Chapter 14 : First indirect kiss
Sammie POV
[''Bakit bryan tawag mo sa akin?"] Kalmado niyang sabi. Hindi na ako makapagsalita. Nakanganga ako ngayon.
Bigla kong nalaglag yung cellphone ko. Hala!
Agad agad kong pinulot yung cellphone.
Super hala! Na end na yung call! Ganun ba yun kapag nalaglag yung cellphone?
Tinawagan ko ulit si bryan pero hindi na siya sumagot.
"Nooooooo!!!!" Sigaw ko. Chance ko na yun hindi ko pa ginrab! Bwisit naman oh!
Akala ko ba pagod ka na....
Bwisit tong konsensya ko! Mukhang may pag asa pa ako sa kanya. Sabi niya sa message, babalikan daw niya ako.
Pero mamaya na muna yan, ang tanong ay kung sino yung number na isa?
Nakakahiya tuloy dun. Sinabihan ko pa man din siya ng mga ganun tapos hindi pala dumadaan kay bryan.
Pero, bakit ba siya nagreply? Hindi kaya pinagtitripan ako nun?
Haaaay! Makatulog na nga lang.
***
"Huy Sammie! Nandyan ka pa ba?" Nabalik ako sa realidad nang hampasin ako ni george.
"Bakit ka ba nanghahampas?" Sabi ko.
"Duh! Kanina pa kita kinekwentuhan tapos hindi ka pala nakikinig?" Sabi niya. Nagpeace sign ako sa kanya.
Nandito nga pala kami ngayon sa SM. Nabobored kasi ako sa bahay ehh.
"Sandali nga lang Sammie, punta muna ako sa NBS. May kailangan akong bilhin ehh" sabi niya.
"Sama na ak-"
"No need. Mabilis lang to. Bumili ka na muna dyan" sabi niya sabay alis. Nagkibit balikat nalang ako at bumili ng pagkain.
Kian POV
"Omg! Ang gwapo ni kuya oh!"
"Nasan? Nasan?"
"Siya ba si Kian? Yung nasa Blue East?"
"Shemay! Gwapo sa personal!"
"Tara lapitan natin"
Biglang nagsilapitan ang mga grupo ng babae sa akin. Ang hirap talagang maging gwapo noh?
"Kuya! Single ka ba? Hihihi..." what the? Deretsahan talaga?
"Uhhh..." napakamot nalang ako sa ulo ko. Kapag sinabi kong oo, hahaba ang usapan. Kapag sinabi kong hindi, magtatanong yan kung nasan.
"Silence means yes" sabi ng isang babae.
"Meron!" Sabi ko sabay akbay doon sa parating na babae sa NBS. Nandito kasi ako sa may entrance ng NBS.
Halatang nagulat yung babae nang inakbayan ko siya.
"Hoy anong-" tinakpan ko yung bibig niya at nagsalita ako.
"Tignan niyo, nagagalit na siya dahil ayaw niya yung may umaaligid sa akin. Kaya umalis na kayo kung ayaw niyong masaktan nito" sa sinabi kong yun, nagsialisan na yung mga babae.
Hinarap ako nung babae na nakakunot ang noo. Cute.
Erase erase erase. Si sammie lang yun.
"Teka nga! Sino ka para ganunin ako?" Sabi niya.
"Salamat!" Sabi ko at umalis na.
Naghanap nalang ako ng makakain. Nagugutom na ako ehh.
Maya maya ay nakita ko si sammie na kumakain mag isa. Agad ko siyang nilapitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/50875164-288-k967981.jpg)
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Roman d'amour𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎