Chapter 1

3.6K 103 41
                                    

Chapter 1 : Wrong Send

Sammie POV

"Ate pabili ng limang choco crinkles!" Sabi ng bata sa akin habang nag aabot ng bente pesos.

Kumuha ako ng plastic at naglagay ng anim na choco crinkles at binigay sa kanya nang nakangiti. Sinuklian ko na din siya pagkatapos nun.

"Ate, anim po to oh!" Sabi niya. Grabe ang cute niya!

"Alam kong anim yan. Binigyan kita ng libreng isa dahil palagi kang nabili dito ng choco crinkles sa tindahan ko at tsaka ang cute mo!" Sabi ko.

"Talaga? Thank you ate! Promise ang sarap po nitong ginagawa niyo" sabi niya at tumawid na papuntang bahay niya. Nasa tapat lang kasi ang bahay niya.

Marami pang bumibili ng mga tinapay at kung ano ano pa. May sarili kasi akong bakeshop dito dahil sa ito ang aking hanapbuhay. Kahit ganun ay nag aaral pa din ako.

Minsan ay binibigyan ako ng tita ko ng pera pambayad sa kuryente para mabawasan ang pangangailangan ko. Pero gusto kong tumanggi kaso pinipilit niya ako.

Kaya nga ako nagkaroon ng bakeshop dahil sa kanya.

Kaya ang kinuha kong course ay Culinary Arts dahil sa mahilig akong magluto lalo na ang magbake ng tinapay.

By the way, Ako nga pala si Sammie Bianca Constantino. Nag aaral sa Blue East University. Pero ako ay isang scholar lang. Sa mahal ba naman ng tuition fee dun ay parang makakabili na ako ng bahay. Wala akong kasama dito sa bahay. Wala na kasi ang mga magulang ko.

Pero may isang tao lang naman ang palaging nandyan para sa akin. Dati dalawa pero ayokong pag usapan.

Siya si Georgette Garcia. Minsan ay tinatawag ko siyang GG pero bigla nalang siyang kumakanta ng kpop songs. Kaya George tawag ko sa kanya.

Nang malapit nang mag 9pm ay sinarado ko na yung bakeshop at umakyat sa kwarto ko para maglinis ng katawan dahil sa pawisan ako at pagkatapos ay umupo ako sa kama ko at kinuha ang isang tambak na assignments. Ganito ba talaga pag college? Daming assignments!

Mabuti nalang at mabilis ko lang matatapos yun dahil sa matalino ako. Hindi naman sa nagmamayabang pero kaya nga ako naging scholar sa isang pang mayamang school ay dahil sa matalino ako.

Kung naabutan sana ito ng mama at papa ay baka sobrang saya na nila at maging proud sa akin kasi wala ehh.

Nang matapos ko na ang lahat ay tinabi ko na ang lahat ng assignment ko at nahiga.

Pero bago matulog, binuksan ko ang bagong cellphone ko. Ngayon ko palang ito bubuksan dahil sa marami akong ginagawa. Regalo pa to sa akin ni George dahil sa mukhang laruan na daw yung cellphone ko sa sobrang liit at sira na ang mga keyboard nito.

Tinapon nga niya yung cellphone ko nung magbirthday ako. Pati sim card natapon din. Sayang naman.

Mabuti nalang kabisado ko pa ang lahat ng number ko dun sa cellphone.

Nilagay ko ang lahat ng number at nag isip kung sino pa ang hindi ko nalalagay.

"Ay! Oo nga pala si-" hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil nalulungkot nanaman ako. Bumuntong hininga ako habang nilalagay ang number ni Louie sa cellphone ko.

Siya yung sinasabi ko sa inyong dapat ay dalawa kanina. Louie is my ex boyfriend. Siya ang nakipaghiwalay sa akin pero mahal ko pa rin siya.

Palagi ko siya minemessage na magbati na kami kahit wala naman akong maalalang kasalanan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nakipaghiwalay. Basta basta nalang siyang nagsabi nun.

Message ako ng message eh hindi naman siya nagrereply. Halos lahat ng chatbox ko ay puro ako ang nagmemessage.

Pero kahit papaano ay dito ko nailalabas ang lahat ng galit ko. Parang diary ko na rin tong chatbox na ito.

Nagmessage na ako sa kanya.

To : Louie

Louie, si Sammie to. Bago na kasi cellphone ko ehh. Tinapon na ni George yung cellphone kong luma. Alam mo bang namimiss na kita kahit hiwalay na tayo. Bakit ka ba nakipaghiwalay sa akin? Wala naman akong ginawang masama sayo ah! Ilang beses ko na rin sayong tinatanong yan. Kailan ka ba magrereply?

Then send!

Sana naman binabasa manlang niya ang mga tinetext ko sa kanya.

Pinatay ko na yung cellphone ko at natulog na.

Louie POV

"Louie! Ipagluto mo naman ako oh!" Sabi ni mama sa akin pagkadating galing sa trabaho.

"Mom! How many times do I have to tell to you na I cant cook? Marami naman tayong maids dyan at magpaluto. Bat sa akin ka pa nagpapaluto?" Sabi ko sa kanya. Minsan ay nakokonsensya din ako sa mga sinasabi ko sa mama ko. Kasi naman paulit ulit niya akong sinasabihan niyan.

"Eh sa gusto ko ang tutong na luto mo ehh" sabi niya. Ang childish din ng mama ko eh. Tapos nilait pa ang unang luto kong pagkain sa kanya. Kaasar! Laking effort ko kayang ginawa yun.

"Ma, huwag mong laitin ang ginawa kong pagkain sayo dati. Ang laking effort din ang naubos ko dun" sabi ko sabay akyat papuntang kwarto ko.

Humiga na ako at kinuha ang cellphone ko.

By the way, Im Louie Isaac Scott. Im studying at Blue East University. Im the president in that school kaya ang dami ko laging gawain.

Minsan ay tinatamad akong pumasok dahil sa hirapan akong makapasok sa loob. Ang dami kasing nakaharang na babae sa dinadaanan ko. Mahigit kalahating oras akong nakakarating ng classroom.

Palagi pa nila akong sinusundan hanggang sa mag uwian. Nakakastress na nga ang pagiging president tapos dadagdag pa sila.

Hindi ko namalayan na biglang nagvibrate ang cellphone na hawak hawak ko kaya tinignan ko kung sino.

Fr : Unknown Number

Louie, si Sammie to. Bago na kasi cellphone ko ehh. Tinapon na ni George yung cellphone kong luma. Alam mo bang namimiss na kita kahit hiwalay na tayo. Bakit ka ba nakipaghiwalay sa akin? Wala naman akong ginawang masama sayo ah! Ilang beses ko na rin sayong tinatanong yan. Kailan ka ba magrereply?

Kunot noo kong binasa yung message. Sino ba tong babaeng to? Wala naman akong kilalang Sammie eh. FC masyado to ah! Paano niya nalaman pangalan ko? Sabagay sikat ako sa school. Pero anu daw? Nakipaghiwalay daw ako sa kanya? Kailan ba naging kami nito? Eh hindi pa nga ako nagkakagirlfriend eh! Baliw ata tong babaeng to. Hindi ko na siya nireplyan dahil sa tinatamad ako. Pake ko ba sa kanya?

Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon