Chapter 25

1.3K 64 13
                                        

Chapter 25 : Coincidence?

Sammie POV

"Huyyyy! Ano na? Tara na" hinila na ako ni Louie. Haayst parang kahapon lang kami nung pumunta dito.

Nilock na ni third yung pinto nung kwarto pagkalabas namin ni louie. Umalis na kasi yung mga taga BSU at MU.

Bumaba na kami at nakita na namin sina Kian. Nakapila na yung iba. Kami nalang ang hinihintay.

Nang makapila na kami ay sumakay na kami sa mini van na sinakyan din namin dati pagpunta dito.

Sa ngayon, nakaheadset nanaman yung katabi ko -.-

"Walang mang iistorbo" sabi niya at pumikit na.

Kilala niyo pa ba si Jake? Siya naman ang magdadrive. Mabuti na nga lang marurunong magdrive ang mga kaklase ni louie.

Pero katabi ko si Kian. Nasa pinakalikod kasi kami at tatluhan yung pwede dun. Yung mga bags kasi nilagay niya sa lapag.

"Ganda ah! Kanino yan?" Tanong ni kian habang tinuturo yung necklace na suot ko.

"Ah! Kay mama to" sabi ko sabay hawak ulit nung pendant na S.

"Bat ngayon mo lang sinuot? Teka, parang white gold to ah! Mahal kaya neto" sabi niya sabay hawak nung necklace.

Oo na. Totoo na nga to. Marami nang nagsabi ehh. Pinaandar na yung mini van.

"Sabi nga ni lauren sa akin yun" nang sinabi ko yan, binitawan bigla ni kian yung pendant na hawak niya at naging seryoso mukha niya.

Anong problema nito?

"Bakit? Anong meron sa sinabi ko?"

"W-wala n-naman" Lie. Nauutal nga siya.

"Sus. Sinungaling. Ayaw ko pa man din sa mga taong ganyan" biro ko. Baka sabihin niya sa akin yung problema niya.

"Eh kasi si Lauren" aba, effective yung biro ko.

"Anong meron sa kanya?"

"Kasi ano...ano...ano...ano...a-"

"Ano?"

"May inamin siya sa kin"

"ANO?!!!" seriously? Puro ano nalang sinabi ko.

"Ingay!" Biglang sabi ni louie at bumalik na sa tulog niya.

"Huwag ka ngang maingay" sabi ni kian.

"Anong inamin niya?" Tanong ko.

"May gusto daw siya sa akin"

"ANO??!!"

"INGAY!" nagulat naman ako nang sumigaw si louie. Pero yung totoo, nkaheadset nman siya pero naririnig niya ako? O sadyang malakas lang boses ko? Bumalik na siya sa tulog.

"Ang kulit mo talaga! Lalo tuloy akong naiinlove"

"Ha?" May huling sinabi si kian pero hindi ko narinig.

"Sabi ko, huwag kang maingay!" Sigaw niya.

"Pramis! Hindi na ako maingay. Basta kwento mo sa akin ah!" Nginitian ko siya at nag aktong nagzip ng bibig.

"Naaalala mo pa ba yung nakita mo dati? Yung nag away kami ni Bryan? Kaya kasi niya ako sinuntok nun dahil pinaiyak ko si Lauren. Kasi nga umamin si lauren sa akin ng feelings niya kaso ilang ulit ko nang sinabi sa kanya na may gusto akong iba. Bigla kasing umiyak si lauren at ang worst, nakita ng kuya niya. Kaya sinuntok niya ko" napanganga nalang ako sa kinuwento niya. Bat hindi halatang umiyak si lauren nun?

"Daya! Dba nakazip yang bibig mo? Bat nakanganga yan?" Agad kong tinikom ang bibig ko. Ganun pala ang nangyari nung wala kami ni louie.

"Sige, tulog ka muna. Mahaba pa byahe" sabi niya. Nginitian ko nalang siya. Ayoko nang magsalita. Pinikit ko nalang mata ko.

Kian POV

Nakatulog na sya. Kukunin ko na sana ulo niya para isandal sa balikat ko nang unahan ako ni louie. Tinignan lang niya ako at nginisian. Natulog na ulit si louie. Minsan talaga hindi ko malaman kung tulog ba talaga siya o hindi.

Hindi ko rin alam kung anong tumatakbo sa isip ng lalaking to. May gusto ba siya kay Sammie? Bat kaya palagi niya akong pinangungunahan?

Pero, hindi ko maiwasang isipin yung Easton na yun. Palagi nalang siyang pumapasok sa isipan ko mula nung makita ko siya sa may pool area.

Unang kita ko palang sa kanya, ang pamilyar niya.

Iniisip ko kung nakita ko na ba siya or what? Basta namumukhaan ko siya sa pamamagitan ng kanyang mata. Unang tingin ko palang sa mata niya, pamilyar na siya sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.

Isa pa yang necklace ni Sammie.

Parang may nakita na akong ganyang klase eh. Iba nga lang pendant. Nakalimutan ko na kung ano. Basta white gold din ang necklace nun. Halos magkatulad nga talaga, iba lang pendant.

May biglang lumabas sa utak ko.

Pero imposible. Hindi pwedeng isa sya dun. Hindi Kian.

Inosente si Sammie. Hindi siya katulad nila.

Bigla namang huminto yung van na sinasakyan namin.

"Nasa gas station tayo. Naubusan tayo ng gas" sabi ni Jake. Tumango nalang ako dahil ako nalang pala ang gising dito. Tumayo ako at bumaba ng mini van.

"Jake, bili lang ako ng makakain" tumango nalang din siya at nagtawag na ng maglalagay ng gasolina.

Nang makarating ako sa 7 eleven, naghanap ako ng maiinom at makakain.

Mabuti nalang may dala akong pera. Oo, ako lang ang pinagdala ng prof namin ng pera dahil nga sa bawal magdala yung iba. Kasi nga nagawa ko na yang camping na yan. Sumali lang ulit ako dahil kasama na si sammie.

Nang makakuha na ako, nilagay ko na sa counter at dinukot yung wallet ko sa bulsa ko.

Pagkakuha ko ng pera, may nalaglag na kung ano galing sa loob ng wallet ko. Binayad ko muna sa cashier at pinulot yung nalaglag.

Pero nang makuha ko na,






Nalaglag ulit!


Ang clumsy ko talaga kahit kailan. Pinulot ko ulit at nang makita ko kung ano na,

Muntikan ko pang mabitawan. Nang makita ko tong nalaglag na to, naalala ko nanaman ang lahat. As in lahat. Lahat ng masasakit na alaala.

"Uhmm sir? I said heres your change po" nabalik ako sa katinuan nang magsalita yung babae. Agad kong kinuha yung sukli ko at kinuha yung pinamili.

Lumabas na ako at pumasok sa loob ng mini van.

Nang makaupo na ako, hindi ko maiwasang tignan yung pinulot ko na galing sa wallet ko.

Naalala ko nanaman yun.

Mas malinaw ko nang nakilala si Easton, at ang mga kasama niya.

Pero bat hindi ko makilala si Louie on the first place?

Pero nagtataka ata kayo kung ano yung nahulog sa wallet ko diba?

Yun lang naman kasi yung nalaglag ni Easton na necklace. Yung katulad nung kay Sammie.

Naalala ko na. Letter E pala yung pendant. At katulad na katulad talaga ito nung kay Sammie.

Sana coincidence lang yun sammie.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon