Chapter 15

1.7K 71 4
                                    

Chapter 15 : Camping

Sammie POV

"Woah! Is that you?" Tanong sa akin ng mga kaklase ko. Oo as in yung mga kaklase ko talaga doon sa classroom namin. Pinansin nila ako nang hindi nanghihiram ng assignments.

Sinuot ko kasi yung binili sa akin ni Louie. Pero hindi ko sinuot yung mga dress ha! Meron naman kasi siyang biniling pants at t shirts kaya okay.

"Looking good sammie" sabi nung isa kong kaklase. Ngumiti nalang ako at uupo na sana ako nang magsalita si Julia.

"Nagpaganda ka pa eh parang wala din namang nangyari" sabi niya sabay irap. Nginitian ko nalang siya. Naaalala ko tuloy yung ginawa niya dun sa captain ng Black Soul University.

Nang makaupo na ako, may kumatok sa pintuan. Binuksan yun nung lalaki kong kaklase at bumungad sa akin si-

"WAAAAAHHH!!! SI PAPA LOUIE OH!" Sigaw ng bakla kong kaklase.

"WE LOVE YOU PRINCE LOUIE!"

"OMG! Hinahanap mo ba ako? Im free naman eh hihihihi"

"Shut up girls! Ako ang hinahanap niya so excuse me" sabi ni Julia at tatayo na sana siya nang magsalita si louie.

"May I excuse Sammie?" Sabi niya at lumingon sa akin. Lahat din ay napalingon papunta sa akin.

A moment of silence....

"A-ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko. Pambasag lang ng katahimikang nagaganap.

"Malamang! Meron pa bang sammie dito sa loob?" Sabi niya.

"PAPA LOUIE! AKO DIN SI SAMMIE!"

"PRINCE LOUIE! YANNIE NAME KO HINDI SAMMIE! BAKA MALI KA LANG NG SINABI"

"Tatahimik kayo o bibigyan ko kayo ng negative record?" Nagsitahimik naman ang lahat.

Tumayo na ako at lumabas ng classroom.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya sa akin.

"Mabuti naman at sinuot mo yan" sabi niya.

"Salamat nga pala ulit. Pero yun lang ba sasabihin mo? Babalik na kasi ak-"

"I need you" bigla namang nanlaki mata ko sa sinabi niya. Anu daw?

"I mean, kailangan ko ng tulong mo. Kailangan ko ng kapartner galing sa ibang section. Ikaw lang naman ang kilala ko dito" sabi niya. Akala ko kung ano na.

"Hindi mo ba kilala si Julia? Si Kian?"

"Kaklase ko si Kian. Ayaw ko kay Julia. Baka hindi pa ako makaconcentrate dun sa babaeng yun. So please be my partner!" Sabi niya sabay luhod na ikinalaki ng mata ko.

"O-oy! T-tumayo ka nga d-dyan" sabi ko at pilit na pinapatayo. Ayoko pa man din ang mga taong lumuluhod sa harap ko.

"Tatayo lang ako kapag pumayag ka" aish! No choice.

"Oo na! Tumayo ka na dyan!" Tumayo na siya at ngumiti. Bigla siyang pumasok sa loob ng classroom ko. Nakarinig ako ng ingay sa loob at lumabas na din siya.

Teka, bat dala niya bag ko?

"Tara na!" Sabi niya sabay higit sa akin.

"Hoy bat kailangan dala bag ko?" Tanong ko. Pero hindi lang niya ako pinansin hanggang sa makarating na kami dun sa classroom nila.

Pumasok siya sa loob at hila pa din niya ako.

"Woah! Sino siya? Ganda ah!" Rinig kong sabi nung mga lalaki pagkapasok ko. Nakita ko si Kian na nakangiti sa akin. Pero bat wala siyang kapartner?

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon