Chapter 7

1.7K 74 2
                                    

Chapter 7 : Louie Bryan

Louie POV

Fr : Sammie

Louie, alam mo ba na nakasali ako sa isang Girls Basketball? Alam mo bang mas natuwa ako dahil sa natalo ko si Julia na captain dun? Ako ang pinakamataas na puntos sa try outs! Sayang lang dahil hindi mo ko nakitang maglaro. Parang ikaw lang na magaling din sa Basketball. Idol kita eh!

Yan ang nareceive kong message. Pinalitan ko na yung unknown number na pangalan niya. Pinuntahan ko siya sa may Gym.

Habang naglalakad ay napaisip ako. Bakit nga ba akong gumaganti sa kanya? Dahil ba dun sa pagsuntok niya sa akin?

Bahala na nga! Basta kailangan ko lang gumanti sa kanya. Nang makarating na ako sa gym ay nakita kong nakapila na sila.

Nakita ko si Sammie na nakasuot ng black uniform samantalang yung iba ay blue. Baligtaran kasi ang uniform namin kaya pwede kahit ano.

Nakita ko sa blue team yung babaeng nakakairita. Sino nga ba yun? Basta siya yung malakas boses nung naglaro kami ng basketball. Siya yung cheerleader nun.

Umupo ako sa may bleachers at pinanood sila. Nagsisimula palang naman. Nagshoshooting palang sila. Nang makita kong magshoshoot na si sammie ay nakashoot siya. Magaling to ah.

Nang magsisimula na ay may tumabi sa akin.

Nakita ko ang nakangising si Kian. Kumunot noo ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang manood dito? As if naman!" Sabi niya. Nagsukatan lang kami ng titig.

Sammie POV

Nang magsisimula na ay narinig ko ang mga bumungan ng blue team.

"OMG! Tignan niyo si Louie at Kian oh! Talagang nanood sila para sa akin hihihi"

"Shut up! Hindi sila pumunta dito para sayo. Sa akin nga siya nakatingin oh!"

"Hindi naman ehh! Pero bakit sila magkatabi? Diba magkaaway yang dalawang yan?"

"Ang swerte ko naman! Nagpunta pa sila dito para sa akin! Kinikilig ako!"

Tinignan ko yung tinitignan nila sa may bleachers at nakita sila Louie at Kian. Nakatingin sila sa akin at kumaway pareho.

Huh? Anong pinagsasabi ng mga babaeng to? Nakatingin daw sila sa kanila eh nakatingin nga yung dalawa sa akin eh. Kinawayan ko sila at ngumiti.

Nilingon ko yung mga blue team at ang sasama ng tingin nila sa akin. Anong ginawa ko?

Nang magsisimula na ay nagpwesto na kami.

Ako yung papalo ng bola tsaka si Julia.

Nakatingin lang siya sa akin ng masama.

"Sisiguraduhin ko na mananalo ang Blue Team. Nandito kasi ang captain ng basketball eh! Goodluck nalang sa inyo kung mangyari yun haha" hindi ko nalang siya pinansin. Nang hinagis na ng referee yung bola ay kaagad akong tumalon katulad ng ginawa kong pagtalon nung kinuha ni Kian yung papel ko.

Naabot ko siya kaya naipasa ko na sa kamember ko.

Pasa dito, pasa doon.

Bigla nilang pinasa sa akin kaya shinoot ko na yung bola kahit nasa malayo ako.

Shoot!

"Constantino, Three points!"

Nakipag apir sa akin yung mga members ko.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon