Chapter 13

1.4K 73 2
                                    

Chapter 13 : Different

Louie POV

"Huy! Gising na" bigla nalang may umalog sa akin. Napamulat ako ng mata.

"Waaahhh!!! Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko.

"Sabi kasi ni tita, tawagin daw kita. Eh kanina pa ako kumakatok tapos sabi niya pasukin ko na. Nakita kong tulog ka na sa sahig. Nahiya ka pang ubusin yung kalahating cookies ko" sabi niya.

"Sinong may sabi sayong tawagin mong tita ang mama ko?!!"

"Ako" nabigla ako nang pumasok si mama sa loob. Nakasuot siya ng apron ngayon.

"Kanina pa kita pinapatawag kay sammie. Ayaw mong bumaba. Kain na" sabi niya.

"Tsaka may utang ka pa sa akin. Bat mo kinuha yung cookies nang walang paalam?!" Nagulat ako nang naging galit ang tono niya.

"G-gutom kasi a-ako" sabi ko. Nakakatakot naman magalit si mama. Nilingon ko naman si sammie na parang nagpipigil ng tawa. Problema nun?

"Hahahaha! Ngayon lang ulit kitang nakitang natakot" sabi ni mama at tumawa. Tumawa na din si sammie.

Tumayo na ako at iniwan yung dalawa. Pagkalabas ko, nakaamoy ako ng mabango. Ano kaya yun?

Sinundan ko lang yung amoy hanggang sa makarating ako sa dining room. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagkain doon.

Carbonara, Chicken, Menudo, Adobo at tsaka may Cake pa! Lahat ng paborito ko nasa table!

Dali dali akong kumuha ng pinggan at kumuha ng lahat ng nakahain. Pero nagulat ako nang makita ko si sammie na nakangiti habang pinagmamasdan ako. Nandun na din si mama.

Tug. Tug. Tug. Tug

Ano yun? May nagpapatunog ba? Hindi ko nalang pinansin yun. Ang mahalaga ay yung pagkain.

Habang kumakain, nagsalita si mama.

"Si bianca nagluto niyan. Tumulong lang ako" sabi niya. Kumain na ako.

Ang sarap! Bat ba ang galing niyang magluto? Naiinggit ako!

Hindi ko namalayan na paubos na yung kinakain ko.

"Huy! Hinay hinay lang. Baka masamid ka haha" sabi ni sammie. Hindi ko siya pinansin. Bigla nalang ako inubo. Nasamid nga ako.

"Naku! Ayaw mo kasing makinig sa kanya" sabi ni mama sa akin tapos binigyan niya ako ng tubig. Ininom ko naman yun.

"Salamat" sabi ko. Nilingon ko naman si sammie na ngayon ay mukhang malungkot. Problema nito?

Nang makatapos na ako, nagsalita na si sammie.

"T-tita, uuwi na po ako. Gabi na din po eh" sabi niya.

"Louie, ihatid mo na nga si Sammie"

"Huwag na po. Kaya ko na pong ma-"

"Papayag ka o dito ka matutulog?" Tanong ni mama. Nanlaki naman mata ni sammie.

"Hehe sabi ko nga po papayag ako. Tara na louie" sabi niya sabay hila sa akin.

Nang makalabas na kami sa bahay, tumigil siya at nagsalita.

"Ganito nalang, ihatid mo nalang ako hanggang sakayan ng jeep tapos umuwi ka na" sabi niya.

"Kunin ko lang yung kotse ko" sabi ko.

Nang makuha ko na ay pinasakay ko na siya. Pinaandar ko na yung kotse. Mga ilang minuto ang nakalipas at nandito na kami sa may sakayan. Pero hindi ko tinigil yung sasakyan.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon