Chapter 22

1.3K 65 9
                                        

Chapter 22 : What happened?

Sammie POV

Kinakabahan ako.

Nandito na silang lima sa dining room. Nakaupo na yung apat pero si Easton, kumukuha ng tubig.

"Ano to?" Tanong ni Third. Grabe naman sila! Ganyan ba sila karich kid?

"A-ano, m-menudo yan. M-masarap naman yan" sabi ko. Paborito ko nga to ehh.

"Hanep ah! Ang daming nakalagay. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Maliliit yung ulam pero madami" sabi ni Ethan. Nakalagay kasi ay baboy, atay, patatas, hotdog, at carrots.

"Woah! Menudo!!! Ngayon lang ulit ako nakatikim niyan" biglang sabi ni Easton at dali daling umupo. Kumuha siya ng kanin at napanganga nalang ako.

Ang dami ng kanin niya! Mabuti nalang hindi siya tumataba niyan! Tapos naglagay na siya ng ulam sa plato niya at dali daling kumain.

"Grabe! Ang sarap! Nakakamiss naman nito" sabi niya. Yung apat naman, tahimik na pinapanood si easton.

"Guys, masarap daw sabi ni easton. Tara kainin natin" biglang sabi ni Lyle. Kumuha na din sila ng kanin at kumuha ng menudo.

Natigilan naman sila nang makakain sila.

A moment of silence...

"Masarap diba?" Pagbasag ng katahimikan ni Easton.

"Oo nga" sagot ni louie. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko nasamaan na sila ng lasa.

Kumain na sila. Grabe lang, agahan palang yan pero naubos na yung kanin na sinaing ko.

"Huyyy! Bat niyo inubos yung kanin? Wala ng makakain si Princess" biglang sabi ni lyle.

Oo nga noh? Bat hindi ko naisip yun? Ako ang nagluto pero sila ang kumain. Nice!

"Ah eh, ok lang noh! Kakain nalang ako sa resort. Kailangan ko na ding pumunta dun kasi baka hinahanap na kami dun" sabi ko. Kung pwede lang magdala ng cellphone, edi sana nakatawag na ako at sinabing ligtas ako.

"Aish! Oo nga pala. Kailangan na naming bumalik. May damit pa naman ako dyan diba? Dito nalang ako maliligo" sabi ni louie. Psh! Ang arte naman nito.

"Bilisan mo ah! Gutom na ako noh!" Sabi ko. Umakyat na siya.

"Kami rin maliligo na. Amoy alak kami eh" sabi ni third. Napatango nalang ako at dali dali silang umakyat.

Naglibot nalang muna ako dito. Ang ganda naman dito! Ang gaganda ng mga gamit nila.

Hindi ko namalayan na may naapakan ako kaya natapilok ako.

"Aww" sabi ko. Napasubsob kasi ako. Tumayo ako at tinignan kung ano yung naapakan ko.

Isang pink na album. Hmm? Ano kaya to?

Pinulot ko yun at binuklat. Isa lang masasabi ko.

Ang cute nila! Isang babae at isang lalaki. Magkapatid ata to. Magkamukha ehh. Tinignan ko yung mga pictures. Puro sila lang yung nandito. Napakacute naman nila.

Kamukha nung lalaki si Easton. Baka sa kanya to.

"Ang cute naman nila..." sabi ko habang nililipat sa kabilang pahina.

"Matagal na..."

"Ay Cute!" Nagulat nalang ako nang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko yun at nakita ko si Easton na nakatitig sa akin. Naku lagot ako nito. Pinapakialaman ko yung gamit niya. Napalunok nalang ako sa kaba.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon