Chapter 26 : Blue East
Sammie POV
Naalimpungatan ako nang makaramdam na ako ng bigat. Pagkamulat ko,
Si Louie lang pala. Bigat pala nitong lalaking to. Tinulak ko siya palayo. Nilingon ko yung isa kong katabi.
Si kian tulog din. Pero nakasandal siya sa bintana. Cool!
Pero may kung ano siyang hawak sa kamay niya.
Teka, necklace ko ba yung hawak nya? Tinignan ko kung nandito pa yung necklace ko. Huminga ako nang malalim nang suot ko pa pala.
Pero kamukha nung akin eh. Baka coincidence lang.
"Pakigising na sila. Nadito na tayo sa Blue East" biglang sabi ni Jake pagkatigil nung sasakyan.
Ginising ko na yung dalawa. Inuna ko si louie, kanina pa yan tulog. Tapos nung ginising ko si kian, parang nakakita ng multo.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya. Gulat na gulat ehh.
"W-wala naman. Nagulat lang ako dahil nandito na tayo" sabi niya at umayos ng upo.
Napakanays lang, nagulat daw siya kasi nandito na kami pero sa akin sya gulat na gulat. Ay ganern?
Bumaba na kaming lahat. Nakakamiss din pala ang Blue East. Para kaming nag one week vacation. Kaso sarado siya gawa weekends ngayon.
***
"Nandyan nanaman siya" yan ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng classroom namin.
Haaayssstt!!! Wala nanamang pumapansin sa akin. Maski si Julia iniisnob lang ako. Akala ko pa man din nagiging mabait na siya sa akin.
Ano kayang ginawa nila nung nagcamping kami? Baka may biglaang quiz tapos hindi ako nakapagreview.
Pumasok na ang prof namin.
"Oh! Welcome Back Ms. Constantino" sabi niya at nginitian ako. Nginitian ko rin siya.
Nakahinga ako ng maluwag nang maglesson lang siya.
Natapos ng tatlong oras at lunch na. Nakakagutom yung mga pagkain sa canteen namin kaso ang mahal. Kaya nagbaon nalang ako.
Isang menudo at Egg pie ang baon ko. Paborito ko kasi ang mga yan.
Ang problema ko nalang,
Wala nang mauupuan. No choice ako kundi sa park kumain. Diba nasabi ko na sa inyo na may park dito?
Umupo ako doon sa ilalim ng puno. Para akong nagpicnic sa lagay na to. Mabuti nalang hindi mainit dito sa park.
Habang kumakain, bigla nalang akong nakarinig ng ingay. Kailan ba tatahimik tong school na to? Palagi nalang akong nakakarinig ng tilian ng mga kababaihan.
Kumain nalang ulit ako. Malapit na ding magtime. 15 mins nalang.
Nang makatapos na ako, tumayo na ako at kinuha yung kinainan ko. Ang sarap ko talagang magluto hahaha.
"Princess!!!" Natigilan naman ako dun. Sino tinatawag nun?
Ay boplaks! Sammie nga pala pangalan ko. Nasanay ako gawa ni lyle kakatawag ng princess sakin.
Nagpatuloy na ulit akong maglakad pero nagulat ako nang may humawak sa balikat ko.
Pagkaharap ko, nanlaki mata ko.
"Anong ginagawa mo dito?!!" tanong ko kay lyle.
"Dito na kami nag aaral. Ang saya noh!" Masaya? Naku! Lalong iingay sa Blue East niyan!
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎