Chapter 4

2.1K 86 3
                                    

Chapter 4 : Pretty

Sammie POV

Pagkaubos ko nung soup ay tatayo na sana ako nang magsalita ang mama ni Louie.

"Oh! Saan ka pupunta?"

"Ah eh kasi huhugasan ko po tong pinagkainan ko. Nakakahiya naman sa inyo eh ako ang nakikain dito. Tsaka hindi ko pa nga po close si Louie eh! Kanina ko lang po yan nakilala" paliwanag ko sa kanila. Kailangan ko nang makauwi kasi baka naghihintay doon ang cute na suki ko.

"Huwag na! May mga maids naman kami dito. Tsaka dito ka nalang matulog! Pleeaaseee?" Nanlaki mata ko nang lumuhod siya. Grabe! Kanino nagmana si Louie? Bat ganito ang pamilya niya? Ang childish nila tapos si louie mukhang tatanda agad ng di oras!

"P-per-"

"No buts! Tatawagan nalang namin magulang mo para magpaalam. Anong number ng mama mo?" Tanong ni Lilie sa akin. Kilala ko na nga pala sila dahil sa pagkwentuhan namin.

"Kasi mag isa nalang ako. Wala na sila" malungkot kong sabi.

"S-sorry hindi ko sinasadya" sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Okay lang. Tanggap ko na naman na kinukuha na sila ni Lord dahil oras na nila" sabi ko.

"So...dito ka nalang matulog tapos bukas ka nalang bumalik sa bahay mo" sabi ng mama ni louie. Yung papa naman ni louie ay nakangiti. Bumuntong hininga ako at tumango.

"Yehey! Matutulog dito ang future sister-in-law ko!" Nanlaki pareho mata namin ni louie sa sinabi ni Lilie.

"Lilie!!" Biglang tumakbo palabas si lilie pero bago pa siya lumabas ay dumila pa siya hahaha.

"Hep hep hep! Huwag mong awayin si lilie! Kararating lang niya dito. May jetlag pa ata yan baka mastress" awat ng papa niya.

"JETLAG?!! may jetlag pa ba yan sa lagay na yan?!! Papa, pinaglololoko mo ba ako?" Sabi ni louie.

"Hindi. Sige matutulog na ako. Inaantok na ako" sabi niya at umalis na ng kwarto.

"Aish! Makalabas na nga din! Nakakabadtrip" sabi niya at sinara nang padabog yung pinto. Natira nalang kami ng mama ni louie dito.

This is awkward.

"Bianca..." nanlaki mata ko nang tawagin niya akong bianca. Naaalala ko nanaman ang mga masasayang araw ko noong kami pa ni louie na ex ko.

"P-po?"

"Baguhin mo si Louie ko. Base kasi sa mga kinikilos niya kanina, ngayon ko lang ulit siya nakitang ganun. At pakiramdam ko na gawa mo yun" anong pinagsasabi niya? Ako daw? As if naman na ako yun. Kanina ko lang siya nakilala.

"N-naku, hindi po ata ako yun. Kanina ko lang po siya nakilala maniwala kayo o hindi" depensa ko.

"Maniwala ka o hindi, palaging nakangiti si Louie ko at mahinhin siya. Siya ang pinakamakulit dito sa bahay na to"

Anu daw? Siya mahinhin? Kung makipagbugbugan nga yan kanina eh parang makakapatay na ng tao.

"Eh? Bakit po ba siya nagbago?" Curious kong tanong.

"Kasi-" biglang bumukas ang pinto at bumungad ang nakakunot na noo ni Louie.

"Nandito ka pa din mama? Masyado ka nang napapalapit dyan sa babaeng yan. Kanina ko lang yan nakilala kaya huwag masyadong magtiwala" sabi niya sabay tingin ng masama sa akin.

Sabagay may point siya. Yan din sinabi ng mama at papa ko nun. Malay natin, masabi ko sa iba ang mga pinagsasabi ng mama ni louie. Ako na nagsabi. Kaya nga nahihiya ako sa kanila dahil kung makaasta sila sa akin ay parang parte na din ng pamilya.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon