Epilogue
After 8 years...
Sammie POV
"Ako nga kasi sabi eh!"
"Ako na nga!"
"Ang kulit! Sinabi nang ako na eh"
Lumapit ako kela Lilie at Lyle.
"Jusmiyo, pwede niyo naman sunduin si chloe nang sabay eh" sabi ko sa kanila. Kanina pa nila pinagtatalunan kung sino ang susundo kay Chloe sa school.
"Oo nga noh. Tara na Lilie" sabi ni Lyle at hinatak na si Lilie palabas ng bahay. Baliw talaga tong mag asawa na to. Kakakasal lang nila last year eh hahaha.
Haaaayst! Nakakamiss na si Louie. Dalawang taon ko na siyang hindi nakikita. Pumunta kasi siya ng America dahil pinapunta siya dun ng papa niya.
Pero lagi naman siyang tunatawag at nagsskype kami kaya nagkikita pa rin kami.
Tinatanong ko sa kanya kung kailan siya uuwi dito tapos sinasabi lang niya na malapit na. Haaaysss.
Maya maya ay nakarinig ako ng busina. Lumabas ako ng bahay at bumungad sakin ang dalawang bata.
"Tita Sammie!" Lumapit sakin sina Ellie at si Lester at iyakao ako pareho. Nakita kong bumaba sa kotse si Lauren at lumapit na yung dalawa sa kanya.
Kambal sina Lester at Ellie. Ang swerte lang nila Lauren at Easton.
"Nandyan na si Chloe?" Tanong ni Lauren. Umiling ako.
"Sinusundo pa nung dalawa" sabi ko at nilapitan si Ellie. Ang ganda ni Ellie! Namana sa kagandahan ng nanay niya. Kainggit lang.
"Tita, nasaan po si Ate Chloe? Maglalaro po sana kami ng dollhouse eh" sabi ni Ellie habang hawak hawak niya ang isang barbie doll.
"Dont worry, parating na yun-" bigla akong nakarinig ng busina.
"Nandyan na pala sila" bumaba na ang anak ko at tumakbo papunta sakin.
"Mommy! Sorry po"
"Huh? Bakit naman? Anong nangyari?" Tanong ko.
"Kasi Top 2 lang po ako sa klase eh! Hindi ko po mataasan si Seth!" Sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya.
"Wow! Top 2 ka pala eh. Dahil dyan, magpaparty tayo!"
"Yehey!" Masayang sambit niya.
"Ate Chloe!" Napalingon naman si Chloe kay Ellie at nagyakapan ang dalawa. Ang cute nilang tignan. Idang taon lang ang agwat nilang magpinsan eh.
"Ate, laro po tayo ng dollhouse!"
"Sige!" Tapos pumasok na sila sa loob ng bahay.
"Haaayss kailan kaya pupunta dito si Seth?" Tanong ni Lester. Binuhat siya ni Lauren.
"Pupunta yun dito. Uwian na nila" sabi ni Lauren. Si Seth kasi, anak yan nila Kian at George. Siya yung sinasabi ni Chloe na hindi niya matalo talo sa school. Kawasa namana niya sa tatay niya yung katalinuhan niya.
"Sammieeeee!!!!" Napalingon naman ako sa tumawag na yun. Nakita ko si George na hawak hawak ang kamay ni Seth.
"George!" Nagyakapan naman kami.
"Seth!" Tumakbo si Lester kay Seth at nagfist bump sila. Mga lalaki talaga oh.
"Tara laro tayo ng basketball!" Tapos pumunta na sila sa backyard.
"Pasok na nga tayo sa loob" sabi ko sa kanila at pumasok na kaming lahat sa loob.
Nakita ko si Chloe at Ellie na naglalaro ng dollhouse. Ako naman ay nagbake ng cake para kela Chloe at Seth since top 1 si Seth tapos si Chloe naman ay top 2. Double celebration din!
Mabuti nalang magaling akong gumawa ng cake. Nakakamiss tuloy yung bakery shop ko noon.
Tumulong naman sina Lilie at Lauren sa paggawa ng cake habang nakikipaglaro doon sina Lyle at Lilie sa mga bata.
***
Nang matapos ko nang gawin yung cake ay nikagay ko muna sa ref at pumunta sa gawi nila Chloe. Nakita kong nakikipaglaro sila kela George. Si Lyle naman, nasa labas at nakikipaglaro kela Lester at Seth.
"Gusto niyo na bang kumain?" Tumango naman sila kaya pinakain ko na sila. Tinawag ko sa labas sila Lyle, Seth at Lester.
Pumunta ako sa likod ng bahay dahil may basketball court doon.
Nakakarinig ako ng tawanan sa likod. Nang makapunta na ako sa likod ay laking gukat ko sa nakita ko.
"Louie?!" Nakita ko si Louie na nakikipaglaro at nandun din sina Easton.
Niyakap ko si Louie. Namiss ko kaya siya.
"Sinundo ko yang si Louie sa airport. Nagpasundo eh" sabi ni Easton habang pinapaikot ang bola.
"Bat di mo sinabi?" Tanong ko.
"Surprise!" Hinampas ko siya. Nasurprise nga naman ako.
"Ay oo nga pala! Kain na muna kayo" sabi ko at hinarap si Louie.
"Louie, Top 2 ang anak mo" sabi ko at naoangiti nalang siya.
"Namana niya kasi sakin eh hahaha" yabang nito.
Pumunta na kami sa loob at nagukat pa yung iba dahil nandito sila easton at louie.
"kuya bat nandito ka?" Tanong ni lilie.
"Masama ba?" Natawa nalang ako sa kanila. Mukhang ayaw pa ni Lilie eh hahaha.
"Kainan na tayoooo!!!" Sigaw ni Lyle at tumakbi sa kusina.
Nagkainan na kami dun at pinaghatian yung cake. Tapos habang kumakain, biglang namahid ng icing si Lyle kay Lilie kaya gumanti si Lilie. Ang cute talaga nila.
Nagulat ako nang pinahiran ako ni Louie. Aba't!
Pinahiran ko rin siya at nakigaya na ang iba. Pinahiran ko silang lahat maski pati yung mag bata ay pinahiran namin. Nakilaro na rin tuloy yung mga bata.
Ang saya lang. Tapos biglang may nagdoorbell kaya natigilan kami. Binuksan ko ang pinto at bumungad sina Ethan, Third at si Kian.
"Anyare sa mukha mo?" Tanong ni Kian. Pinapasok ko sila at napangiti ako. Malagyan nga rin tong mga to.
Pinaglalagyan ko silang tatlo ng icing at tumakbo ako. Hinabol ako ng tatlo hanggang sa makarating kami sa kusina.
Tapos natigilan naman yung tatlo nang makita kaming lahat na madungis din. Hahaha, lagot kayo.
At nagsimula na ulit ang icing fight. Ang gulo na ng kusina at ang dudungis na din nilang tatlo hahaha.
Maya maya ay biglang nagring ang telephone kaya sinagot ko muna to.
"Hello?"
["Jollibee ba to?"] What the? Paanong naging jollibee to? Diba 87000 ang number nun?
"Hehe hindi po" sabi ko.
["Hala sorry! Wrong number pala!"] At nag end na ang call. Natawa nalang ako mag isa.
Naaalala ko nanaman tuloy yung wrong send na nagawa ko. Dahil dun, nakilala ko si Louie. Pero this time, iba naman yung case. Nawrong number naman hahaha.
Siguro kung hindi ko nawrong send kay Louie to, baka feeling ko hindi mangyayari to sakin ngayon. Kaya nagpapasalamat nalang ako dahil nawrong send ko ang future ko.
THE END
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎
