Chapter 37

1.4K 50 14
                                    

Chapter 37 : Ice Cream

Louie POV

Nakalipas na ang isang linggo, bakasyon na. Andami na ding nagbago.

Si Lilie, sabi niya, magsstay na daw siya sa Pilipinas.

"Kuya! Punta tayo kay Sammie" sa ngayon, hinahatak ako ni Lilie palabas. Nagpahatak nalang ako.

"Hi twins!" Nagulat ako dahil nandito sina Third, Lyle at si Ethan. Ginagawa nila dito?

"Aayain ko sana kayong pumunta sa bahay ni East. Birthday nila ngayon" nanlaki namaa mata ko at napatingin sa calendar sa cp ko.

Akala ko bukas pa! Stupid me.

Oo, magkasabay sila ng birthday. Hindi naman sila kambal katulad namin ni Lilie pero sabay talaga sila. Coincidence lang. Daebak!

"Omo! Wala pa akong regalo kay Sammie!" Sabi ni Lilie.

"Hay nako Louie. Birthday ng Girlfriend mo, di mo alam? Tsk. Buti pa ako, alam ko. Mas karapat dapat ako para kay Sammie-hehe nanjojoke lang eh" sinamaan ko ng tingin si Lyle.

Yep, girlfriend ko na siya. Ayoko nang ikwento kung paano ang nangyari. Ang corny kasi.

"Paano na yan? Ngayon ka palang bibili ng regalo? Hinihintay na nila kayo" sabi ni Ethan.

"Hindi na. May regalo na ako sa kanya" sabi ko. I have a plan.

Lilie POV

Sinabi ni kuya yung plano habang bumabyahe kami. Geez, ang ganda ng plano niya! Im excited!

Pinapunta ko din si Lauren sa party. Kailangan kasi siya sa plano namin hehe.

Nang makarating na kami, bumaba na kami. Nakarinig na ako ng ingay sa loob. Nagsisimula na.

Nang makapasok na kami sa loob, nakita ko si Crush! Omo, ang gwapo niya! Kahit casual lang ang suot niya, ang cool ng dating niya.

"Huy, baka matunaw" inirapan ko si Lyle. Panira to.

"Happy Birthday!" Sabay sabay naming sabi. Nagpasalamat naman siya at nakita ko naman si Sammie na papalapit samin. Binati din namin siya at nagpasalamat din siya.

Kumain na muna kami. Andami nilang handa! May nakikita pa akong ibang tao. Siguro mga relatives nila to.

Nang makatapos na kami, pinuntahan ko si Lauren.

"Lauren, gawin na natin plano natin" tumango na siya at nilapitan namin si Sammie.

"Sammie! Itour mo nga kami sa kwarto mo. I bet, ang ganda ng kwarto mo. Alam mo naman ako, mahilig akong magtingin ng rooms" sabi ni Lauren.

"Sige ba! Tara sundan niyo ko" sinundan namin si Sammie paakyat hanggang sa makarating na kami sa kwarto niya. Binuksan niya yung pinto at wow!

Black and white yung theme ng kwarto niya. May flatscreen TV sa harap tas may mga vodeo games tas yung kama niya, pure white tas anlaki pa. Ang laki din ng walk in closet niya! Room goals!

"Ang gandaaaa" sabi ni Lauren at nagtitingin na kami dun. Biglang nagvibrate yung cp ko. Binasa ko yung message.

Fr : Kuya

Good. Magtetext nalang ako kapag tapos na.

Tinabi ko na yung cp ko at nakipagkwentuhan sa kanya. Kinwento niya samin kung paano naging sila at sumakit ang tiyan ko kakatawa!

"The heck?! That was epic and corny! Hahaha" natawa na din si Lauren.

"Oo nga eh. Pero I found it cute" may point si Sammie. Ang cute ng nangyari sa kanila. Ganito kasi ang nangyari.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon