Chapter 29

1.4K 61 10
                                    

Chapter 29 : Secret

Sammie POV

"S-sapphire....."

"A-ano?"

"Ikaw si sapphire. Ikaw talaga yun" mahina niyang sabi.

"P-pero-" bigla kaming nakarinig ng tunog ng kotse. Agad kong sinilip yung bintana pero tanging kotse lang ni Easgon ang nandoon.

Weird. May nakakadaan pa ba dito ng sasakyan na one way?

Siguro nagkamali lang yung nagdrive na dumaan dito. Binalikan ko ng tingin di easton at nagulat nalang ako nang hilahin niya buhok ko.

"Aray!" Yun pala, kumuha siya ng isang pirasong buhok sakin. Tinabi niya yun sa wallet niya

"I need proof. Sige, aalis na ko" lumabas na siya ng bahay at sumakay na sa sasakyan niya.

Proof? Bahala siya.

Louie POV

San kaya nagpunta si East? Bigla nalang nawala ng parang bula sa school ehh. Tinawagan ko sya kasi walang sumasagot.

Nakita ko yung kapatid niya na busy sa paglilinis ng buong CR. NAtawa nalang ako nang maalala yung nangyari.

Iniwan ko na siya dun at nakita ko si lyle.

Minsan ko nalang siya makausap dahil sa- hindi ko alam. Ewan ko ba kung bakit nag init ang ulo ko sa kanya nun.

Nilapitan ko siya at inakbayan.

"Nakita mo si Easton?" Tanong ko.

"Hinahanap ko nga ehh. Hindi nga umattend ng klase" sabi niya. San kaya nagpunta yun?

"Nasan si Ethan at si Third?" Tanong ko.

"Ewan ko sa mga yun. Naglibot ata sa Blue East"

"Bat di ka pa sumama sa kanila? Ayaw mong maglibot?"

"Sasama sana ako kaso nakita ko si Kian"

"Oh? Magkaclose kayo?"

"Never. May atraso kaya kami sa kanya hahaha" bigla syang tumawa. Napakunot noo ko. Atraso?

"Anong atraso?" Tanong ko. Bat di ko alam yan alam?

"Sa lahat ata ng nakaaway namin, sa kanya napunta ang pinakamalala" sabi niya.

"Ano nga?" Sabi ko. D naman niya sinagot yung tanong ko.

Lumapit siya sakin at bumulong.

"Nakapatay kami. Seryoso"

Nabitawan ko ang bag kong dala sa sinabi niya. Nakapatay sila? Bat ngayon ko lang nalaman yan?

"Yang si kian, gangster yan. Mag ingat ka. Poprotektahan ko din si Sammie. Alam mo na, hahahaha" tawa niya.

Gangster si kian?

Kailangan kong makausap si sammie. Pinulot ko yung bag ko at nagmadaling umalis.

"Isaac! Ayaw mo bang malaman ang mga nangyari nung nakapatay kami?" Rinig kong sabi niya.

"Next time nalang!" Sigaw ko at dali daling pumunta sa bahay ni sammie.

***
"Mang Henry, wait ka lang dyan" sabi ko sa driver ko at lumabas.

Nakabukas na ang ilaw sa loob. Ibig sabihin, nandito siya.

Pero nagulat ako nang makita ko yung kotse ni easton. Nandito siya?

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon