Chapter 24 : Necklace
Sammie POV
Nandito na kami sa airport. Hinihintay namin sina Sapphire at ang mama niya.
"EAST!!!!" Biglang lumapit ang ksang babaeng hindi katandaan. Siguro 30s ang age niya.
"Mama! Namiss kita" masayang sabi ni easton. Nagyakapan sila. Nakakainggit tuloy.
"KUYA!!!!" may lumapit namang isang magandang babae. Si sapphire ata to. Nagyakakpan din sila.
"Namiss kita kuya!" Sabi niya at bumitaw na.
"Nga pala, si sammie, kaibigan ko po" sabi ni easton.
"Hello po!" Nakangiti kong sabi. Nginitian ako ng mama niya pero si Sapphire inirapan ako. Aba masungit.
"Tara kain muna tayo" sabi ni tita. Tita nalang itatawag ko, masyadong mahaba ang mama nila easton.
"Mom, pwede bang kumain with family lang?" Sabi ni sapphire.
"Uhmm, uuwi nalang po ako" sabi ko sa kanila.
"No! Sasama ka sa amin" sabi ni tita.
"But mom-"
"No buts! Sasama siya whether you like it or not"
"Saan tayo kakain?"
"Mcdo!"
"Jollibee!"
"Jollibee? Diba dati paborito mo Mcdo?" Sabi ni easton.
"Ehh kasi nakakasawa na mcdo. Tsaka para maiba naman" sabi niya.
"Para walang away, si Sammie mamimili" nagulat naman ako sa sinabi ni tita.
"Po? Pero-"
"No buts! Just choose"
"Sa Mcdo po" nahihiya kong sabi. Paborito ko kasi sa Mcdo.
"Okay! Sa mcdo tayo" sabi ni easton at hinigit niya ako papuntang mcdo.
***
"Mama, bat hindi kayo nagsabing pupunta kayo dito?"
"We just wanted to surprise you kuya" sagot ni sapphire. Tss, si tita tinatanong hindi siya. Nabibitter tuloy ako sa kanya.
"CR lang ako" tatayo na si tita nang tumayo din si sapphire.
"Sama ako" at umalis na sila.
Naiwan kami dito ni Easton.
"Masaya ka na?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.
"Pero hindi ko maiwasang magtaka kay Sapphire. Ibang iba kasi sya ngayon. Namiss ko tuloy ang dating sya"
"Huwag kang mag alala! Masasanay ka rin" sabi ko.
"Wait lang ha, CR lang din ako" tumayo na ako at pumuntang CR.
Malapit na ako sa may CR nang marinig kong nag uusap yung dalawa.
"S-sorry po" rinig kong sabi ni Sapphire.
"Next time ayusin mo okay?" Ano kayang nangyari?
Pumasok na ako sa loob pero mukhang nagulat ata sila.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong ni tita.
"Kararating ko lang po" sabi ko at naghugas ng kamay.
Pagkalabas ko ay sumabay na din sila sa akin.
"Mom! Alam niyo......." nagsimulang magkwento si Sapphire.
"Sammie, nice to meet you nga pala" sabi ni tita.
"Uhm salamat po pala sa pagkain" sabi ko.
"Oo nga pala! Sabi po sa akin ni Georgette, kung okay lang po ba kayo" sabi ko.
"Georgette? Oh! That kid. Napakabuting bata nun. Tell her we're okay" sabi niya.
"Mom! Are you listening?" Singit ni sapphire. Oo nga pala nagkekwento siya. Buti nga.
"Ano ba sabi mo?"
"Youre not listening. I said gusto ko nang umuwi. May jetlag kasi ako"
"O sige. Ikaw sammie, pahatid ka na kay easton"
"Mom, gusto kong makasama si kuya"
"Shut up sapphire! Im not talking to you. Tsaka sabi mo may jetlag ka. Magpahinga ka."
"Okay lang po. Magcocommut-"
"Baliw ka talaga. Paano ka magcocommute eh wala ka namang pera? Diba nga nagcacamping kayo?" BIglang sumingit si easton. Nandito na pala kami.
"Oo nga pala noh? Nakalimutan ko" sabi ko sabay tungo.
"Easton, ihatid mo na siya"
"But mom!"
"Sige mama, uwi na din kayo. Ikaw sapphire, magpahinga ka. May jetlag ka" sabi ni easton. Umalis na kami.
Nang makarating na kami sa may kotse, tumigil siya.
"O bakit-"
"Salamat"
"Ok lang noh! Dapat maging masaya ka kasi nandyan na sila. Hindi ka na mag iisa"
"Tara na" sumakay na kami sa kotse at umalis na.
***
Lumipas ang apat na araw na puro activities. At sobrang nakakapagod yun.
Kaya ngayong araw na ito. Rest day namin. Bukas nang madaling araw din kami aalis na sa resort. Mamimiss ko tong resort nina third.
Sa ngayon, inaayos ko na ang mga gamit ko para mamaya wala na akong aayusin pa. Sobrang puno nga ng dala kong bag dahil sa mga damit ko.
Nagulat nalang ako nang masira yung zipper nito. Aish! Ano bayan. Paano ko to ilalagay ng maayos?
Nilabas ko na ulit lahat ng gamit ko at inayos yung zipper. Sabagay kasi kay mama ko pa tong bag na to. Binigay niya lang sa akin kasi pangbata yung bag ko. Power puff girls pa nga yun.
Habang inaayos ko yung zipper, may naaninag akong makintab na bagay sa loob nito. Kinuha ko yun at niluwa ang isang napakagandang necklace.
Woah! Kanino to? Kay mama kaya? Pero may pendant na letter S ehh. Akin kaya to?
Ang kintab talaga niya as in! Parang totoo yung pagka silver niya. As if namang makakabili si mama ng totoong alahas. Isang linggong ulam nga hindi kami makabili.
Bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa si Lauren. Nginitian ko lang siya pero nakatutok lang siya doon sa necklace.
"Wow! Kanino yan? Ganda ah!" Sabi niya sabay lapit sa akin. Binigay ko sa kanya yung necklace para makita pa niya nang mabuti.
"Wow naman! White gold to ah! San mo to nabili? Ang mahal kaya nitong necklace na to. Totoo to ehh"
"Eh? White gold? Totoo? Paano makakabili niyan si mama eh ang mahal mahal kaya ng mamahaling alahas" sabi ko.
"Pero totoo talaga tong necklace na to. Nakakita na ako ng ganito eh. Mga 6500 pesos ang halaga nun" napanganga naman ako nun.
"Baka naman hindi to totoo. Hindi makakabili ng ganito si mama noh"
"Haaaayssst!!! Para walang away, ipapakita ko to kay kuya" sabi niya. Tumayo siya at lumabas.
***
"See, i told ya! Its real" sabi niya sabay bigay sa akin nung necklace.
"San kaya to nabili ni mama?" Tanong ko.
"Baka naman may nagbigay sa kanya nyan"
"Sabagay may point ka" sabi ko.
"Try mong suotin"
"Naku! Huwag na lang. Baka mawala pa to. Mahal pa naman nito" sabi ko.
"Trust me. Hindi yan mawawala. Daliiiii suot mo. Babagay yan sayo" sabi niya. Bumuntong hininga ako at isinuot ko.
"Ay! Bagay tlaga" sabi niya. Hinawakan ko yung letter S na pendant.
Akin kaya to?
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
عاطفية𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎
