Chapter 18 : To the rescue
Sammie POV
"Yes! Nakalima na ako!" Sabi ko habang pinapagpag ko yung nakuha kong box. Ang alikabok kasi eh
Grabe nga lang, nakakalima pa lang ako pero nakakatatlong oras na ata kami dito sa taas. Nakakapagod din kaya maghanap!
Wala pa naman kaming naririnig na bell na sign na may nauna na sa amin kaya may pag asa pa kami.
Maya maya ay may humawak sa bewang ko nang ikinagulat ko.
"WAAAAAAAHHH!!! Multo!" Sigaw ko at pinaghampas ko siya ng flashlight kong dala.
"Aray ko babe! Ang sakit" napatigil ako dahil sa sinabi niya tsaka nawalan ng ilaw yung flashlight ko!
"Anong babe? Excuse me po wala po akong boyfriend!" Sabi ko.
"Huh? Hindi ka ba si chesca?"
"FYI, ako si Sammie hindi si Chesca!" Sigaw ko. Paanl na to? Nasira na flashlight ko.
Umalis na ata yung lalaki na yun. Nakakaatake naman siya sa puso!
"HOY! MAY TAO PA BA DYAN? SAGOT SAGOT DIN PAG MAY TIME" sigaw ko. Kailangan ko kasi ng tulong.
Pero yung pinasukan ko kasi ngayon ay walang katao tao. Wala nga akong nakikitang flashlight sa paligid ehh.
Naglakad nalang ako kahit madilim at kinakapa ko yung dinadaanan ko. Yung parang bulag lang.
Pero nagulat nalang ako nang wala na akong maapakan kaya nahulog ako kung nasaan man ako.
"WAAAAAAAHHHHH!!!!!" everything went black.
Louie POV
"Nakatatlo na ako yes!" Sabi ko sa sarili ko.
"Yes! Nakaapat na ako!" Rinig kong sabi ni Kian. Tss yabang naman neto. Nagtataka nga ako kung bakit kasali pa rin siya dito eh nagawa na naman niya to.
Maya maya ay nakarinig ako ng sigaw. Sino kaya yun?
"Narinig niyo yun?" Biglang sabi ni kian.
"Baka naman galing sa baba. Mamaya na muna yan! Malapit na nating mahanap ang lahat" sabi ni Xander.
Hindi ko nalang din pinansin at naghanap pa.
Maya maya ay naisip ko si Sammie. Nasan na kaya yung babaeng yun? Nakailan na kaya siya?
"Nasan na kaya si Jake?" Rinig kong sabi ni Chesca, classmate ko.
"Babe! Nandito ako" nakarinig ako ng boses ng lalaki. Ito ata yung Jake.
Hindi ko nalang muna pinansin at naghanap pa.
Maya maya ay nagulat ako nang sumigaw si Xander.
"GUYS! ILAN NA BA YUNG NAHANAP NIYO?!!" sigaw niya pero may narinig pa akong sigaw kasabay ng sigaw niya. Weird.
"Isa palang nahahanap ko" sagot nung jake.
"Dalawa sa akin!" Sabay na sabi ni chesca at ni xander.
"Tatlo sa akin" sabay na sabi namin nung pinsan ni Xander.
"Woah! Apat akin. Mas marami akong nakuha sa inyo hahaha" sabi ni kian.
"Si sammie kaya?" Tanong ni Xander. Oo nga noh! Hindi ko pa nga nakakausap yun simula nung nagsimula kami nito.
"Nasan ba si sammie?" Tanong ni Kian.
"Teka, nakita ko yung babaeng yun sa may pinakadulong kwarto dito. Napagkamalan ko kasi syang si chesca" sabi ni jake.

BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎