami dito.
"Ako naman dyan! Daya mo" sabi ko sabay kuha kay baby chloe. Gising na siya eh. Si baby chloe kasi, 8 months old na siya huehue.
Bumaba muna kami at pumunta sa living room. Nakipaglaro muna kami ni baby Chloe.
Maya maya ay biglang may kumatok. Si Lyle na ang nagbukas ng pinto.
"Uy Easton! Hi Lauren!" Natigilan naman ako at napalingon sa gawi ng pinto.
Nakita ko si Easton at si Lauren.....na magkaakbay.
Bumalik nalang ako sa pakikipaglaro kay baby Chloe. Masakit mang isipin, pero naging sila last year. Di ko alam kung bakit. Ayaw magkwento nina Lauren at Esston eh. Ang secretive nila T.T
"Waaahh! Nandito pala si Chloe" nakita kong lumapit sakin si Lauren at pinisil ang dalawang pisngi ni Chloe.
"Lauren, gagawa lang ako ng gatas para kay baby chloe. Ikaw muna dyan" tumango siya at tumayo na ako. Pumunta ako ng kusina.
"I really love her" natigilan naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Easton. Ano kayang pinag uusapan nung dalawang yun?
"Ganun ba? Sige, hindi na kita kukulitin" sabi naman ni Lyle.

BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎