Chapter 17 : Treasure hunting
Sammie POV
"Namiss kita Bianca"
"Ay! Mabuti kang bespren grabe. Kami yung bumati tapos siya babatiin mo? Grabe sobrang buti" pambasag ni George. Nilingon naman ni Bryan si george at nginitian.
"Syempre babatiin ko din si bespren george!" Sabi niya at nagfist bump sila ni george.
"Kuya! Sa amin ka nalang makijoin sa kwarto. Kulang kami ng isa ehh" sabi ni lauren. Ginulo ni bryan yung buhok niya.
"Syempre naman! Matatanggihan ba kita?" Sabi niya. Nilingon naman niya si Kian.
"Oy second! Bat ganyan mukha mo? Hahahahahaha" sabi niya. Nilingon ko si kian na ngayon ay parang ewan.
"M-mind your own business" sabi niya. Nilingon naman ni bryan si louie.
Bat parang kinakabahan ako? Parang feeling ko sasabog na yung utak ko nung hinarap niya si Louie?
Pero ang mukha ni louie, nakangisi.
"Louie the second! Long time no see. Buhay ka pa pala hahahaha" sabi niya. Kumunot naman noo ni louie.
"Bat hindi yung sarili mo tanungin niyan? Ikaw nga ang wala eh hahaha" sabi naman ni louie.
"Uhmm guys, tara pasok na tayo sa loob" sabi ni Lauren.
"O-oo nga! Tara george at lauren! P-pasok na tayo" sabi ko at dali daling hinila yung dalawa.
Pumasok na kami sa loob at nilagay ko na yung bag ko sa sahig.
"Sorry Sammie" sabi sa akin ni lauren.
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Akala ko kasi handa ka nang harapin siya. Akala ko sasaya ka na kapag nakita mo na si kuya. Sorry tala-"
"Naku! Okay lang noh! Hindi mo naman kasalanan yun" sabi ko.
"Ako din Sammie! Sorry dahil nagsinungaling ako sayo" napakunot ang noo ko sa sinabi ni george.
"Huh?" Naguguluhan ako sa babaeng to.
"Naaalala mo pa ba nung sinabi ko sayong nakita kita sa hintayan ng jeep, ang totoo niyan, si bespren louie naman talaga yung nagdala sayo sa bahay. Sabi niya kasi sa akin, sabihin ko daw sayo na ako ang naguwi sayo papuntang bahay. Malalagot daw ako kapag sinabi niyang siya ang nagdala sa iyo pauwi. Kaya sorry na!" Sabi niya.
Ibig sabihin, all this time siya pala yun? Pero bakit siya nagtatago?
"Okay lang. Hindi naman malala yung kasalanan mo" sabi ko.
Tinignan ko yung paligid, ang ganda grabe!
Anim nga yung kama. Tatlo yung double deck. Tapos ang ganda ng pagkadesign ng kwarto. Black and white.
Pumasok na yung tatlong lalaki. Binagsak nila yung bag nila. Tinignan nila yung paligid.
"Oy! Ako sa taas ng kama ah!" Sigaw ni Kian.
"Ako din sa taas!" Sabi ko.
"Ako din!" Sabi ni lauren.
"Ganito, ang magkasama sa isang double deck ay kayong dalawang magkapatid, kayong dalawang magbestfriend at kami ni louie na magkaaway. Oh diba lahat may koneksyon. Galing ko talaga" sabi ni kian at natatawa pa. Ang babaw talaga ng kaligayahan nito.
"George! Ako sa taas ng kama ah!" Sabi ko kay george. Tumango nalang siya.
"Kuya! Ako sa taas ha!" Sabi naman ni lauren kay bryan.
BINABASA MO ANG
𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧
Romance𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘴𝘦𝘯𝘥𝘴 𝘩𝘦𝘳 𝘵𝘦𝘹𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 100915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 051816 𝚌𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚌𝚛𝚎𝚍𝚒𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚐𝚊𝚜𝚎𝚘𝚞𝚕𝚒𝚗𝚎