Chapter 19

1.4K 66 5
                                    

Chapter 19 : Spin the Bottle

Sammie POV

Bumilog kaming anim. Alternate ang babae at lalaki. Katabi ko si Louie at Kian. Katabi ni Kian si Lauren. Katabi ni lauren kuya niya. Katabi ni bryan si george.

"Ako ang magsispin" sabi ni Lauren at pinaikot na nya yung bote.

Sana hindi ako. Sana hindi ako.

"Okay! Louie, truth and dare!"

"Hoy! Anong truth and dare?" Sabat ni louie.

"Wala lang. Para maiba naman" sabi niya.

"Tss. Ano bang uunahin mo?"

"Dare muna. Akbayan mo lang naman si Kian na parang magkabati kayo. Lately kasi napansin kong hindi kayo magkabutihan. Ayaw kong magkaaway ang mga kaibigan ko" sabi niya sabay ngiti.

"Wala na bang ibang dare? Hirap naman nyan!" Reklamo niya hahaha.

"A dare is a dare" sabat ko haha.

Tumayo na si louie at inakbayan si kian.

"Wait dyan lang kayo. Picturan ko kayo" sabi ni lauren at nilabas ang cp niya.

"Ang daya! Bat kayo pinayagan magdala ng cp?" Sabi ni kian. Tumawa lang si lauren at nagpicture.

"Okay! Truth naman" sabi ni kian sabay alis ng pagkakaakbay kay louie.

"Ano kayang truth? Aha! Louie, may nagugustuhan ka bang babae? Sino?" Sabi niya nang ikinalaki ng mata niya. Hahaha sasabihin kaya niya?

"W-wala" nauutal nyang sagot.

"Weh! Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling. Sabihin mo na!" Sabi niya.

"S-si ano...Si-Si Sammie!" Sabi nya sabay akbay sa akin nang ikinalaki ng mata ko.

"Hoy hoy hoy! Truth hindi Lie!" Pero tinakpan lang nya bibig ko. Ang daya! Bat hindi nya sinabing si Lauren?

"Makiride ka nalang" Bulong nya sa akin. Psh! Madaya ka pa rin!

"Yiiiiieee! Sige na louie spin mo na" nagspin na siya at tumapat kay Bryan. Nang tumapat sa kanya,

A moment of silence...

"Haha! Mabuti nalang tumapat sayo" pagbabasag ni louie ng katahimikan.

"Dare nalang uunahin ko. Hmm ano kaya? Alam ko na haha! Lumabas ka sa kwarto"

"Hoy louie! Anong klaseng dare-" pinutol na ni louie ang sasabihin ni lauren.

"Wait kasi! Hindi pa ako tapos" tumayo na si bryan at lumabas. Tumayo din si louie at lumabas.

Tatayo na sana si kian para sundan sila nang magsalita si louie.

"Huwag kayong susunod!" At lumabas na sya.

"Uy! Baka anong mangyari dun aa dalawa" sabi ni kian.

"Kian sundan mo!" Sabi ni george.

"Ayoko nga! Baka hindi na ako sikatan ng araw paglabas ko dun. Ikaw nalang" sabi niya. Umirap lang si george.

Bumalik na yung dalawa sa loob. Pero ang mga mukha nila ay naiba. Kinilabutan ako.

Nakatingin sila sa akin. Anong ginawa ko sa kanila? Bumalik na sila sa pwesto nila.

"Nakapagtruth na ako" sabi ni louie.

Nagspin na si bryan at tumapat kay Kian. Seriously? Puro lalaki nalang tumapat yung bote.

𝗪𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon