Chapter 6

1.7K 76 3
                                        

Chapter 6 : Girls Basketball

Louie POV

"Oyt! Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Lilie.

"Ano sa tingin mo?" Nilagay ko yung yelo sa may ulo ko.

Nasa clinic kami ngayon dahil sa ginawa ni Sammie sa akin. Ang lakas ng tama ng babaeng to.

"Bat ba naman kasi binato mo sa kanya yung bola?"

"Walang basagan ng trip" sabi ko.

"Bahala ka na nga dyan" tumayo na siya at lumabas ng clinic.

***

"Good morning class" rinig kong sabi ng prof namin.

"Mr. Scott!!!" Sigaw niya.

"Uy pres" tinapik ako ni Zeus. Psh! Tumayo na ako. Nakaupo kasi ako kaya sinigawan ako ni prof.

"Dont let your classmates do what youre doing. President ka pa man din" sabi niya. Haaaayy! Ilang beses na ba niyang sinabi sa akin yan? Sa sobrang dami na ay hindi ko na mabilang.

Umupo na kaming lahat.

"Class, ngayon na ang opening ng clubs. Wala tayong klase ngayon pero kailangan niyo nang mamili ng clubs niyo. Pwede na kayong lumabas para mamili ng clubs" sabi niya.

Nagsilabasan na yung iba pero ako ay nakaupo pa din.

"Pres! Hindi ka ba lalabas?" Tanong ni zeus sa akin.

"Nakakatamad. Isulat mo nalang ako sa basketball club" sabi ko. Alam ko kasing sa basketball siya kaya nagpasulat nalang ako.

Lumabas na siya kaya tumayo na ako at lumabas. Nagugutom ako.

Pumunta ako sa canteen. Ayos! Walang katao tao. Hindi na ako pipila.

Bumili lang ako ng chocolate cake at isang milkshake. Huwag na kayong magtaka na ganito kasosyal ng mga pagkain dito.

Habang kumakain ay nakita ko si Sammie na may dalang uniform ng basketball.

Teka, basketball? Siya maglalaro ng basketball? Sa weak niyang yan?

Alam kong may basketball para sa babae pero ang nakakapagtaka ay kung bakit siya nakasali eh may try out kaya kapag bago ka lang. Nakapasa siya?

Agad kong inubos yung kinakain ko at sinundan siya.

Sammie POV

Nang inannounce ng prof namin na ngayon ang opening ng club, agad agad akong lumabas.

Ano kayang mapili? Cooking club kaya?

Pero nakakasawa kasi ehh. Simula nung dumating ako dito sa Blue East, yun na yung club ko. Para maiba naman.

Dance club? Hindi ako magaling sumayaw.

Art Club? Tinatamad akong magdrawing.

Drama Club? Hindi ako magaling umacting.

Singing Club? Panget akong kumanta.

Maya maya ay napatigil ako sa may gym at nakakita ng tarpaulin ng

GIRLS BASKETBALL!!!

Waaaahhh! Meron palang ganun? Bat hindi ko alam?

Agad agad akong pumasok sa loob ng gym.

Nakita ko doon si Julia at ang mga alipores niya.

Napansin niya ata ako kaya nanlaki mata niya.

"What the? Ikaw sasali dito? Baka nga sa try outs palang mapagod ka na hahahaha" sabi niya.

"For your information, Ako kaya ang pinakamagaling sa basketball ng girls. Ako ang captain dito at tsaka sa cheering squad" dagdag niya. Yabang naman neto.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon