Chapter 33 : ANO?!!!
Sammie POV
"Ma'am, may I go out?" Tanong ko kay prof. Tumango lang siya kaya tumayo na ako at pumuntang CR.
Grabe, ihing ihi na ako. Naag makarating na ako, umihi na ako. Tas naghugas ako ng kamay pagkatapos.
Palabas na ako nang CR nang-
*blag!*
"Aray!" May tumamang timba sa ulo ko. At ang malala pa,
May lamang tubig. Kaya basang basa ako ngayon.
"Sammie!" Nagulat ako nang makita kong lumabas sina Louie at Kian.
Lumaput sila sa akin.
"Napaano ka?! Sino may gawa niyan sayo?" Sabay nilang sabi. Nagkatinginan silang dalawa pero bumalik ang tingin nila sa akin.
"Di ko alam. Wala namang timba na may lamang tubig kanina eh" sabi ko. Nung binuksan ko naman yung pintuan ng CR, wala namang nangyaring ganito. Ibig sabihin, habang nagCCR ako, may naglagay niyan dyan.
"Towel oh!" Nagulat ako nang ibato sakin ni Louie yung towel. Hindi manlang ayusin -.-
Habang nagpupunas ako, nagsalita si kian.
"Ayun! May CCTV" turo niya sa tapat namin. Nilingon ko yun at may CCTV nga.
"Sammie!" Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko sina Third at Ethan na palapit samin.
"Bat basa ka? Nag swimming ka?" Inosenteng tanong ni Ethan. Binatukan naman siya ni Third.
"Kayong dalawa, samahan mo siya sa clinic. Tayo naman kian, puntahan natin kung nasan yung CCTV room" sabi ni louie. Tumango nalang yung dalawa at umalis na sina kian at louie.
"Tara na. Magpalit ka muna ng PE. Magkasakit ka pa niyan. Malalagot pa kami kay Boss Easton pfft" sabi ni third at pumunta na kami clinic.
***
Nakapagpalit na ako ng PE at ngayon, niyeyeluhan ko yung parteng ulo ko. Feeling ko kasi nagkabukol ako sa lakas ng impact ng pagkakalaglag ng timba sa ulo ko. Take note, may lama pa yung kaya mas malakas ang impact.
"Ayan na si Easton!" Dumating si Easton kasama si Lyle with their worried face.
"Sinong gumawa nito sayo? Uupakan ko dali" sabi ni Easton.
"Uupakan agad? Di ba pwedeng pagsabihan muna? Tsaka malay natin, prank lang to-"
"Kahit na! Sinasadya pa din yung prank noh! Aish! Kapag talaga nalaman ko kung sino gumawa niyan, mauupakan ko talaga kahit babae pa yan" sabi niya.
Err nakakatakot pala tong maging kuya O.O
Dumating na sina Kian at Louie na may ngiting tagumpay.
"Alam na namin kung sino ang may sala"
***
"Hindi ka magsasalita?!!" Sabi ni Lyle sa lalaking nasa harap namin.
Nandito kaming anim sa may likuran ng gym. Nakita na namin yung lalaking naglagay ng timba sa taas ng pintuan.
"Huhuhu! Pinag utusan lang naman po ako!" Sabi niya.
"Sino yang nag utos sayo?" Tanong ni Louie.
"H-hindi ko siya kilala. B-basta nagulat nalang ako nung makita ko sa kanya yung kapatid ko. K-kapag di ko daw nilagay yung timba dun, Kukunin daw niya yung kapatid ko"
Sino naman ang mang uutos sa kanya nun?
Si Julia kaya?
"Isa lang naman ang kilala ko ditong kaaway ni Sammie" sabi ni Kian at lumingon sa kanya ang lahat.
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romantizm𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎