Chapter 40 : 11:11
Sammie POV
Nandito kami ngayon sa may likod ng bahay namin ni Louie. Nagpaparty party.
Sina Easton at Lauren, nakikipaglaro kay baby chloe.
Si George at Kian, nag iinuman sa tabi.
Sina Lyle at Lilie naman. Si Lyle, nakaakbay kay Likie pero tinatanggal lang ni Lilie yun. Teka, sila ba?
Tapos si Third at Ethan naman, naglalambingan. Pero joke lang hehe. Nagsasayawan ang mga ugok. Nang tumingin sila sa gawi ko ay sinamaan ko sila ng tingin.
Bwisit sila, akala ko talaga nawawala si baby chloe. Kinwento sakin ni Lilie na pinagtripan daw sila nina Ethan at Third at si baby chloe pa yung pinagkaisahan. Kapag talagang may nangyari kay baby chloe, itatapon ko sila sa ilog.
Nakita ko si Louie na kinukuha si baby chloe kela lauren. Tapos ay lumapit siya sakin.
"Hi baby chloe!" Sabi ko at pinisil ang cheeks niya. Ang cute talaga nitong baby ko.
"Sammie, may sasabihin ako sayobg importante" sabi sakin ni Louie at bumulong.
"I love you" hinampas ko siya. Tumawa naman siya.
"Dejoke lang. Ito na talaga" tinapat niya yung bibug niya sa tenga ko.
"Magpopropose na daw ngayon si Easton kay Lauren-"
"OMO!!!" Biglang tinakpan ni Louie ang bibig ko. Nagpeace sign lang ako sa kanila.
"Ang ingay mo" sabi ni Louie. Sorry naman. Masyado akong naexcite eh. Yay! Magiging ate ko si Lauren! Idol ko pa mandin ang beauty ni Lauren huehue.
"Bat parang di naman kumikilos tong si easton?" Tanong ko. Nakaakbay lang kasi si easton kay lauren.
"Masyado ka kasing atat. Maghintay ka kaya" tumango nalang ako. 11 na ng gabi eh.
Lauren POV
"Tignan mo yung dalawa dun" sabi ko sabay turo kela Lilie at Lyle. Pinagsasapak ni Lilie si Lyle.
"Magkakatuluyan yang dalawang yan" napatingin naman ako kay Easton. Lakas lang ng instincts nito ah. Pero sabagay, ang cute naman nilang tignan.
Napatingin ako sa orasan at nakitang 11:11 na. Sabi ng iba, kapag daw ganitong oras, magwish ka daw. Matry nga.
Ang wish ko lang naman ay sana hindi na kami maghihiwalay nitong si Easton. God knows how much I love him. Ewan ko nga kung bakit nagkagusto sakin tong lalaking to eh.
"11:11 na pala. Makapagwish nga" sabi ni Easton at pumikit. Natawa nalang ako sa kanya. Naniniwala din pala siya dun. Nagmulat na siya ng mata at tumingin sakin.
"East, anong winish mo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at biglang lumuhod sa harap ko.
A-anong gagawin nito?
May nilabas siyang isang maliit na box at binuksan ito. Bumungad ang isang singsing na ikinalaki ng mata ko.
"Winish ko na sana umoo ka. Will you marry me?"
"OO NA YAN!!!" rinig kong sabi ng iba at ang nangingibabaw ay yung boses ni Sammie.
Ngumiti nalang ako at niyakap siya.
"Oo naman noh!" Nag ingayan naman yung iba.
Hinalikan niya ako sa labi at nanlaki ang mata ko naag binuhat niya ako.

BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎