Chapter 12

1.6K 77 9
                                    

Chapter 12 : Delicious

Louie POV

Namiss niyo ba ako? Ang magsabi ng hindi panget.

Isinama kasi ako ni papa at ni lilie papunta sa America. Kaya pala hindi pa bumabalik si lilie sa school kasi may dalawang linggo silang vacation. Daya! Bat dito wala?

Haaaaay! Si mama nanaman ulit ang kasama ko.

"Louie! Luto mo ko" ayan nanaman po siya.

"Mama! Sinabi nang hindi ako marunong magluto" sabi ko.

Paakyat na sana ako nang makalimutan ko cellphone ko sa may table. Kukunin ko na sana nang kinuha ni mama.

"May number ka ba dito ni Bianca?" Bigla nanlaki mata ko sa sinabi niya.

"Mama wala. Akin na yan" sabi ko.

"Wala daw. Eto oh! Makikitawag nga-" hinablot ko na agad yung cellphone ko. Muntikan na yun.

"Ito talaga, damot" sabi niya.

"Kunin mo nalang yung number niya tapos sa cellphone mo ikaw tumawag" sabi ko.

Sinend ko sa kanya yung number ni sammie.

Tsaka umakyat na ako para makapagpahinga.

Sammie POV

"Hala! Bakit siya namatay?" Tanong ko sa sarili ko habang binabasa yung bagong bili kong libro.

Ayaw ko pa man din yung sad ending kapag nagbabasa ako ng libro.

Naaalala ko nanaman yung sinabi sa akin ni Lauren. Hindi pa din ako naniniwala.

Biglang tumunog cellphone ko. Tinignan ko kung sino.

Unknown number? Sino kaya to?

Sinagot ko ito.

"He-"

["Hello Bianca! Mommy to ni Louie!"] Bigla kong nailayo yung cellphone sa sobrang lakas ng boses.

"Eh? Paano niyo po nakuha yung number ko?" Taka kong tanong.

["Nakuha ko lang to kay Louie"] huh? Eh wala naman akong number ni Louie ah! Hindi ko nalang pinansin.

"Bakit po kayo napatawag?" Tanong ko.

["Sabi kasi sa akin ni Lilie, may bakeshop ka sa bahay mo. Masarap ka daw kasing gumawa. Pwede ba akong magpadeliver ng limang egg pie, limang cookies at limang choco crinkles?"] Napanganga ako sa sinabi niya.

"Po? S-sige po. Hintay nalang po kayo ng isang oras. Marami rami din po kasi yun" sabi ko.

["Sige! Bababa ko na to. Bye bye!"] At nag end na yung call.

"Waaaahhh!!! Ang dami naman nun!" Dali dali akong lumabas para bumili ng kagamitan. Naubos na kasi eh.

***
"5 egg pies, check!"

"5 cookies, check!"

"5 choco crinkles, check!" Yes! Natapos din.

Ang problema ko nalang, ang dumi ko na. Dali dali akong pumunta sa banyo at nagbuhos nalang.

Nagpalit na ako ng damit dahil madumi na din yung damit ko. Sinuot ko yung bigay sa akin na sapatos ni lilie. Ang lambot kasi sa paa eh.

Dinala ko na yung pagkain at lumabas na.

***
"Kalma ka lang sammie" sabi ko sa sarili ko. Nandito na ako sa bahay nila. First time lang kasing may nagpadeliver sa bahay mismo.

Pipindutin ko na sana yung doorbell nang biglang bumukas yung pinto at si Louie yun.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon