Chapter 27 : The truth
Sammie POV
Iniwan namin ni Louie yung dalawa. Pagkalabas namin sa clinic, pumunta kami sa canteen.
Hawak hawak ko yung band aid sa pisngi ko gawa nung singsing ni Sapphire. Biglang lumapit sakin si Louie na may dalang milkshake.
Binigay niya sakin yung isa.
"Salamat nga pala louie. Akala ko, matatago ko nalang yun" sabi ko. Nginitian niya ako.
"Ang weak mo kasi...." biglang nag init dugo ko sa sinabi niya. Ako? Weak?
Pasalamat sya tinulungan niya ako. Palalampasin ko yan.
"Nasan na nga pala yung necklace ko?" Out of blue kong tanong. Bigla namang nanlaki mata niya.
"N-naiwan ko ata sa c-clinic"
"Hala! Kailangan kong makuha yun" agad akong tumayo at tinakbo yung clinic.
Pagkapasok ko, wala na yung dalawa. Hinanap ko yung necklace. Arghh! Louie naman! Ang daming maiiwanan, bat yun pa?
"Nakita mo na?" Tanong niya. Naghahanap din siya nung necklace. Pero nalibot na namin yung buong clinic, wala pa kaming nakita.
"S-sorry" sabi niya. Bat ba naman kasi nawala yun sa kamay niya? Hawak hawak nya yun diba?
"Hindi kaya nakuha nina Easton yun?" Biglang sabi ko.
"Tara" agad niya akong hinawakan sa braso at hinila palabas. Nasan na kaya yung dalawang yun?
Pero hindi namin sila makita. San naman yun pupunta? Nagcutting kaya sila?
"Rooftop" sabi niya. Agad naming inakyat ang rooftop. At nakita namin yung dalawa. Ano kayang ginagawa nila dito?
Sinilip namin nang maigi. Kitang kita ko yung nakakunot na noo ni Easton. Galit sya?
Sabagay, nagsinungaling si sapphire sa kuya niya ehh. Nagulat ako nang ipakita ni easton yung necklace ko. Nasa kanya pala!
Bubuksan ko na sana yung pinto nang pigilan ako ni louie.
"Wait ka lang dyan" agad niyang binuksan yung pinto nang dahan dahan. Naiwan naman ako sa labas.
Naghintay ako nang ilang minuto. Ang tagal naman nun. Ano na kayang ginagawa nung lalaking yun?
Nagulat nalang ako nang bumukas ang pinto at iniluwa si Sapphire. Pawis na pawis siya. Nagulat pa siya nung makita niya ako.
"Panira ka talaga eh noh?" Sabi niya. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Bigla nalang siyang lumapit sakin.
"Pero...sino ka ba talaga?" Nang makalapit na siya, biglang bumukas yung pinto at bumungad yung dalawa. Whooo! Saved by them hahahahaha.
"Ano nanaman yan Sapphire!" Sabi ni easton.
"Wala lang. Nagsorry lang naman ako sa kanya. Right Sammie?" Sabi niya. Plastic naman neto.
"Louie! Nasan na yung necklace?" Binigay na niya sa akin yung necklace ko. Haaayst! Sira nga pala to.
Nagulat ako nang kunin ni Easton yun.
"Akin na muna. Ipapaayos ko to. Okay lang ba?" Tumango nalang ako sa sinabi niya. Itinabi niya iyon sa wallet niya.
"Tara na kuya! Hindi na tayo nakapasok sa klase" sabi ni sapphire sabay hawak sa braso ni easton. Agad naman yung itinanggal ni easton.
"Pumunta ka dun mag isa mo. Hindi pa tayo tapos. Mag usap tayo sa bahay" galit na sabi ni easton. Biglang umalis si easton.
Naiwan kaming tatlo dito.
"Tara na Sammie! Hatid na kita sa classroom mo" sabi ni louie.
"Ako din sama!" Singit ni Sapphire. Panira naman to.
"Manigas ka dyan" sigaw ni louie. Muntik na akong matawa nang makita ko yung mukha niya. Buti nga!
Agad kaming tumakbo hanggang makarating kami sa elevator.
"Wait!" Nakita ko si sapphire na papalapit na sa elevetor. Mabuti nalang, nasara agad namin yung elevator hahahahaha.
"Hahahahahahahaha!!!" Tawa namin ni louie.
Napatigil naman kami dahil sa sobrang ingay namin.
A moment of silence...
"Uhmmm..." nag iisip ako ng masasabi. Ano bang magandang topic?
"May gusto sayo si Lyle"
"ANOO?!" Nasabi ko nlang. Nakakagulat nman kasi tong lalaking to.
"At hindi ko hahayaang makapasok siya sa teritoryo ko" nang sinabi nya yun, bumukas na ang elevator at umalis na sya.
Habang ako ay naiwan sa loob. Anong sinabi niya?
Easton POV
Nang mapaayos ko na yung necklace niya, hindi ko maiwasang magduda dito.
Parehong pareho talaga ng akin to. Kaso nawala yung akin.
Tinabi ko na siya sa bulsa ko at bumalik sa klase.
Bigla akong may nakabangga at nagulat ako kung sino yun.
"Long time no see" nakangisi kong sabi. Nakakunot lang noo niya
"Kamusta ang buhay gangster? Hindi ako makapaghintay na wala ka sa mundong ito" sabi niya.
Naaalala ko pa yung huli ko siyang nakita nun.
"Oo nga eh. Gusto ko na sanang isunod na kita sa kuya mo-" bigla niya akong kinuwelyuhan nang ikinangisi ko.
"Akala mo ba magpapatalo ako? Pwes, ipaghihiganti ko siya. Kapag buhay ang nawala, buhay din ang kapalit" binitawan niya ang kwelyo ko nang makarinig kami ng boses ng isang babae.
"Kian? Easton?" Si sammie. Nakita niya kaya yun?
"Sammie, nga pala, oh naayos ko na" sabi ko sabay bigay nung necklace.
"Salamat. Hindi pa kayo papasok sa klase?" Tanong niya sabay tingin sa relo niya.
"Hindi na. Late na din ako" sagot ni kian.
"O-kay? Sige alis na ako" paalis na sana siya nang hablutin ko ang kamay niya at kinaladkad palabas
"Hoy! Anong gagawin mo?" Pinasok ko siya sa kotse ko at umalis na sa school. Mabuti walang guard kaya nakalabas kami agad.
***
"Bahay niyo to?" Tanong niya. Tumango ako habang kumakatok sa pinto. Bumukas ang pinto at bumungad si mama.
"Oh! Akala ko may pasok kayo?" Sabi ni mama. Pinapasok niya kami sa loob.
"Sammie, pahiram nga saglit nung necklace" sabi ko. Nakakunot ang noo niya at binigay yung necklace. Agad akong pumunta ng kusina kung saan nandoon si mama.
"Mama, mag usap nga tayo. Importante to" sabi ko at agad kaming pumunta sa terrace kung saan malayo kay sammie.
"Anong pag uusapan?" Sabi niya. Agad kong binigay sa kanya yung necklace nang ikinagulat niya.
"Magsabi ka nga ng totoo. Si sapphire ba talaga yang kasama mo?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"Ha? Oo naman anak!" Sabi niya. Liar.
"Kung ganun, yang necklace na yan ay kay sammie. Hindi yan kay sapphire" sabi ko.
"Ha? P-paanong-"
"Wag ka nang magsinungaling mama. Alam ko kung sino si sapphire. Ibang iba ang nakikita kong sapphire dun sa babaeng yun" sabi ko
Biglang may kumawalang luha sa mata niya.
"Tama ka anak. Hindi siya si Sapphire. Ayokong makita kang malungkot. Namatay sila sa Plane crash. Tumama sa dagat yung eroplanong sinasakyan nila. Hindi pa matagpuan yung katawan ni sapphire" sabi niya.
Sabi na. Hindi siya si Sapphire.
Posible bang si Sammie si Sapphire?
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎
